CHAPTER 46

2K 36 2
                                    


SPECIAL CHAPTER 46

Justin Marquez POV

Hindi ko alam kung bakit sa murang edad ay pinipilit ipaalam sakin ng aking ina na ako ay naka takda ng ipakasal sa babaeng kakilala nila. Bata pa ako at marami pa akong gustong gawin ngunit heto sila at nagpaplano na para sa kasal ko pag dating ng tamang panahon. Ipinipilit nang ipinipilit saakin ng aking ina ang isang bata na anak daw ng kanyang matalik na kaibigan ngunit hindi ko pa man din ito nasisilayan.

"Mom, I don't know her, tska mom i am too young for that." Sabi ko dito habang papunta kami sa bahay ng kaibigan ng mom ko, birthday daw kasi ng anak, ito rin ang unang beses na masisilayan ko ito kaya naman wala akong ka ide-idea kung ano ba ang itsura nya.

"Anak, hindi naman ngayon ang kasal ano ka ba, birthday palang ni Clarisse, anak. Baka nga pag nakita mo siya ay ikaw na ang mag aya ng kasal," at bumingisngis pa ito sa tabi ko kaya napa iling nalang ako sa kakulitan ng ina ko.

"Clarisse pala pangalan nya..." Bulong ko pa at paniguradong hindi ako narinig ni mommy.

Ilang minuto pa at naka rating na kami sa bahay ng mga Montemayor, may kalakihan din naman hindi nga lang kasing tulad ng saamin. Balita ko pa ay nag iisang anak ito ng mga Montemayor kaya naman paniguradong magarbo ang birthdya celebration nito lalo na at pitong taon na raw ito. Ako man ay siyam na taong gulang kaya hindi rin nalalayo ang aming edad.

"Welcome po," bati ng kung sino samin at inanyayahan na kami papasok ng bahay. Pagkapasok ay agad na sumalubong samin ang naglalakasang mga tugtog, mga bata na nag lalaro at kung ano ano pa, agad akong napatingin sa ikalawang palapag dahil may napansin akong batang naka silip at tinatanaw ang mga panauhin, bakas sa mga mata nito ang kaba kaya naman hindi ko na pinansin pa at naupo nalang sa tabi ng aking ina.

Alas tres pa ang simula ng celebration at nakarating kami ng aking ina ng bandang 2:30 kaya may ilang minuto pa bago mag simula at pansin ko ay wala pa ang magbibirthday kaya naman iginala ko ang paningin ko.

"Bakit ba wala pa si Cla? Pinuntahan mo ba Kels?" Dinig ko pang usapan ng apat na bata sa tabing table namin.

"Oo, nahihiya nga raw kasi sya, ewan ko ba dyan kay Cla." Tila naiinip na ang mga ito.

"Akyatin kaya natin ulit?" Sabi nung batang seryoso na katabi nung Kels nung tinawag.

"Tara," akmang tatayo ang mga ito ng biglang nag tayuan din ang ibang bisita na naka upo kaya napatingin ako sa ikalawang palapag, at doon nakita ko sya.

Naka ball gown ito na parang kay Belle, na pati ang hairstyle na kopya ng kung sino, halos lahat ay hindi maiiwas ang paningin sakanya na maski ang paningin ko ay nakapako dito, napaka ganda nya. Hindi ko ugali tumingin sa mga itsura ng babae dahil mas gugustuhin ko pang mag basa ng libro kesa makipag titigan sakanila ngunit ang isang ito ay talagang hinihigop ang paningin ko at ayaw akong palingunin sa iba, para bang pag lapat ng paningin ko sakanya ay ikinandado na nya ako sakanya at hindi na ako pwede pang tumingin sa iba bukod sakanya.

Hindi ko alam kung anong hipnotismo ang ginawa nya sakin na hanggang sa pag baba nya ay naka tingin lang ako sakanya, na para bang isa syang anghel na bumaba galing sa langit. Agad nagpalakpakan ang mga tao pagka baba nito ngunit ako nanatiling naka tingin sakanya. Sa murang edad ay nararamdaman ko itong kakaibang pakiramdam na ngayon ko lang din naramdaman.

"Anak, that is Clarisse, your tita Chelsea and tito Jake's daughter." Pagpapakilala ni mom sakin ngunit talagang tutok ang mga mata ko sa babaeng to. "Is she pretty?" Doon ako bumalik sa katinuan at iniwas ang paningin.

"No." Sagot ko pero ilang saglit lang ng marinig ko ang tawa nito ay heto na naman ako tila nahipnotismo na naman. Sobrang ganda ng tawa nya na kaya ko itong tignan at pakinggan buong araw.

My Secret Husband | (COMPLETE)Where stories live. Discover now