Chapter 35

216 7 0
                                    

(Lexie pov)
Langhiya! Ito ang aabutan ko? Ano bang nangyayare sa kanila.

"hey baby" lumapit siya bago yumakap. Mukhang lasing na talaga, naramdaman ko ang bigat niya. Nabaling ang tingin ko kay Darwin na masama ng tingin sakin. Bakit ang sama ng tingin niya eh kakarating ko lang. Problema nitong siraulong to.

Chikushō!

"baby" tsk! Inalaayan ko nalang siya. Lasing na lasing at may pasa sa gilid ng labi. Lintik!

"what are you doing here, you're supposed to be at the house" hindi ko siya pinansin at hinawakan ang gilid ng labi ni Drake, nag-away yata sila.

"Alexis-"

"i'm not Alexis!" mukha namang nagulat sila sa sigaw ko. Bakit ba nila ako tinatawag na Alexis.

"let's go home"

"you're not coming home with him" nilingon ko si Darwin na masama ang tingin habang nakakuyom ang kamao.

"easy kalang pre, iuwi mo na siya" hindi ko na pinansin ang sinabi ni Rex at inalalayan nalang si Drake papunta sa kotse niya.

Hay naku ano bang ginawa mo?

(Darwin pov)
Napasalampak ako ng upo bago uminom. Bwisit!

"easy ka lang, dapat hindi mo na pinatulan" tsk! Siya ang nauna. At bakit ko aagawin si Alexis kung sa una pa lang akin na siya.

"ano bang problema niya sakin" nakakainis.

"wag mo na siyang pansinin, mainit lang ang ulo niya" dinamay pa ako sa init ng ulo niya.

Alexis. Ikaw si Alexis...ikaw siya.

(Lexie pov)
Binuksan ko ang pinto at inalalayan siyang pumunta sa kwarto. Ang bigat.

"baby?" umupo ako sa tabi niya habang nakahiga siya. Maya maya ay natulog na siya kaya lumabas na ako. Naabutan ko pa si Clarie at Jackson na nauna sakin na bumaba.

"oh lasing na lasing ba?" naupo ako sa katapat nilang sofa.

"nag-aaway sila ni Darwin pagdating ko" kainis.

"hay naku, ano bang problema niya?" nagkibit balikat lang ako sa tanong ni Jackson.

"tumawag kanina si Jonas, miss ka na daw niya" napabuntong hininga nalang ako.

"i'll call him when i get home" i lit my cigarette habang nakatingin sa phone.

"he called me a while ago"

"who?" takang tanong ni Jackson.

"James" nakakabwisit yung lalaking yun.

"kailangan natin maghanda. We'll never know baka isang araw mambulabog nalang sila" sambit ni Clarie na ikinahinto ko.

'sino kayang uunahin ko sa inyo? Hmm?'

That lunatic.

"sa tingin ko may balak sila. Masyado silang tahimik" sagot ni Jackson.

Tama, masyado silang tahimik. Alam kong nakamasid lang sila sa paligid. Tsk! Nakakainis yung mga yun.

"i'm going" tumango nalang sila bago ako lumabas.

Naghanap ako ng taxi para bumalik sa club dahil naiwan ko ang motor ko dun. Ano bang problema ni Drake at bakit ba sila nag away. Nakakapanibago, hindi naman siya ganun.

Kinuha ko ang motor bago umuwi sa bahay niya. I'm sure nandun na yun. Patay ang ilaw pagpasok ko sa gate.

"tsk!" napahawak ako sa ulo dahil sa hilo.

Bakit ba madalas sumasakit ang ulo ko. Hindi ko naman nakakalimutan na inumin ang gamot ko pero bakit ganun.

Tahimik ang loob ng bahay pagpasok ko. Wala pa ba siya? Pero nandito ang sasaktan niya.

"boss?" lumapit ako sa kusina dahil sa tunog na parang nabasag.

"anong ginagawa mo jan?" binuksan ko ang ilaw. Nakaupo siya sa lapag habang hawak ang bote ng alak.

Mukhang lasing na siya.

"Alexis" tsk! Ayan na naman siya.

"it's Lexie" naupo ako sa tabi niya bago kinuha ang bote.

"hey, that's mine" tsk! Lasing na nga.

"anong problema mo?" mahina siyang tumawa bago ako nilingon. Mapungay na ang mga mata niya.

"you...you don't remember me" huh? Baliw na ba siya?

"huh? Anong ibig mong sabihin?" pero bakit...bakit parang nasasaktan ako sa sinabi niya.

"why are you doing this to me?" napahinto ako dahil sa luhang pumatak sa mata niya habang nakatingin sa'kin.

"w-what?" shit! Sumasakit na naman ang ulo ko.

"parusa ba to sa ginawa ko sa'yo? If yes, then fuck this life!" hindi ko alam pero sobrang sakit to the point na hindi ko mapigilang maluha.

"i'm sorry Alexis, i'm really sorry" shit!

'hubby!'

'i love you hubby ko!'

Damn!

I took a deep breath at maya-maya lang ay nawala na rin.

"Alexis" sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa sobrang lapit niya.

"i thought that if i let you go, everything will be alright, that you would be safe" ano bang sinasabi niya.

"i'm sorry" hindi ako makagalaw sa sunod na ginagawa niya. Gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa. Parang may sariling isip ang katawan ko at hinayaan lang siya.

Sa tingin ko...mali na nadito ako.

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Shadow: I'm His ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon