CHAPTER 41

2.2K 35 2
                                    

Natapos ang kasal kaya naman lahat ay dumaretsyo na ng reception para ipag patuloy ang naudlot na kasiyahan.

"Omygod congrats!" Ang sigawan ng mga kaibigan ko ang unang narinig ko pagka apak ko palang ng reception hall.

"Ang lakas ng boses nyo, sabay sabay pa kayo." Natatawang sabi ko at humawak sa braso ni Ken. I already remove my veil, para naman mairampa ko ang hairstyle ko.

"You look so gorgeous." Av said.

"Thank you, kayo din kaya." Ginulungan ko pa ito ng mata, pa humble pa kasi gaga naman.

"Are you ready for later?" Malisyoso na ang tinginan ni Kels kaya inilingan ko nalang pero ang gaga hinawakan ako sa mga braso ko na ikina kunot ng noo ko.

"Ano?"

"Are you ready? Gago pustahan 5 years hindi nakapag labas ng buto nya yan, lagot ka girl... sayo lahat ididilig mamaya yan." At humalakhak pa ang gaga at sinabayan pa ng iba.

"Nakakahiya ka." I look at her in my disgusted face.

"Wow ha! Nag salita." At tumingin pa sa ceiling kaya napa iling nalang ako.

"Pernes, ganda ng ceiling... anyway ano ready ka?" Halatang inaabangan nito ang sagot ko.

"Oo naman." Pagka sabi ko non sabay sabay kaming nag tawanan, walanghiya.

"Yan! be ready always. Handa mo na ba sundan ang kambal?" Tinaas taas pa nito ang kilay nya.

"Pwede." At tumawa nanaman kami.

"Magdiligan tayo..." Ang gaga itinaas pa ang dalawang kaya na akala mo may sasaluhin galing sa taas kaya hinampas ito ni Ken.

"Malala ka na kels, tigilan mo nayan." Sbai nito.

"Ito naman, hindi mabiro. Pero... girl galingan mo haaaa!!" At natatawa itong tumakbo dahil hahambalusin na sya ni Ken ng soot nitong sandals kaya nailing nalang ako.

"Yugyugan na this girl, sana sound proof yung kwarto nyo." Sabi ni keish na ikinatawa ni Av.

"Ang hahalay nyo ano?" Ginulungan ko ito ng mata na ikina tawa lang nila.

"Hey dear." Tawag ni Mama kaya naman lumapit ako sa pwesto nila at iniwan ang apat na hinayupak.

"Yes ma?" Pagkalapit ko dito ay hinawakan nito ang braso ko at nginitian ako, partida hinead to foot pa ako.

"Ang ganda ganda mo." Papuri nito saakin.

"Kayo din ma, ano ba." Biro ko pa.

"No. You're the most beautiful among us, cause this is your day, iha." Sabi pa nito kaya napanguso ako.

"Thank you ma." And I hug her, I even saw my mom kaya agad din ako kumalas at inaya si mama sa table ni mommy.

"Hey mom." At hinalikan ko ito sa pisnge.

"My baby." At niyakap pa ako nito.

Nag kwentuhan muna kami saglit bago kami tawagin ng host. Message na daw for us kaya nilapitan na ako ni Justin at ibinigay ang kamay nya na agad ko naman tinanggap tska kami nag lakad papunta sa pwesto namin.

The reception has a mini stage and there's a couch on left side of thw stage where we gonna sit and to the right side naman ay mayroong parang patungan ng papel, yung pang graduation pag mag sasalita ang cum laude ganorn.

Nang maka upo na kami ni Justin he just place his hand on my leg. As the host started talking Justin always whisper to my ears and said I love you's everytime.

"Okay, let's start with the friends. Mr.... Buenaventura." Unang tinawag si Andrei kaya agad itong umakyat na may malaking ngisi sa labi, mukhang may balak.

My Secret Husband | (COMPLETE)Where stories live. Discover now