Chapter 83

56 3 0
                                    

(Clarie pov)
Hindi ko maalis sa isip ko ang nangyare kahapon.

"kung ganon, hindi si papa ang pumatay kundi si X? Ang kambal ni papa?" kahit sila, hindi makapaniwala.

"pero wala na si papa" napapikit nalang ako.

"sa tingin ko ginamit lang ni X si leader" napamulat ako sa sinabi ni Alex.

"tama ka. May posibilidad na pinagtakpan niya ang sarili at pinalabas na si papa ang pumatay sa pamilya niya" pero bakit hindi ko maintindihan.

"mam?" nilingon ko ang pinto nang pumasok ang isang lalaki.

"nakuha ko na" kinuha ko ang inabot niyang envelope.

"you may leave" hinarap ko siya habang hawak ang envelope.

"ano yan?"

"ebidensiya" sagot ko sa kanila bago buksan ang envelope.

Pinasundan ko siya at pinakuhanan ng picture. Gusto kong malaman kung sino ang mga nakakasalamuha niya.

"hmm? Pamilyar ang lalaking to" turo ni Orly sa isang kuha. Kausap ni Rex ang lalaking pamilyar sa'kin.

"siya yung doktor na nakita kong kausap ni Lexie sa rooftop ng hospital" sagot ko bago kinuha ang litrato.

"ah. Alam ko na. Dinala ako ni Lexie sa condo ng lalaking yan. Humingi siya ng tulong sa'kin para gawan siya ng full face prosthetic"

Marami pa siyang kuha na magkasama sila. Yung ibang kausap niya ay hindi ko kilala.

"si leader to diba?" mabilis akong napalingon kay Alex at agad na hinablot ang hawak niya.

"Lexie?" siya nga.

"kung ganon, magkasama sila? Alam niya kung nasaan si leader?" siraulong yun ah!

"Jackson. Sa tingin ko, mukhang kailangan natin gawin ang planong sinabi mo" nilingon ko siya habang nakakuyom ang kamao.

"anong plano?"

Papatayin ko talaga yang lalaking yan.

(Rexander pov)
Kakatapos ko lang maglibang kaya umuwi muna ako sa condo. I need some time alone. Kakausapin ko pa si Lexie.

Hay naku. Ano kayang plano ngayon.

"hm?" bakit hindi naka-lock.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok. Pinakiramdaman ko ang paligid.

Bwisit! Balak ba akong patayin ni X?

"yow. Kanina pa ako naghihintay" hindi na ako nakasagot pa nang biglang may humampas ng ulo ko.

Bwisit!

(Darwin pov)
Minamasahe ko ang batok habang papasok. Nasanay na ako sa mga taong nakapaligid sa bahay na'to. Puro sila armado.

"Darwin!" napahinto ako nang makalapit si Hanson.

"bakit parang nagmamadali ka? May problema ba?" may nangyare ba kay mommy?

"dude. Si Rex, nakita ko siyang dala ni Jackson" ano naman.

"tapos?" nagpatuloy na ako ng lakad. Anong problem dun?

"pare, parang may gagawin sila kay Rex, may tape ang bibig niya at nakatali ang kamay. Nandito din si Drake. Narinig ko pa na kasabwat daw siya ni Lexie" agad akong napahinto at nilingon siya.

"huh?" kasabwat?

(Rexander pov)
Dahan-dahan kong minulat ang mata.

"shit!" ang sakit ng ulo ko.

"you're awake" agad akong napatingin sa gilid.

What the hell!

"bakit ako nakatali?" anak ng!

"i can't believe this" ismid ni Clarie habang kasama ang iba na nakaupo sa gilid.

"what? Teka nga. Pwede pakawalan niyo ako. Hindi nakakatuwa ah" shit! Tinali talaga nila ako dito? The heck!

"Rex" agad akong napalingon sa bumukas na pinto.

"Drake?"

This is so not good.

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Shadow: I'm His ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon