CHAPTER 25

2.7K 56 0
                                    


Months After...

"Clarisse... kelan ba ang araw ng panganganak mo?" Tanong ni Manang Iska habang nandito kami sa balkonahe.

"Nitong buwan na ho," Naka ngiting sabi ko habang hinihimas ang malaki kong tyan.

"May ipapangalan ka na ba sa kambal mo?" Tanong muli ni manang Iska at tinanguan ko naman ito kaagad.

Simula noong nalaman kong kambal ang anak ko ay talagang pinag isipan ko ang magiging pangalan nila. Noong una ay hindi ako maka paniwala na kambal ang dinadala ko kaya naman noong nalaman ko ay talagang naiyak ako at hindi alam ang gagawin. Napaka saya ko at biniyayaan ako ng dalawang anghel ng panginoon.

"Ibahagi mo naman saakin oy..." Tila nanunuksong tinig ni Manang Iska pero nginitian ko lamang ito.

"Surprise nalang manang..." Sabi ko pa at nginitian ito.

"Oh sya ikaw bahala... ako ay bababa na muna, tawagin mo ako kapag may kailangan ka ha?" Sabi nito at tinanguan ko lang at umalis narin.

Ako naman itong naiwan dito sa balkonahe. Pasado alas nuebe na ng umaga at katamtaman lang ang init na dumadampi sa balat ko. Maya maya lang ay dadating na ang apat para samahan ako dito hanggang sa manganak ako. Yon ang pangako nila saakin noong nag pa gender reveal sila mommy.

"Oh ready ka na ba?" Tanong sakin ni mommy ng maka baba ako. Ngayon kasi gaganapin ang gender reveal ng anak ko. Wala akong ka alam alam, nakapag ayos na sila dito sa sala. May mga lobo na kulay asul at tila kulay rosas na lobo. Sobrang ganda ng pagkaka ayos nila, may mga pagkain naring niluluto pa.

"Marami bang dadating?" Tanong ko kay mommy habang patungo kami sa dining area.

"Hindi naman, yung mga kakilala mo lang naman dito. Tapos mga kaibigan mo, pupunta dito mamaya then kami!" Masiglang sabi nito kaya natawa nalang ako.

Nagsimula akong kumain habang nakikipag kwentuhan kay mommy. Ang dami nyang kinukwento at nag papasalamat ako at hindi nya binabanggit ang pangalan ng isang tao na ayoko ng marinig pa.

Pasado alas dos ng matapos akong mag ayos para sa gaganapin na gender reveal na pakulo ng magulang ko. Dumating narin ang apat at nasa sala silang lahat. Inaantay nalang nila akong bumaba para masimulan na ang selebrasyon.

Nang matapos ay tinignan ko pa ng isang beses sa salamin ang sarili ko at naka ngiting hinimas ang lumolobong tyan ko. This is it baby, malalaman ko na gender mo. Bumaba rin ako pagkatapos at habang pababa ako ay lahat sila naka ngiti habang tinitignan ako pababa. Si daddy naman ay nasa bukana ng hagdan at tila hinihintay ako.

"Thanks dad," Sabi ko sakanya habang akay akay ako.

"For you baby," sabi nito at hinalikan pa ako sa ulo.

"Omygod! This is it! malalaman na natin gender ng baby mo!" Nag tititiling sabi ni Keish ng maka rating ako sa puwesto nila.

"Ang ingay mo talaga! kanina ka pa!" Sabi ni Av at hinampas pa ito sa braso pero sinimangutan lang ito ni Keish na ikinatawa ko.

"Congrats to you, we're happy for you." Naka ngiting sabi ni Ken at niyakap pa ako at niyakap narin ako ng iba pa kaya naman agad nangilid ang mga luha ko.

"Oh wag nyo naman paiyakin ang buntis!" Si Kels at tinawanan pa ako.

"Tears of joy, Kels." At inirapan ko pa ito.

"Ay! aba umiirap ka na ngayon? nako bago yan ah! Iba talaga pag buntis," at umiiling pang sabi kaya tinawanan ko ito yung tatlo naman ay sinamaan sya ng tingin na lalo kong ikina tawa.

"Oh girls tama na yan, mag sisimula na tayo, halika na." Tawag ni mommy samin na ikina tango naman namin at sumunod na sakanya.

"We're so happy for you." Sabi ni Av habang naka kawit sa braso ko ang kamay nya.

My Secret Husband | (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon