CHAPTER 24

2.6K 55 1
                                    

"Dyan ka naka tira?" Pagtatanong ni Ethan ng maihatid nya ako sa Bahay, ikinatango ko naman agad at ngumiti ng bahagya.

"Oo eh, ikaw ba?" Pagtatanong ko naman habang nasa gate na.

"Ah yan lang sa tapat," At tinuro nya pa ang Bahay na malapit lang din sa bahy namin. Inaninag ko naman ito at napatango tango pa.

"Sige pasok na ako, Salamat sa paghatid," At ngumiti ako dito at hindi na hinintay ang sagot pumasok na ako sa Bahay.

Hindi ko sukat akalain na magkikita kami pagkatapos ng graduation. Sana ay hindi makarating kahit kanino na nandito ako sa laguna. Hindi ko alam anggagawin ko kung sakaling may maka alam lalong Lalo na kay Justin. Ayokong pati anak ko eh madamay sa gulo. Sapat na siguro yung pinalaya ko sya kahit alam kong sa sarili ko na hindi ko kaya.

"Oh nariyan ka na pala bata ka," Biglang sabi ni manag Iska nang maka pasok ako sa loob.

"Opo, kayo ho ba ay kumain na?"

"Aba eh oo naman, ikaw lang ang inaalala ko," agad naman akong ngumiti sakanya at nag tungo na ng kusina para uminom ng tubig.

Habang umiinom ay biglang pumasok si kuya Baste at inabot sakin ang cellphone na agad ko naman inabot at nakita kong si mommy ang tumatawag kaya agad ko itong nilagay sa tenga ko.

"Mom," Sabi ko pagka sagot.

"Anak, itatanong ko lang sana kung may ipapabili ka ba? pupunta kami bukas dyang ng mama Joyce mo at sasamahan ka namin sa pag papa check up mo," sabi nito at akmang sasabihin ko sanang wala ng bigla kong maalala sila aling Tesi.

"Ah, mom, grocery po sana. Tapos dalawang sako ng bigas," sabi ko pa.

"Huh? wala ka na bang stock dyan? kakabili lang diba last week?" sabi nito.

"Ah hindi naman para dito sa bahay mom. May pag bibigyan ako dito, babayaran nalang kita pag dating nyo."

"Eh kanino mo ba ibibigay at kailangan marami pa?" batid ko ng naka taas na ang kilay nito.

"Sila Aling Tesi sana mom, they don't have food supply na eh, I just want to help them," sabi ko pa habang kinukutkot ang placemat na nasa harapan ko.

"Ah... I know them, sige mamimili kami ng mama Joyce mo mamaya," sabi nito.

"Thank you mom,"

"Eh ikaw? wala ka bang ipapabilis?" tanong nito at saglit pa akong nag isip pero wala talaga akong gusto.

"Wala naman po," sabi ko pa.

"How about the baby? Is there any cravings or what?"

"Ah! can you buy me avocado? Muntik ko ng maka limutan, wala kasing mabili si kuya baste dito eh,"

"Oh sya sige, kami ay mamimili na muna, kanina pa ako kinukulit ni Joyce," bahagya naman akong natawa.

"Sige mom, ingat po kayo,"

"Ikaw din, wag masyado mag gagalaw," pangangaral nito.

"Of course." and then after a seconds we said good byes with each other.

Inabot ko narin kay kuya baste ang cellphone at nag tungo sa kwarto ko para ituloy basahin ang story na binabasa ko. Pagka rating ko ay agad din naman akong pumwesto sa balkonahe.

While I reading my book yung isio ko bumabalik kung pano nalaman nila mama Joyce ang kalagayan ko.

"Omygod... I'm so sorry dear," tila maluluha ng sabi ni mama Joyce pagka kita nya sakit dito sa bungad ng bahay. Agad naman akong ngumiti at niyakap ito.

My Secret Husband | (COMPLETE)Where stories live. Discover now