Chapter 62

76 5 0
                                    

(Lexie pov)
"ipasok niyo na yan" pumasok sila dala ang mga attachecase. Pinadala ni papa. I'm sure mga baril yun.

"do your job properly" rinig kong sabi ni Drake sa kaharap niyang guard.

"yes sir"

Pumasok na ako kasunod si Drake.

"sasabihin na ba ni dad?" tinanguan ko lang siya habang patuloy sa lakad.

"Lex" napahinto ako bago siya lingunin. Hawak niya ang kamay ko habang may emosyon sa mata niya.

"are you...are you going back to him?" nabigla ako sa tanong niya. Alam kong si Darwin ang tinutukoy niya.

"i...no" i wanted to say yes pero may pumipigil sa'kin. Dahil ba sa gagawin ko?

"are you sure?" alanganin akong tumango bago binawi ang kamay.

"yes, i'm sure" hindi ko kayang bumalik sa kanya dahil sa gagawin ko.

"go to sleep" nakangiting sabi niya bago ako halikan sa noo at lampasan. Tumalikod na ako at aakyat na sana nang mapahinto ako.

"Darwin" kanina pa ba siya? May narinig ba siya?

Walang emosyon ang mukha niya bago tumalikod. Napakagat ako ng ibabang labi habang mahigpit ang hawak sa balustre ng hagdan.

"it's fine" bulong ko habang mariin ang pikit.

It's fine. Nasaktan mo na siya. Hindi na bago ang nakita mo.

It will be fine.

(Darwin pov)
Sinadya niyang itanong yun kay Alexis dahil alam niya na nandun ako at alam niya kung ano ang isasagot niya.

Masakit marinig na hindi niya na gustong bumalik pa.

(Rexander pov)
"damn!" naiiling nalang akong nakatingin sa kanyang iniinda ang sakit ng katawan.

"mapapatay ko talaga siya" bulong niya habang inaayos ang damit. Kakatapos ko lang siyang gamutin. May mga sugat siya. Mukhang binugbug ng mga gago. Ginawa pa akong doktor.

"maghintay ka lang, magagawa mo din yun" sagot ko bago nagsalin ng alak at ibinigay sa kanya.

"thanks" nakatitig lang ako sa kanya. Gusto kong sabihin pero hindi pwede.

"how is she?"

"she's fine. Nag-aalala siya sa'yo. Tinawagan siya ni James at pinakita ka" baka nga mamaya nandito na yun.

"did you tell her?" tumango ako bago uminom. Nandito kasi kami sa condo niya.

Ding! Dong!

Speaking of which.

Binuksan ko ang pinto at hindi nga ako nagkamali. Mukhang nagmadali siya.

"kuya!" nakakaiyak sila.

"iwan ko na kayo"

"thanks bro"

"thank you"

Tinanguan ko sila bago lumabas.

Hay naku.

(Lexie pov)
Kaya pala hindi ako makatulog dahil sa kanya.

"okay ka lang ba?" mukhang nagamot na siya ni Rex.

"yeah, i'm fine" nakahinga ako ng maluwag. Buti naman at hindi ganun ang inabot niya.

"dapat bukas ka na pumunta. Dapat natutulog ka na ngayon" umiling ako bago siya yakapin.

"i'm worried, baka kung ano ng nangyare sa'yo" ayoko naman mawala ang kaisa-isang pamilya ko.

"walang nangyare" kumalas ako at hinawakan niya ang kamay ko.

"Lexie...umalis na tayo dito" napahinto ako sa sinabi niya.

"w-what?" anong umalis? Bakit?

"ayokong mapahamak ka. Kinuha nila ako para maging pain sa'yo. Gusto nilang buksan ang vault para makuha ang lahat. Hindi sila titigil hangga't hindi nila tayo nakukuha"

Right. Kaming magkapatid ang kailangan para mabuksan ang vault. Kami ang ginawang susi nila dad at mom para maging secure ang vault. Kaya hindi nila kami mapatay kahit gusto nila dahil kailangan nila kami.

"kuya, i have a favor to ask. I know you can do it"

(Orly pov)
"you need my help?" tanong ko kay Lexie na nasa harap ko.

"yeah. I need you to do it in secret, like you always do"

"secrets...from them? Sa mga kasama na'tin?" mukha siyang problemado.

"i need to secure something, at kailangan kita" mukhang seryosong usapan to. She looks so desperate kaya pumayag na ako.

"uhhh..." okay?

"who is this?" tanong ng lalaking kaharap namin. Dinala niya ako sa isang condo.

"he's going to help you" sagot ni Lexie sa kanya.

"right" hindi pa namin siya nakikita at nakilala.

"please keep this a secret" hindi ko alam ang problema ni Lexie, pero mukhang seryosong problema to.

"okay" ayokong magtanong. Mukhang may mabigat siyang dahilan.

"igawa mo din si Jonas. Kailangan ko yun"

Ding! Dong!

Naiwan akong kasama ng lalaking nasa harap ko.  I don't know what's the deal between them. Hindi pa siya pinakilala ni Lexie sa'min. Mukhng masyado silang close ni Lexie. I don't know pero hindi maganda ang pakiramdam ko dito sa ginagawa ko.

"you look bothered. I'm not gonna do anything" he looks so dangerous.

"i'm not" since si Lexie ang nagdala sa'kin dito, okay lang. May tiwala ako sa kanya.

A/N
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Shadow: I'm His ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon