CHAPTER 1

6.7K 116 7
                                    

Ilang linggo narin ang nakakalipas mula nung nanggaling kami ni Justin sa Maldives, at masasabi kong napaka saya non dahil ginawa ko syang photographer sa lahat ng pinuntahan namin sa Maldives.

Magsisimula na ang panibagong school year namin bilang Bussiness Ads Students, gusto ko ng makapag tapos dahil maski ako napapagod na sa mga pinag gagagawa nila, Syempre bilang Istudyante nakakapagod din yung sabay sabay yung kailangan ipasa, itake down notes, projects, practices and so on.

Nandito ako ngayon sa terrace ng bahay namin ni Justin, yes live in kami dahil nga mag asawa na kami and yes din iisa lang ang higaan namin.

Hindi naman awkward para samin since magkasama kami ni Justin sa iisang bubong doon sa Maldives. Pero! walang nangyare samin, we kissed but hanggang don lang yon, hindi nangyayare ang mga ganap na ganon dahil feeling ko hindi pa sya ready? ay basta ako game ako hahaha.

So what I've said kanina na malapit na ulet mag back to school and thank god this is my last year for being a college student, and sana maging maayos sya, yung tipong katulad lang last year na medyo chill pero marami paring ginagawa, alam mo yon? yung feeling mo ang chill ng nangyayare tapos yung iba stress na ang sarap lang tulugan lahat hahaha.

Habang nagbabasa ako ng libro ni Nicolas Sparks naramdaman kong may lumapit sakin kaya napatingin ako at tama ang hinala ko na si Justin nga yon dahil pabango palang alam ko na.

"Anong ginagawa mo dito? Bat di ka sa loob magbasa? ang dilim na sa labas" Walang emosyong sabi nito.

"Wala lang trip ko lang" sabi ko tska ngumiti dito at itinuloy ang pagbabasa.

"Let's go inside clarisse, baka magkasakit ka, malamig pa naman dyan. Let's go" sabi nito kaya napanguso ako at walang nagawa kundi ang sundin sya at pumasok sa loob.

"Hindi ka pa ba matutulog? It's already ten pm" tanong ko dito

"Matutulog ka na ba?" balik na tanong nya kaya umiling ako. "Edi hindi parin"

"Eh...Hindi mo hilig mag puyat, sige na matulog ka na"

"Hindi na, antayin na kita"

"Ang kulit mo naman eh..." pagmamaktol ko

"Edi let's sleep" hinila na nya ako papuntang kama kaya naman nag paubaya nalang ako at sumampa narin sa higaan para maka tulog, medyo tinatamaan narim kasi ako ng antok kaya naman tumabi narin ako sakanya sa pag higa.

"Good night" sabi nito

"Good night din" sagot ko at nagpadaloy sa antok.

Nagising ako ng maramdaman kong may naka yakap sakin kaya ng imulat ko ang mga nakita ko ang mahimbing na natutulog na si Justin at ang payapa pa ng tulog nito kaya naman hinaplos ko ng magaan ang pagitan ng kilay nito pababa sa matangos nitong ilong.

Sa gwapo ni Justin hindi na ako magtataka  kung marami ang nagkakagusto dito na kahit maski bakla eh magkakagusto dito, pero sorry sila dahil hindi na single si Justin dahil kinasal na sya sakin, pero sa loob ng limang bwan ay mawawala narin yon dahil matatapos na ang kontrata naming dalawa.

Nalungkot ako ng maalala ko nanaman yung kontrata naming dalawa, hindi ko alam pero nalungkot talaga ako siguro nakakapang hinayang lang or what, basta ganon.

"Liking what you've seen?" He ask kaya naman napatingin ako sakanya na medyo malungkot ang mukha pero pinilit ko naman iwala sadyang kinakain lang talaga ako ng lungkot. "Why you look sad?" Tanong nito ng mapansin ang mukha ko.

"Wala naman" sabi ko tska nag baba ng mukha pero agad nya rin itong inangat dahilan para magka tinginan kami.

"What it is? Tell me"

My Secret Husband | (COMPLETE)Where stories live. Discover now