CHAPTER 34

2.4K 37 1
                                    

Gabi na ng maka uwi kami galing sa Ocean Park. Sa laki ng ocean park halos gabihin na kami sa pag libot. Mas lalong gumanda ang paligid ng mag gabi dahil narin sa mga ilaw na nagsi bukasan.

"Dad, I'm tired." Maeve said it and hug her dad tightly.

"Malapit na tayo baby, hang on. Also you need to change your cloths pa." Justin said it to his daughter.

"Inaantok ka na ba Aster?" Tanong ko sa anak kong nasa gilid ko lang at as usual, tahimik lang.

"Medyo po." Sabi nito at tinignan ang hawak na paper bag na may laman na libro. Kanina pa sya hindi mapakali sa libro nayan at gustong gusto ng basahin.

"Okay, we will just change your cloths later bago ka matulog, okay?" Tumango tango ito kaya tinignan ko si Manang na naka ngiti lang sa likod habang tinitignan kami.

Nang maka rating kami sa kwarto ay agad na inihiga ni Justin ang anak nya sa higaan nito at ako naman ay kumuha ng damit nito pamalit at basang towel nalang para kahit papano ay mabasa ng konti ang katawan nito.

Matapos kong bihisan si Maeve ay sinunod ko na si Aster na sinisimulan ng basahin ang libro nya. Napangiti ako at nailing nalang.

"Baby, it's time to change." Agad nitong sinara ang libro nya. This year lang din nagsimula mag basa ng libro yan pero heto sya at nakakatapos na ng libro ng isang linggo o di kaya ay dalawa.

Nag half bath lang si Aster at ng matapos ay agad kong pinunasan ang buo nitong katawan at binihisan ng pantulog nya.

"Go get a rest baby, maaga pa ang alis natin." Tumango ito at tumabi na ng higa kay Maeve.

Binuksan ko ang Lamp sa bed side table nila tska ko pinatay ang ilaw at tinignan ko pa muna ang mga ito tska ko sinara ang pintuan ng kwarto nila.

Pagka labas ko ng kwarto ay nakita ko si Justin na naka higa na sa sofa habang ang mga braso ay naka takip sa mga mata nya.

"Kanina ka pa yata inaantay nyan." Biglang salita ni Manang Iska sa gilid ko na agad ko naman ikina tingin sakanya.

"Ganon ho ba?" Tumango tango ito.

"Alam mo ba. Masaya ako at nagka ayos na kayong muli, noong unang beses ko nakita yang asawa mo, alam ko na kayo talaga para sa isa't isa. Hindi nyo man ako nakasama noong nasa iisang bubong pa kayo pero... alam ko na nag mamahalan kayo." Sabi nito habang naka tingin lang din sakin. "Masaya ako para sayo Clarisse." Sinserong sabi nito.

"Salamat po manang. Karapatan din naman po nya at ng mga bata malaman ang totoo. Ayoko naman itago sakanila yon." Tumango ito at tinapik anf balikat ko.

"Oh sya sige ako ay magpapahinga na at maaga pa tayo bukas." Tumango ako at nginitian ito. Nang maka pasok ito sa kwarto nya ay tska ko nilapitan si Justin na ganon parin ang posisyon.

"Justin." Tawag ko dito at tinapik pa ang braso, para mas lalong magising pero ganon parin.

"Huy!" Inalog ko na ito pero ayaw parin kaya napa buntong hininga ako at akmang aalis na ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at pag lingon ko ay bigla nya akong hinila at ang kinalabasan ay bumagsak ako sa ibabaw nya.

"Ano ba!" Hinampas ko to sa dibdib nya na ikina tawa nya ng bahagya. Pinipilit kong maka alis sa ibabaw nya pero lalo lang nya hinigpitan ang pag yakap sa katawan ko.

"Just stay still, I want to see your face." Sabi nito na ikinatigil ko naman. Ilang minuto kaming nag tititigan at ang bilis na ng tibok ng puso ko.

Itinagilid nya ako kaya naman napag gigitnaan na nila ako ng sandalan ng sofa at sya. Hinawakan nito ang pisngi ko na tila may binubura doon.

"I missed you... So much." Nakagat ko ang labi ko ng sabihin nya yon at nag iwas ng tingin kaya agad nyang hinawakan ang baba ko at hinarap sakanya.

My Secret Husband | (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon