CHAPTER 6

4K 96 0
                                    


Nagising ako sa tunog ng alarm na nasa bed side table ko kaya naman agad ko itong kinapa at pinatay dahil baka magising nanaman ang hari at malagot tayo. Dahan dahan kong inalis yung braso ni Justin na naka pulupot sa bewang ko at ng matanggal ko ito ay maingat akong umalis ng higaan tska nag tungo sa banyo para maghilamos bago kumain.

Pagkalabas ko ng banyo ay pagising palang si Justin kaya naman nilapitan ko ito at hinalikan ng mabilis sa labi.

"Good morning, bumangon ka na dyan" sabi ko dito at sya naman ay naka ngiti pa kaya iniwan ko nalang sya doon at lumabas na ng kwarto. Pagkarating ko sa dining area ay saktong kakatapos lang ni manang mag luto. "Good morning manang" bati ko dito.

"Good morning din ma'am clarisse, kain na ho kayo" sabi nito.

"Thank you po" magalamg na sabi ko tska naman sya umalis dahil may gagawin pa daw sya, inaya ko syang mag breakfast pero nauna nadaw syang kumain kaya hinayaan ko nalang. Habang kumakain ako ay may biglang humalik sa pisnge ko kaya nagulat ako at napatingin kung sino pero si Justin lang pala.

"Good morning too" bati nito kaya napailing nalang ako at pinag patuloy ang pagkain na kahit sya ay kumain narin.

Natapos kaming kumain ng hindu nag uusap dahil ugali na naming dalawa yun na pag nasa hapag kainan ay hindi nag uusap, minsan siguro pag trip namin pero pag hindi, hindi talaga. Nauna akong naligo kay Justin at nilock ko talaga yung pinto dahil baka pag pumasok sya ay baka di na kami maka pasok sa klase namin, mahirap na.

"You done?" tanong ni Justin ng makalabas ako ng banyo.

"Yup it's your turn" sabi ko naman at nagpunta ng walk in at sya naman ay pumasok na sa banyo para maligo.

Natapos akong mag bihis kaya naman humarap na ako sa vanity ko para makapag ayos, binlower ko muna yung buhok ko bago ko inunat gamit yung hair straightener. Naka bihis na si Justin ng matapos ako kaya naman sabay na kaming lumabas ng kwarto at as usual dala nya yung bag ko na di naman gaanong kabigat.

Nag kwentuhan lang kami habang nasa byahe papasok para hindi mainip at ilang minuto lang ay nasa bukana na kami ng iskwelahan kaya naman sabay na kaming bumaba ni Justin at kapwa nag paalam sa kasama naming diver at body guard, may iilang istudyante ang napapatingin samin dahil nang galing kami sa iisang kotse at dala dala parin ni Justin yung bag ko.

"Are they in a relationship?" dinig kong tanong ng isang babae.

"I don't know, maybe? kasi dala ni Justin yung bag ni clarisse" sabi din nung isa sa kasama nya.

"Baka sila, tska bagay naman silang dalawa" sabi din nung isa kaya namula ako dahil sa sinabi nya.

"Yeah, ang swerte ni clarisse" I know naman na swerte ako eh like duhh isang Justin Marquez nabingwit ko? gosh! I love my life! naputol ang pag deday dream ko ng bigla akong bumangga sa likod ni Justin

"Bat ka huminto?" tanong ko dito kaya tumingin sya sakin at nilapit pa mismo ang mukha nya sa mukha ko

"Too much daydream, can ruin your life" sabi nito habang naka tingin sa labi ko? ah ewan!

"Whatever, tska hindi naman ako nag dadaydream ah!" pagsisinungaling ko dito pero ngumisi lang sya at muling naglakad kaya naman napabuntong hininga nalang ako at sumunod sakanya.

Nakarating kaming dalawa ng classroom at wala pang gaanong tao sa loob kaya naman pasimple kong kinuha yung bag ko sa kamay nya at ng makuha ko ay nagmamadali akong umupo sa upuan ko at nakita ko pa si Ethan na naka upo at naka tingin sa labas kaya naalala ko nanaman yung nangyare, I want to say sorry about Justin behavior gosh!

"Psst, Ethan" tawag ko dito kaya napatingin ito sakin at naka taas ang dalawang kilay "I just want to say sorry about last night"

"Ah, wala yun expect ko naman na may something sainyo kaya ganon, okay lang" sabi nito tska ngumiti kaya nginitian ko din.

My Secret Husband | (COMPLETE)Where stories live. Discover now