CHAPTER 29

2.8K 54 1
                                    

A/N: Exam day kasi last week kaya hindi nakapag update, pasensya na. Love y'all❤️

~~~~~~~~~

Maaga akong nagising para gisingin ang mga anak ko, dahil ngayon ang araw ng alis namin patungong Hong Kong. Bukas na ang birthday ng dalawa. Alas tres pa naman ang flight namin na pina book nila mommy, pero alam kong hindi magkakanda ugaga si Maeve lalo na at excited ito.

Pagka bukas ko ng pinto ng kwarto nila ay nakita ko silang gising na at kapwa nag kekwentuhan, mukhang hindi nila ako napansin dahil tuloy tuloy sila sa pag kekwentuhan nila, at tumabi na si Maeve sa higaan ni Aster. They have their own bonding time lalo na tuwing umaga, madalas ko silang nakikitang ganito oh hindi kaya ay kapwa tulog sa higaan ni Aster, Si Maeve ang madalas na tumabi dito lalo na at napaka lambing din nitong bata.

Mukhang naramdaman ni Aster ang presensya ko dahil napa tingin ito sakin kaya napatingin narin si Maeve sakin.

"Mommy! Come here po, I was telling Galad a story hihi," At humagikgik pa ito kaya naman natawa ako.

"Morning mom," Bati ni Aster at bumangon pa para halikan ako sa pisnge, at ganon din ang ginawa ni Maeve.

"Morning mommy!" Masiglang sabi nito.

"Napaka sigla naman ng baby girl ko," At kinurot ko pa ito ng mahina sa pisnge at tinawanan lang ako.

"Have you eaten your breakfast?" I ask them at agad na umiling si Maeve.

"Not yet mom, so let's eat!" At bumaba na ng higaan at hinila na ako, habang si Aster naman ay tamad na sinosoot ang indoor sleepers nya. Binuhat ko na si Aster dahil ang bagal mag lakad.

"Mommy! we are going to Disney Land right?!" Sabi ni Maeve na ikina tango ko naman habang naka ngiti.

"Mom, pupunta sila lola dito bago tayo umalis?" Aster ask habang nag lalakad kami papuntang dining area.

"Yes baby, ihahatid nila tayo sa Airport," At nginitian ko ito sya naman itong tumango lang at wala ng sinabi.

Nagsimula na kaming kumain ng agahan habang ang bunganga ni Maeve ay walang tigil sabpag sasalita, ilang beses ko itong nasabihan pero hindi parin tumitinag kaya hinayaan ko nalang at nakinig sa sinasabi nito hanggang sa matapos kami pag kain. Naglaro na muna ang dalawa sa sala habang hinihintay ang mga lolo at lola nila na malapit ng dumating. At ilang minuto pa ang lumipas ay dumating din ang mga ito.

"Where is my apo's?" I heard mommy's voice.

"Mama!" Sigaw ni Maeve at nakita ko pa itong tumakbo kaya agad ko itong sinuway at agad din naman tumigil.

"Aww... my baby girl..." Sabi ni mommy ng makarga na nya si Maeve. Si Aster naman ay agad na humalik sa pisnge ng mga lolo at lola nila.

"Napaka sungit! hihi," Sabi ni Mama Joyce at humagikgik pa.

"Mom, Dad, Pa, Ma." Tawag ko sa mga ito at humalik sa mga pisnge nito.

"Nakapag impake na ba kayo?" Tanong ni Daddy.

"Yes dad, naayos ko na lahat kahapon. Sobrang excited rin kasi nito lalo na iyan," At tinuro ko si Maeve pero binaon lang ang mukha sa leeg ng lola nya kaya natawa ang mga ito.

"Eh si Iska nakapag ayos na ba? Diba ay sasama sainyo yun?" Si mama Joyce.

"Opo ma, nakapag ayos narin si Manang kahapon," Tumango naman ang mga ito at dumaretsyo sa pag pasok sa loob ng bahay.

Agad na nakipag laro ang mga ito sa mga bata dahil narin inaya na ito ni Maeve. Ilang oras din silang naglaro doon at ng mag tanghali na ay sabay sabay din naman kaming kumain at ng matapos ay tinawag ko narin ang dalawa para maligo.

My Secret Husband | (COMPLETE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora