CHAPTER 5

4.1K 88 0
                                    


Warning: R-18

Natapos ang buong klase ng hindi kami nag papansinan ni Justin, sometimes pag paalis na tska nya ako kinakausap pero pag nasa loob ng room wala ng pansinan. Naiintindihan ko naman na tinatago talaga namin pero meron sa sarili ko na gusto ng umamin na 'hoy! asawa ko yan, akin yan' may ganon akong feels lalo na pag may lumalapit kay Justin gusto ko nalang minsan bulyawan eh.

"Let's go" sabi ni Justin nung wala na yung mga kaklase namin at kaming dalawa nalang ang natira. Let's go mo your face! hmp!

Iniwan ko sya don kahit na ilang beses nya ako tinawag, wala akong paki kasi naiinis ako sakanya! napaka mapili nya hmp! kala nya papansinin ko sya sa bahay? ha! no way high way!

Pagka pasok ko sa loob ng kotse ay naka simangot ako kaya napatingin sa taas na salamin si kuya Baste at kuya Edgar pero hindi ko na pinansin at timingin nalang ako sa bintana. Ilang minuto pa ang lumipas tska lang dumating si Justin kaya lalo akong na bwiset.

"Kuya let's go" sabi nito atska umandar yung kotse kaya ang ginawa ko nalang ay pumikit at hindi sila pinansin.

Nakarating kami sa bahay, kaya pagka park na pagka park palang ay nagmamadali akong bumaba at naglakad papasok sa bahay tska dumaretsyo sa kwarto at agad na nag bihis ng spaghetti strap tska maong short, paglabas ko ng walk in ay nakita ko si Justin na naka higa sa higaan at walang pang itaas na damit kaya inirapan ko ito nagpunta sa vanity mirror ko para mag skin care routine na.

"What's the problem?" Tanong ni Justin dahil malapit lang naman yung vanity ko sa higaan namin ay tinignan ko sya at inirapan "Tell me, anong problema?"

"Wala" maiksing tugon ko

"Yung totoo?"

"Wala nga"

"Dahil ba hindi kita pinapansin pag nasa room?" tanong nya at hindi ako naka sagot "So ayun nga yung rason. Alam mo kung bakit ko ginagawa yun diba?" sabi nito at bumalik sa alala ko yung kontrata! shet bat nawala yun sa isip ko? Isa nga pala sa rules ay bawala ang magpansinan sa classroom. mygod!

"Oo" nagkukunwaring galit parin ako pero ang totoo gusto ko ng batukan sarili ko! gosh! bat ko ba kasi naka limutan yun!

"So don't be mad, ang pangit mo" agad akong napatingin sakanya nung sinabi nya yun kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Anong sabi mo?" naka taas yung isang kilay ko habang sinasabi ko yun

"Sabi ko wag ka ng magalit kasi ang pangit mo" pag uulit nito kaya lalo akong nabwiset, kaya imbis na patulan ay hindi ko nalang ito pinansin pa at pinag patuloy ko nalang yung pag aayos ko.

Natapos akong mag ayos at sya ay nanonood lang ng palabas kasi may TV kami dito sa kwarto para hindi naman bored kahit minsan. Sinimulan ko ng gawin yung mga pinagawa ng ibang teacher, jusmiyo kasisimula palang ng klase ay may pinagawa kay titibay ng mukha ayy joke lang. Hindi ko pinapansin si Justin kasi badtrip parin ako sakanya, basta badtrip ako. Nagawa nya naman na yung pinapagawa ng mga teacher kanina eh habang nag aayos ako kaya chill nalang sya dyan at wala ng pake sa naka paligid sakanya.

May kumatok kaya naman napatigil ako sa ginagawa ko "Yes?" Sagot ko

"Ma'am Clarisse may naghahanap po sainyo sa labas" Sabi ng isa sa katulong namin kaya napatingin ako sa wall clock namin at bandang alas singko na ng hapon kaya nagtaka ako.

"Sige po manang, paki sabi saglit lang" sagot ko

"Sige po ma'am papasukin ko po ba?"

"Oo sige manang" pagkasabi ko non ay umalis narin ito kaya naman inayos ko na yung gamit ko kasi tapos narin ang mga ito tska ako lumabas ng kwarto pero bago ko pa mapihit yung doorknob ay biglang nag salita si Justin.

My Secret Husband | (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon