CHAPTER 4

4.1K 89 1
                                    


Nagising ako at alam kong nasa kama ako, tinignan ko yung orasan na nasa bed side table namin at pag tingin ko ay alas kwatro na ng umaga kaya naman naisipan ko ng bumangon pero hindi ako makabangon dahil naka pulupot yung kamay ni Justin sa bewang ko at nakabaon pa yung mukha nya sa leeg ko.

Ramdam na ramdam ko yung hininga ni Justin na tumatama sa leeg ko kaya naman hindi na muna ako gumalaw dahil baka magising to kahit pa ang lalim ng tulog.

Ano nalang kaya ang mangyayare saming dalawa once na maghiwalay kami after five months? kakayanin ko kaya? feeling ko nahuhulog na ako kay Justin, hindi pa ako sigurado pero parang. Ayokong umasa dahil alam ng lahat na mahal nya pa yung ex nya, hindi ko kilala yung babae pero kalat yun sa school na mahal pa daw nya. Wala akong laban don. Mahal nya yun, samantalang ako pinilit lang.

Gumalaw si Justin kaya napatingin ako sakanya at nakita kong unti unting bumubukas yung mga mata nya at ng makita nya ako ay hinalikan nya lang yung pisnge ko tska nya ulet binaon yung mukha nya sa leeg ko.

"Justin, may pasok pa tayo, bumangon ka na dyan" pag gigising ko dito.

"Five minutes" sabi nito

"Wala ng five minutes, five minutes bumangon na tayo para makapag almusal na tayo" pagpupumilit ko dito

"Hmmm no." sabi nito at pilit pang binaon yung mukha nya sa leeg ko kaya napairap nalang ako sa kakulitan nya.

"Ayaw mong pumasok?"

"Gusto, mamaya na konti, It's already four am in the morning babe"

"Whatever, bumangon ka na dyan dahil kakain pa tayo, kung ayaw mo edi ako nalang" sabi ko tska tinggal yung kamay nyang naka pulupot sa bewang ko pero sadyang makulit si Justin mas lalo pa nyang hinigpitan "Justin! Isa!" Imbis na matakot ay umiling lang ito tska tumawa ng mahina kaya naman napairap nanaman ako.

"Mamaya na kasi" salita nito habang naka baon ang mukha nya sa leeg ko.

"Justin, please lang may pasok pa tayo pareho"

"I know"

"Alam mo pala eh, edi bumangon ka na dyan"

"Okay, let's eat" sabi nito sabay bangon at dare-daretsyong lumabas kaya napailing nalang ako sa abnoyan nya.

Lumabas narin ako ng kwarto para sumunod sakanya at nakita ko syang naglalakad na papuntang dining area at sumisipol sipol pa kaya napailing nalang ako tska bumaba at dumaretsyong dining area.

Pagkarating ko ay nakahanda na ang pagkain kaya naman tumabi na ako ng upo kay Justin at nagsimulang kumain. Galit muna kami kasi kainan time to eh. Nang matapos akong kumain ay nauna na akong umakyat, mabagal kasi kumain si Justin kaya iniwan ko na baka pareho pa kaming ma late pag nagkataon.

Natapos akong maligo at saktong pasok ni Justin kaya dare-daretsyo na syang nagtungo sa banyo para maligo. Sinoot ko na yung school uniform namin tska ako humarap sa vanity mirror ko para mag ayos. Binlower ko lang yung buhok ko tska ko pinlantya gamit yung hair straightener ko, at ng matapos ako sa buhok ay sa mukha naman, naka labas na Justin galing banyo kaya dumaretsyo na sya sa walk in namin para mag bihis at ako naman ay nag ayos na ng mukha para naman hindi ako mukhang kawawa, first day na first day mukha akong ewan.

Natapos akong mag ayos at ganon din si Justin kaya naman sabay na kaming bumaba dalawa, dala dala nya yung bag namin kasi ang bigat daw ng bag ko at baka mapilay ako, ewan ko ba dyan nagiging sweet!

"Get in" sabi nito kaya naman pumasok na ako sa loob at sya naman ay sumunod, nang pareho na kaming nakasakay ay pinaandar na ni Kuya Edgar yung kotse papasok sa iskwelahan.

My Secret Husband | (COMPLETE)Where stories live. Discover now