Chapter 55

87 7 0
                                    

(Darwin pov)
"anong nangyare?" lumapit kami sa kanila na nasa labas ng emergency room.

"okay lang ba kayo?" nilapitan ko ang magkambal na may dugo sa mga damit nila. Tumango lang sila pero mukhang hindi okay.

"sabihin niyo" hinarap niya ang magkambal habang patuloy lang sa pag-iyak si Clarie sa tabi niya.

"masyadong mabilis ang pangyayare. Bigla nalang may humintong Van sa tapat ng bahay tapos...tapos binaril silang dalawa"

"Lexie. A-anong gagawin natin? Tinawagan ko na si Drake. Papunta na daw siya"

Kalmado si Lexie pero halata sa kanya na kinakabahan siya. Nag-aalala siya sa mga kasama niya.

"nakapagtataka. Silang dalawa ang tinamaan kahit nandun naman ako" sagot ni Larson.

Pinaupo ko nalang muna si Lexie sa tabi ko. Para siyang papatay sa awra niya. Ilang minuto pa ang inabot bago lumabas ang doktor.

"dok, kumusta na ang mga kaibigan namin?" lumapit ang doktor sa pwesto namin.

"sa ngayon ligtas na sila. Tinatapos lang ang pagtahi at ililipat na din sila sa kwarto ng isang kaibigan ninyo" isang kaibigan?

"salamat po"

Nilingon ko si Lexie na nakasabunot sa buhok niya.

"salamat. Bumalik na kayo, kami na bahala dito" tumayo siya at umalis kaya sinundan ko lang siya hanggang sa makapasok siya sa isang kwarto. May bantay sa labas. Bakit may bantay?

"pasensiya na pero hindi kayo pwedeng pumasok" huh?

"okay lang. Kasama ko siya" nilingon ko si Clarie na kasunod ang dalawa.

"anong nangyare sa kanya?" siya yung nakilala ko sa Cruise. Yung Orly.

Maya-maya pa ay pinasok na ang walang malay na Jackson at Alex, kasunod ang doktor bago lumapit kay Orly.

"how is he? Kelan siya magigising?" tanong ni Clarie sa doktor.

"as i've said---"

"what happened?!" pumasok si Drake at Rex na mukhang nagulat pa nang makita kami.

"as i've said before na malalim ang bala na bumaon sa katawan niya, unti-unti na siyang nakaka-recover at anytime soon magigising na din siya" lumabas na ang doktor kaya natahimik ang kwarto.

"anong ginagawa nila dito?" ano ba ang problema niya sa'kin.

"sila ang nagdala kay Jackson at Alex dito" sagot ni Lexie sa tabi ko.

"ano ba nangyayare? Bakit pare-pareho sila ng kalagayan? May pinagkakautangan ba sila? O may gustong pumatay sa kanila?" nagkatinginan pa sila bago bumaling sa'min.

"hindi niyo na problema yun" bakit ba parang ang init ng dugo niya sa'kin. Dahil ba kay Lexie? Kay Alexis?

"aalis muna ako" lumabas si Lexie kaya sumunod ako, pero hindi nakatakas sa'kin ang masamang tingin niya bago ako makalabas.

"Lexie!" hinablot ko ang braso niya at hinarap sa'kin. Nasa parking lot kami ng hospital.

"k-kasalanan ko to. Dapat...dapat kasi hindi ko sila hinayaan na lumabas" niyakap ko nalang siya at hinayaan na umiyak sa dibdib ko.

"it's not your fault. Hindi mo ginusto ang nangyare sa kanila" lalong lumakas ang hikbi niya.

"matagal ko ng sinabi na lumayo sila. Na hindi sila pwedeng lumapit kahit sino sa inyo" i stopped at her cold voice. Anong ibig niyang sabihin?

"what do you mean? Bakit naman nadamay kami?" lumayo siya at pinunasan ang luha.

"dahil mapanganib. Dahil sa uri ng trabaho namin. Kahit kayo, pwedeng madamay. Hindi kami pwedeng makipagkaibigan sa inyo" hindi ko siya maintindihan.

"then what am i?" i blurted out na ikinaiwas niya ng tingin.

"i'm just a maid. Nothing else" ano a nga ba. Bakit ba naisip ko na malapit na kami sa isa't-isa.

"pero hindi ganun ang tingin ko sa'yo" para sa'kin, asawa ko pa din siya.

"hindi ko na problema yun" nakatanaw lang ako sa kanya na umalis.

"ahh. Damn this life!" inis na bulong ko.

(Dark X)
"bakit buhay pa sila? Dapat tinuluyan niyo na!" what an imcompetent fool!

"pasensiya na boss. Ano na po ba ang susunod. Gusto niyo ba na isunod ko si mrs. Alegre?" mga bwisit!

"sounds nice. Hintayin niyo ang anak ko bago kayo gumawa" binaba ko na ang tawag bago hinarap ang screen.

"we are sorry mr. Villafrancia, pero hindi pwedeng buksan ang vault nang walang pahintulot ng may-ari---"

"i told you that's mine!" bakit ba hanggang kamatayan pinapahirapan ako ng mga yun.

"we are terribly sorry mr. Villafrancia.  As you know, this vault is an advance technology. We need multiple code para mabuksan---"

"forget it!" pinatay ko ang screen bago sumandal.

Multiple codes ha?

A/N
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Shadow: I'm His ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon