CHAPTER 12

3.3K 67 0
                                    


Warning: R-18

"Good Morning baby" bati sakin ni Justin kinaumagahan ng magising ako, halatang maaga syang nagising, wala naman sanang pasok pero heto sya at ang aga ng gising nya. Nakakapanibago lang.

"Good Morning too" naka ngiting sabi ko tska ko pinulupot ang braso ko sa leeg nya dahil bahagya itong naka nakabangon tska ko binaon ang mukha ko sa dibdib nya at sya naman itong tuluyan ng humiga kaya ang siste ay naka higa na ako sa dibdib nya.

"What do you want for breakfast, I'm gonna cook for you" sabi nito habang sinusuklay ang buhok ko.

"Anything" yun nalang ang nasabi ko dahil dinadala nanaman ako ng antok sa ibang lugar dahil narin sa pag haplos ni Justin sa buhok ko.

"Okay, I'm gonna cook you something" sabi nito pero hindi ko pinansin at naka higa parin ako sa dibdib nya.

"Baby, let me go so I can cook for you" sabi nito kaya nag angat ako ng tingin sakanya tska ngumiti ng pilya tska ko sya pinatungan at sya naman itong napahalakhak "You become naughty huh?" naka ngiting sabi nito ito kaya ngumiti ako tska ko sya hinalikan at agad naman nyang ginantihan.

"You smell so good" sabi ko habang hinahalikan ito sa leeg.

"Ahuh?" pagkasabi nya non ay napatingala narin sya para bigyan pa ng espasyo ang pag halik ko sa leeg nya pero dahil nang gigigil ako ay kinagat ko ang leeg nya na nagpadaing sakanya "The fuck baby! why did you do that?" kunot noong sabi nito na ikinatawa ko tska umalis sa ibabaw nya at nagtatatakbo papuntang banyo tska ito nilock.

Iba pa naman si Justin kapag ganon ang ginagawa nya, talagang pinapasok sya sa banyo at kung ano ano nang nangyayare sakanila na ikinatatagal nilang dalawa sa loob.

Lumipas ang mga araw at naging normal ang ang takbo nito, ni minsa ay hindi kami nag away ni Justin yung tipong aabot hanggang kinabukasan, wala kaming away na ganon, tampuhan pwede pa lalo na't noong nagkaroon ako ng dalaw, sobrang init ng ulo ko kay Justin at lalo pa akong nang gigil ng sobrang kalma nya lang at ako itong nag pupuyos sa galit.

"Umalis ka nga dito sa kwarto naiinis ako sayo" sabi ko dito habang naka tayo sa gilid ng kama at sya itong naka higa.

"Bakit naman ako aalis? eh kwarto ko rin to" kalmang sabi nya na lalong nag pa init ng ulo ko. Hindi ko alam kung bakit badtrip na badtrip ako dito kay Justin.

"Doon ka sa guest room! doon ka matulog mamayang gabi!" bulway ko dito.

"Baby, mainit lang ulo mo kasi may dalaw ka, calm yourself, okay?" kalmado paring sabi nito kaya sa inis ko pinag kukukuha ko yung mga unan at tinapon lahat sakanya at sya naman itong sinasangga lang kaya sa inis ko lumabas ako ng kwarto at dumaretsyo ng kusina.

Sa sobrang badtrip ko ay dinaan ko nalang sa pag ba-bake ng cookies, cupcake at kung ano ano pa. I love baking, dito ko binubuhos ang buong oras ko kapag wala akong ginagawa o kaya ay badtrip ako kung ang stress reliever ng iba ay ang pag kain ako naman itong pag ba-bake. I learn it from one of our maid sa bahay si Ate Claring, she also love baking kaya tinuruan nya rin ako.

Habang hinihintay ko ma bake yung cookie ay pumasok naman ang mokong sa kusina kaya napa busangot ako at inirapan ito. Kumuha sya ng tubig sa ref at sumandal sa counter top habang umiinom at ako naman itong napa tingin sa Adam's apple nya, bakit parang ang sarap halikan nun? Agad kong pinilig ang ulo ko at tinignan ang oven dahil tumunog na ito.

"You bake?" Justin ask kaya napa tango ako at hindi ito kinausap dahil for sure pag nagsalita ako baka sumabog ako dahil nabi-bwiset parin ako sakanya.

Pagkatapos ng ilang minuto na pag hihintay para lumamig ang cookies ay kumuha narin ako at kumagat at nakita kong naka tingin si Justin kaya kumuha ako at binigyan ito na agad naman kinaliwanag ng mukha nya at kinagatan yun.

My Secret Husband | (COMPLETE)Where stories live. Discover now