CHAPTER 14

2.9K 58 3
                                    


Nagising ako at sobrang sakit ng ulo ko, pilit kong binabangon ang sarili ko pero hindi talaga kaya kaya naman hinayaan ko nalang at tsaka ko lang napansin na nandito ako sa kwarto namin ni Justin at wala na sa condo ni Av at iba narin ang soot kong damit kaya naman napa balikwas ako sa kama ng wala sa oras at pag tingin ko sa gilid ng kama ay nakita kong alas nuwebe pasado na at may gamot doon at tubig na agad ko naman ininom tska kahit masakit ang ulo ko ay pinilit kong pumunta ng banyo para maka ligo.

Pagkatapos kong maligo at gawin ang ritwal ko sa umaga ay bumaba narin ako at dumaretsyo ng kusina para makapag almusal. Sapo sapo ko ang ulo ko ng maka rating ako sa kusina at doon nakita ko si Justin na busy sa pag luluto at dahil busy sya ay hindi nya napansin ang pag dating ko kaya pag lingon nya sakin ay nagulat pa sya ng bahagya pero pinag kabit balikat ko nalang at pumwesto sa harapan nya.

"Ikaw nag uwi sakin dito?" tanong ko dahil wala akong maalala na umuwi ako.

Bumuntong hininga na muna sya bago mag salita "Yup, you're so drunk last night, ni hindi mo nga matandaan ang pinag gagagawa mo" sabi nito at nag patuloy sa pag luluto.

"A-Ano bang nangyare?" tanong ko dito at hindi ako maka tingin dahil ewan ko, nahihiya? maybe.

"Nothing" sabi nito at nagpatuloy sa ginagawa kaya napa kunot ako ng noo at hinayaan ko nalang dahil masakit parin ang ulo ko.

Natapos syang mag luto at nilapag na ang niluto nya sa harap ko "Kumain ka na, anong oras na" sabi nito at tumabi narin sakin at kumain kaya kumain narin ako.

"Sarap ah" sabi ko dito ng matikman ko ang niluto nya kaya napa tingin naman sya sakin at bahagyang ngumiti at napa tingin sa labi ko at pinunasan ang gilid non gamit ang daliri nya atska kinain yun.

"Really?" sabi nito at naka ngiti na kaya tumango ako ng tumango at pinag patuloy ang pagkain at narinig ko naman syang tumawa ng bahagya.

"Can we talk later?" sabi nito pagka tapos namin kumain kaya napa tingin ako sakanya.

Actually ayoko pa syang pakinggan pero kasi nakakasawa narin syang tabuyin ilang araw nalang December na at ayoko naman na dumating ang pasko ng magka away kami kaya naman napa tango nalang ako sa sinabi nya at agad namang nagliwanag ang mukha nya dahil sa sinabi ko.

Pagka akyat namin sa kwarto ay agad kaming dumaretsyo sa balcony ng kwarto namin at naunang maupo sakanya sa may upuan. I waited patiently for his explanation until he open his mouth.

"I'm really sorry, I know to myself na naging harsh rin ako sayo and I didn't mean to do that to you, alam mong mahal na mahal kita" bumuntong hininga na muna sya at muling nag salita "Trisha and I are just friends, nothing more nothing less, and I don't know why she did that, yung importanteng pinag uusapan namin ay about kay Bien, pinsan din kasi ni Trisha yun kaya naman sya ang kinausap ko about kay Bien" nakikinig lang ako habang nag sasalita sya.

"I know you keep avoiding me, and I know what I've done is wrong, I would never cheat on you baby..." sabi nito at hinawakan ang kamay ko "I love you so damn much para gawin yun, I hope you will forgive me for what I did, I promise hindi na mauulit, pangako" At itinaas nya pa ang kanang kamay na akala mo nanunumpa kaya natawa naman ako.

"Para kang sira" natatawang sabi ko, Oo na punyeta ako na ang marupok!

"So... we're okay na?" tanong nito habang naka hawak parin sa mga kamay ko at napa tango naman ako.

"May tiwala naman ako sayo eh, sadyang nasaktan lang talaga ako kaya kita nilalayuan, I didn't mean to do that also kaya lang kasi talagang hindi ko kayang makita ka" at nag simula ng mangilid ang mga luha ko na agad ko naman pinigilan "But yeah, marupok ako kaya hindi narin kita matiis, alam kong nahirapan karin sa inasta ko sa loob ng isang linggo, ginawa ko lang kasi talaga yun para mawala yung sakit na naramdaman ko. Alam mo naman na ikaw lang ang naka relasyon ko kaya wala akong experience sa ganyan kaya hindi ko rin alam ang gagawin ko kaya nilalayuan nalang kita. I'm sorry din" at tumulo na ang luhang pinipigilan ko na agad namang pinunasan ni Justin at niyakap ako.

My Secret Husband | (COMPLETE)Where stories live. Discover now