CHAPTER 44

2.3K 37 1
                                    

Eto na ang araw na aalis kami ng pilipinas patungong ibang bansa. I am scared. Scared na baka hindi maging successful, scared na baka may mang yareng hindi masama. Ang daming tumatakbo sa isipan ko na mas lalong nagpapakaba saakin.

Days before the flight is naka usap ko ang mga magulang ng bata. Ang ina neto ang naka usap ko, ka edaran lamang din ni Maeve ang anak ng namayapa, ang sabi neto ay na comatose daw ito halos dalawang taon dahil sa pagka bagok at ayon sabi ng doktor ay brain dead na daw kaya nag pasya silang idonate nalang din ang ibang organ ng bata. That child deserves everything. Nakausap ko rin ang iba pang mga magulang at sobra sobra ang pasasalamat ko sakanila at ng dahil sakanila ay maililigtas nito ang anak ko.

"Mommy?" Aster ask me because I hugged him immediately once I came home.

"Sasama ka ba saamin sa ibang bansa para mapagamot kapatid mo?" Tumango agad ito.

"Does Deva will be alright once we go to other country?" He innocently ask.

"Yes baby, this is your twin need. Kung sasama ka, how about your school?"

"I'll stop. I'll continue it with Deva." He said with a final tone of his voice.

"Alright, we will inform your school about it, okay?" Tumango agad ito at niyakap ako.

Agad kaming dumaretsyo ng hospital pagkarating namin dito sa America, agad nilang inasikaso si Maeve at dinala sa emergency room upang simulan ang operasyon. Sobra sobra ang pamamawis ng kamay, paa at noo ko dahil sa kaba. Pabalik balik ang lakad ko at hindi ako mapakali, wala pa dito si Justin, hindi ko alam ang gagawin ko.

Halos manalangin ako ng lahat ng santo na mayroon upang maging maayos ang operasyon ng anak ko.

"Please Lord, sana po maging maayos ang operasyon ng anak ko..." Dasal ko sa panginoon, ngunit pag balik ko mula sa chapel ng hospital ay ilang minuto lang ang lumipas at lumabas narin ang doktor.

"Doc, successful po ba?" Wala akong pake kung hindi nya maintindihan, gusto kong malaman kalagayan ng anak ko.

"I am very sorry mother. But your child didn't make it..." Ano?

Halos mawalan ako ng balanse ng sinabi 'yon ng doktor at basta nalang akong iniwan. Dumilim ang buong paligid at ang nakikita ko nalang ay ang anak ko na naka tingin saakin habang hawak ang paborito nyang manika. Maeve stared me plainly and she slowly walk, she walk away from me....

"No, baby. Don't leave mommy." Halos isigaw ko na 'yon pero patuloy parin ito sa pag lakad.

Iyak na ako ng iyak habang pilit na hinahabol ang anak ko.

"Please Maeve, anak. Don't do this to mommy..." I cried even more.

"Goodbye mommy-"

"Clarisse!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko at agad akong napadilat. Nang tumama ang mga mata ko kay Justin ay agad akong umiyak ng umiyak, akala ko totoo na.

"J-Justin... Si M-Maeve..." hinagod ako neto sa likod.

"Shhh... walang mangyayareng masama sa anak natin, magiging maayos din ang lahat." Pag papagaan nya sa loob ko pero hindi parin mawala wala sa isip ko.

"H-Hindi daw naging successful yung operasyon. Justin hindi ko alam gagawin ko kapag nangyare yon!" At umiyak akong muli.

Sobra sobra akong natatakot na baka magkatotoo ang panaginip ko. Ayokong mawala ang anak ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nagkatotoo yon.

"It will be alright babe, magiging maayos si Maeve. Trust God for his plan for us, hmm?"

"Pero pano kung kunin sya satin, Justin ayoko." He just hug me tightly.

My Secret Husband | (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon