Chapter 46

139 9 0
                                    

(Lexie pov)
Inayos ko ang hikaw na may nakakonektang mike bago lumabas. Naabutan ko siyang nakatalikod at nakatingin sa relo niya.

"sorry i'm late" napalingon siya at kita ko ang gulat sa mukha niya habang nakatingin sa'kin.

"uhm, no it's fine, ahem...let's go" kita ko pa na parang nahihiya siya. Problema nitong gago na to.

"sandali lang Darwin" huminto siya at humarap kaya lumapit ako at kinuha ang pin bago nilagay sa tie niya.

"perfect?" nailang naman ako sa titig niya. Napakaseryoso niya tumingin.

"b-bakit? Ayaw mo ba?" sayang ang effort ko sa paglalagay ng listening device.

"no. It's...it's a lovely gift?" parang may halong lungkot ang ngiti niya.

"i have something for you too" kinuha niya ang kamay ko at sinuot ang bracelet.

"it's my thanks" nakatitig lang ako sa kamay niya na parang wala yatang balak bumitaw sa hawak.

"kamay ko" napaangat ang tingin ko. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing napapatingin ako sa mata niya, parang may kung anong masakit sa dibdib ko na parang gusto kong umiyak.

"D-Darwin?" hindi ako makaiwas nang unti-unti siyang lumalapit hanggang sa magtama ang mga ilong namin. Too close, he is too close.

"uhm. Male-late na tayo" agad naman siyang napahinto bago umatras at umiwas ng tingin.

"right. Sorry" huh? Ganun nalang yun? Pagkatapos niyang sabihin bigla nalang siyang aalis? Hanep men.

"kakaiba?" naiiling na bulong ko bago pumasok sa kotse, pero hindi maalis sa dibdib ko ang lakas ng kabog dahil sa ginawa niya. Konting-konti nalang.

(Darwin pov)
Haist! Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Muntik na. Kala ko mawawala ako sa katinuan nung makita ko siya. Bakit kasi ang ganda niya.

"wag kang aalis sa tabi ko mamaya" hindi ko siya nilingon dahil baka may magawa ako sa kanya, mahirap na.

"uhhh, okay" masunurin naman pala siya.

"invitation sir" inabot ko ang invitation bago kami sabay na pumasok.

"don't go anywhere Lexie, dito ka lang sa tabi ko" hindi siya pwedeng mawala. Baka mamaya nandito si James o si Aldrine.

"fine" kumapit lang siya sa braso ko nang makapasok kami.

"this is too boring" mukhang ayaw niya sa mga ganitong ganap. Normal lang to sa'kin dahil hindi naman ito ang unang beses kong umattend ng party.

"you'll get used to it" hindi na siya sumagot pa kaya tumahimik na din ako.

"mr. Alegre, hi, i'm Colton Andres of Colton parmaceutical" isang sikat na parmaceutical sa U.S.

"Darwin Alegre" we shook hand bago siya bumaling kay Lexie na tahimik lang na nakatingin sa malayo at kinakalikot ang hikaw niya.

"and who is this gorgeous girl?" napatingin pa siya sa'kin bago bumaling kay Colton at ngumiti.

"Lexie. She's uhm...my wife" naramdaman ko pa ang kurot niya pero hindi ako lumingon.

"you have a beautiful wife. How lucky" of course.

(Lexie pov)
Tahimik lang ako habang nag-uusap silang dalawa, pero hindi nakawala sa paningin ko ang sulyap nung Colton daw kuno.

"haa. Grabe, nakita mo ba kung paano ka tignan nung lalaki?"

"tss! Does he have a death wish?"

Jusko po naman silang dalawa. Pinapanuod ba nila ako?.

"i'll just get a drink" hindi ko na siya hinintay pa na sumagot at kumuha ng wine bago ko nilibot ang tingin.

"found anything?"

Medjo lumayo ako para hindi ako marinig at mahalata. Hindi ko pa sila makita.

"i don't see James, but i saw something in other room. May bantay sa labas"

"where?"

"sa kanan mo. May kwarto dun"

Hmm. Weird, parang wala si James.

"ladies and gentlemen. I, Anton Smith, thank you all for coming to my party. I hope you enjoy this party, and i hope to be one of you in the future for my new build company" medjo bata pa siya. Siguro mga nasa 40 lang pero well-built ang katawan. Parang alaga ng gym, gwapo din siya, tss! May bago na naman ba siyang negosyo. Another illegal business. The heck! Pinapalawak nila ang mga kasamaan nila.

"what kind of illegal business naman kaya ang itatayo niya ngayon. Tss! Puro sila corrupt"

Naiiling nalang ako sa sinabi ni Orly habang nakatingin kay Anton na may kausap na mga business tycoon. Tsk! Kating-kati na akong tapusin ang lalaki na yan.

"tss. Mukhang matino pero sobrang bulok sa loob"

"ganun talaga. Iisa sila ng pinanggalingan. Wag ka na magtaka kung bulok siya, dahil mas malala ang amo niya"

Mas malala ang leader ng Dark X.

"mukhang aalis na siya"

"i'll try my charm"

Nilingon ko muna si Darwin na busy sa mga kausap niya. Buti naman at nakalimutan niya ako. Naglakad ako papalapit sa kanya na may kasamang dalawang bodyguard. Ininom ko muna ang wine bago kumuha ng bago.

Tignan natin kung gagana sa kanya.

A/N
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Shadow: I'm His ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon