Chapter 57

86 6 0
                                    

(Darwin pov)
"mom, anong nangyare?" bakit may mga armadong lalaki sa bahay namin.

"anak, i'm sorry. Akala ko nailayo na kita. Hindi ko alam na hanggang dito nasundan nila tayo" hindi ko maintindihan ang sinasabi ni mommy.

"what're you saying mom. A-anong nailayo? I-i don't understand" anong ibig niyang sabihin?

"i'm sorry Darwin-"

"i'm sorry to bother your moment, but we need to go now" bungad ni Lexie sa pinto.

"go where?" takang tanong ko sa kanya.

"and why are you holding a gun? Ikaw ba may gawa nun?" i'm reffering to those guys on the floor.

"yeah, so get up, we need to go" hindi ko na inintindi at inakay nalang si mommy hanggang sa kotse niya.

"what's goin' on Lexie? And mom. Anong sinasabi mong nailayo?" tanong ko sa kanilang dalawa. Lexie is driving while mom is in the backseat.

"mamaya na tayo mag-usap" may kinuha siya sa bag sa tabi niyang upuan.

"papa. They have been compromised" sino kausap niya? Daddy niya?

"copy" binaba niya ang phone bago tahimik na nagmaneho pero hindi ko mapigilan na sumulyap sa kanya.

"alam kong may itatanong ka, pero pwede mamaya na?" paano niya nalaman?

Tumahimik nalang ako hanggang sa huminto sa isang malaking bahay. Hindi ito yung bahay na pinuntahan niya nung sinundan ko siya.

"wait here" tumabi ako ng upo kay mommy sa sala.

"are you okay now mom?" tinanguan niya lang ako kaya nakahinga ako ng maluwag.

"mabuti pa siguro magpahinga na muna kayo. Ihahatid ko muna kayo sa kwarto" pinanuod ko lang silang umakyat bago ako nagbuntong-hininga.

"what are you doing here?" napalingon ako sa nagsalita. Masama na naman ang tingin niya sa'kin. Hindi ako sumagot kaya naupo siya sa kaharap na sofa.

"paano mo nalaman ang lugar na'to?" secret place ba'to? Bakit ba parang ang dami nilang secrets.

"Drake" tumayo siya at lumapit kay Lexie bago sila nag-usap. Hindi ko marinig pero kita ko na parang nainis siya at panay ang sulyap sa'kin.

"sorry about that" umakyat si Drake bago siya lumapit sa'kin.

"this is all my fault. Nadamay pa si mommy" dahil ba sa negosyo pati ang mommy ko idadamay.

"it's not that. It's not about your business" nagtataka ko siyang binalingan ng tingin. Nakaiwas lang siya ng tingin habang binubuga ang usok ng sigarilyo.

"what do you mean?" kung hindi dahil sa negosyo, ano ang dahilan.

"i don't know if i have the right to say this but...it's a matter regarding your father" my father?

"my father is dead. Anong kinalaman niya dito? At isa pa, paano mo nasabi?" napahinto siya at tinitigan ako ng seryoso.

"nevermind, i don't wanna talk about anything regarding my father" hindi siya sumagot at nag-iwas lang ng tingin.

"Alexis" kita ko pa na napahinto siya.

"it's Lexie---"

"no. Narinig namin ang voicemail sa phone mo" kita ko pa ang pagkagat ng ibabang labi niya.

"tell me. May naalala ka ba?" pagak pa siyang napatawa bago ako lingunin.

"ano ba kasing ala-ala yang sinasabi mo? At isa pa, Lexie ang pangalan ko" agad ko siyang hinatak paharap nang tumayo siya at tumalikod.

"you're lying. Narinig kita kanina kausap ni mommy. Sinabi mong hindi mo totoong magulang ang mga Anderson. That proves that you remember. Bakit hindi mo sinabi sa'kin? Kelan pa?" napahinga pa siya ng malalim bago matiim akong tinitigan at tumango.

"you're right. I remember everything. Kelan? Matagal na. Bakit hindi ko sinabi sa'yo? Because it's useless to talk about. Nakaraan na yun, kinalimutan ko na" marahas niyang sinabi binawi ang braso niya habang matalim na nakatingin sa'kin.

"Lexie" hinabol ko lang siya hanggang sa labas.

"what! Ano pa bang gusto mong marinig---"

"bitawan mo ako" hindi ko siya pinakinggan at niyakap nalang siya.

"no. I have no reason to let you go now. Hindi na kita papakawalan pa" bigla nalang siyang natahimik kaya kumalas ako bago ko inangat ang tingin mukha niya.

(Lexie pov)
"Lexie. I'm sorry for all the things i've done. Ginawa ko lang yun para protektahan ka. Ayoko na malagay ka sa panganib. Mas ginusto ko na ilayo ka kesa mapahamak ka sa tabi ko" napatawa nalang ako dahil sa sinabi niya.

"matagal na yun Darwin. Kalimutan mo na yun" pinigilan ko ang sarili ko nang makita ang butil ng luha sa mata niya.

"akala mo ba madali sa'kin ang ginawa ko? Walang araw na hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko sa'yo. Walang araw na hindi ko nasabi sa sarili ko kung gaano ako katanga para pakawalan ka. Paano ko makakalimutan ang nakaraan kung paulit-ulit akong nasasaktan tuwing  nakikita at nakakasama kita pero hindi mo ako maalala. Masakit para sa'kin na malaman na hindi ako maalala ng babaeng mahal ko" parang may bumabara sa lalamunan ko. Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa.

Kala din ba niya madali sa'kin nung pinakawalan niya ako? Walang araw na hindi ako umiiyak pagkatapos ng gabing pinirmahan ko ang papel na yun.

Para akong pinapatay sa sakit.

A/N
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Shadow: I'm His ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon