CHAPTER 13

2.8K 59 7
                                    

Buwan ng Nobyembre at heto kami hindi magkanda ugaga sa pag review dahil nalalapit na ang exam namin, kanya kanya kami ng istilo kung pano kami makakapasa, Syempre meron ding chill lang ewan ko ba sakanila kung bat sila chill lang samantalang kami heto hindi magka sundo dahil sa iba't ibang opinyon ng mga kaklase ko kesyo ganto ganyan, mygod people!

"Clarisse, May nakita ka bang puting papel?" Tanong ni Eva, isa sa kaklase kong masipag din.

"Wala eh, bakit?"

"Nandon kasi yung summary ng mga nireview ko, hindi na nga ako makapag focus nawala pa, pero thanks" sabi nito at umalis habang sapo ang noo, halatang problemado.

Binalik ko ang tingin sa librong binabasa ko, wala dito si Justin dahil ang sabi nya ay may kakausapin daw sya pero kanina pa yun at halos kalahating oras na syang wala buti nalang at wala kaming teacher na dumating basta daw ay mag review kami at sinunod naman namin.

At dahil nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan ay lumabas ako ng room at pumunta ng malapit na comfort room para doon maglabas.

Pagka rating ko ay walang tao kaya naman ay nagtuloy tuloy lang ako at pumasok sa isang cubicle. Pagka tapos ay naghugas lang ako ng kamay at lumabas narin ngunit agad ding napa hinto ng may narinig akong parang hagikhik at sa hindi malamang kadahilanan ay nagtungo ako roon sa pinang galingan ng tunog at maya maya lang ay bumungad sakin ang dalawang tao na nag hahalikan, hindi ko sila gaano mamukhaan dahil medyo madilim sa part nayon at naka talikod ang lalake at ang babae naman ay naka harap sakin ngunit naka pikit at damang dama ang halikan nilang dalawa, sa sobrang gulat ko ay napaatras ako at napatingin sa likod at hindi ko napansing may dustpan pala don at naatrasan ko ito kaya gumawa ng ingay na syang nagpa tigil sa halikan ng dalawa at pag tingin kong muli sakanila ay laking gulat ko na ang lalaking kahalikan ay walang iba kundi si Justin, kaya lalo pa akong napa atras.

"C-Clarisse" Sambit nito at napailing ako at nagsisimula ng mangilid ang mga luha ko.

"L-Let me explain" Sambit nitong muli pero umiling ako ng umiling at ng hindi ko na nakayanan ay tumakbo na ako papalayo sakanila.

Anong nagawa ko para lokohin nya ako ng ganto? akala ko ba okay na kami? anong nangyare?!

Tuloy tuloy ang tulo ng luha ko, wala na akong pake sa mga makaka kita sakin, ang sakit ng dibdib ko feeling ko hindi ako maka hinga. Nakarating ako sa parang garden dito sa school at doon umiyak ng umiyak.

Eto na ba yung nakilala kong Justin noon? na walang pake kung sino ang halikan? akala ko ba okaya na kami? bakit naman ganto?!

Gusto kong sumigaw pero tanging hikbi lang ang lumalabas sakin, sinikap kong tumigil pero ayaw nya! Masyadong masakit yung nakita ko, Kung noon nakakaya ko pa at wala akong pakielam pero ngayon iba na eh! Asawa ko na sya! bakit kailangan nyang bumalik sa pagiging ganon nya?!

"Clarisse..." Sabi nito kaya hinarap ko sya kahit pa mukha akong miserable dahil sa pag iyak ko.

"A-Ano yun Justin? A-Akala ko ba o-okay tayo?" Utal na sambit ko dahil humihikbi parin ako.

"It's not what you think, okay?" mahinahong sabi nito.

"A-Ayun ba yung k-kakausapin mo?" tanong ko dito na ikina tango nya at doon ako umiyak ng umiyak.

"E-Eh bakit n-nag hahalikan kayo?!" sigaw ko dito, hindi ko na mapigil ang imosyon ko, unti unti na akong kinakain.

"I said It's not what you think!" sigaw din nya.

My Secret Husband | (COMPLETE)Where stories live. Discover now