CHAPTER 37

2.4K 52 0
                                    


"Welcome back! Omygod-" Agad naputol ang pag sugod ng mga kaibigan ko ng makita nila si Justin na buhat buhat si Maeve.

"Kayo sumundo?" Tanong ko dito dahil hindi nila matantanan si Justin na tinanguan lang naman sila.

"Hoy!" pag gigising ko sa katawang lupa ng apat na istatwa.

"Ay! Oo ayun, welcome back!" Sabi ni Kels na ikina kunot ng noo ko. Kahit kailan tong abnormal na to.

"Mga bruha." Sabi ko dito at nauna ng pumunta sa van na sumundo samin.

"Girl... bakit kasama nyo si Jus?" Tanong ni Keish.

"Sa bahay ko na ikekwento, magtigil muna kayo." Agad naman nag tanguan ang mga ito at saktong dating ng apat kaya agad kong tinulungang maka akyat si Aster na agad naman pumwesto sa bintana kung saan ginulo sya ng mga tita nya.

"Hindi nyo kasama mga asawa nyo?" Tanong ni Justin habang nasa byahe. Agad naman nagsi lingunan ang mga ito.

"Hindi eh, pinag babantay namin sa mga bata. Hindi kasi namin alam na may kasabay umuwi tong si Cla... edi sana hindi na pala namin sinundo no?" Ginulungan ko ng mata tong si Av ng sabihin yon. Tumango lang si Justin.

"True, true." Sagot ni Kels.

"Aba... ang gaga sumang ayon." Nagtawanan kami.

"Nasaan ang mga anak nyo ngayon?" Tanong ko sa mga ito.

Gumalaw si Maeve habang yakap ni Justin kaya inayos ko ang buhok nitong tumabon na sa mukha nya.

"Ahm... Nasa laguna, duhh." Tumingin ako sa mga ito habang naka kunot ang noo.

"Bakit nandoon? Nasa bahay?" Tumango si Ken.

"Pinag sama sama na muna namin ang mga bata lalo na at nag birthday yang dalawa. Icelebrate naman natin." Tumango tango ang mga ito kaya napa tango narin ako.

"Alam nila tita na kasama ka Jus?" Tumingin si Justin kay Av.

"Maybe." Maiksing tugon nito at nag tanguan nanaman ang mga hatdog.

"Gumwapo si Jus no?" Dinig kong bulong ni kels.

"Ehem... Coby..."

"Huy gago joke lang." Depensa agad nito. Malalagot sya sa asawa nya eh.

"Tita ken! kamusta na po si Krislen?" My baby ask her tita.

"Oh dear, she's fine. She's always with her dad. You know." And she even wink at my daughter.

Nagkwentuhan lang ang dalawa habang nasa byahe, minsan nakikisali yung tatlo pero mostly yung dalawa talaga ang nag uusap lagi.

"You okay?" Naramdaman ko ang pag hawak ni Justin sa kamay ko kaya agad akong napa tingin dito.

"Ahm... yeah, you?" Tinignan ko si Aster na natutulog sa tabi ko habang yakap yakap ko at hinimas ang buhok nito.

"Yeah." He smiled. Ilang oras pa ang tinagal ng byahe patungong  laguna dahil nandoon lahat ng tao.

After an hour naka pasok narin kami sa laguna, another thirty minutes more bago namin marating ang bahay namin. Puro kwentuhan lang ang naganap sa loob ng kotse, hindi rin naman nag tagal dahil ang pinaka madaldal ay naka tulog na sa braso ni Justin. Pansin ko pa ang pag tingin tingin ng apat samin pero hinayaan ko nalang, syempre limang taon ba naman na iniwasan namin di Justin, and take note ako pa nag sabi na iwasan ito.

"Baby, wake up. Were here." Pag gising ko kay Maeve dahil si Aster ay nagising na kani kanina lang.

Hinimas ni Justin ang pisngi nito kaya dahan dahan nitong idinilat ang kanyang mata atska nag unat.

My Secret Husband | (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon