16

3.3K 135 158
                                    


Dahan dahan kong dinilat ang mata ko ng tumama ang sinag ng araw galing sa bintana.





"Is that a dream?"






Dahan dahan akong bumangon medyo nanghihina pa ang dalawang hita ko.
Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto at ako na lang ang magisa dito. Agad ko namang dinampot ang panty at dress ko na nakakalat sa sahig.






"T-teka? Panaginip lang ba yun?" Naguguluhang tanong ko at kumuha na ng damit sa closet, at naghilamos.





"Nasan na si daryll?"hanap ko dito, nang lumabas na ako ng kwarto  nakita ko si daryll na nakahiga sa tapat ng pinto ko at tulog na tulog ito.

"Hoy! Bat diyan ka natutulog?" Tinapik ko ang pisngi niya, kaya agad siyang nagising.




"C-coco..nasusuka a-ako." Nanghihinang sabi nito.

Akmang susuka palang siya kaya agad kong tinakpan ang bibig nito gamit ang kamay niya. "Lunukin mo yan, sayang yan."





Mabilis niya namang nilunok at tinignan ako ng masama.
"D-demonyita  ka talaga!" Aniya.




"Ihh! Ang baho ng hininga! Amoy alak!" Reklamo ko dito. Agad ko itong tinulungan papasok sa loob at hiniga na sa kama niya.






Pagkatapos, bumaba na rin ako dahil naririnig ko na silang naghahanda na ng almusal.





Umupo ako sa bakanteng upuan sa tapat ni Gabb. Pasimple ko itong pinanliitan ng mata, Habang siya todo iwas ng tingin sa akin.



Pagtapos ng nangyari? Parang wala lang sayo?



"Yo, sino nakaroom sa room 05?" Biglang tanong ni gia.





"Si Coleen tsaka daryll." Sagot naman ni ate alice.




"May naririnig kaming sigawan e." Sabi ni Ella.




"Oonga narinig ko rin." Sabat naman ni lara.





Agad kaming nagkatinginan ni Gabb at nagiisip kung anong sasabihin.

"Uhh, nanonood siguro si Coleen ng horror movie?" Saad nito habang nagpepeke ng tawa.




Horror? Gusto mong maging horror?  kung sabihin ko kaya sa kanila yung ginawa natin kagabi?




"Opo, nanonood lang ako ng horror, alam niyo yung wrong turn? Yun nagkakainan yung mga tao, yun yung pinanood ko." Mabilis na sambit ko.






"Narinig ko sinisigaw mo pangalan ni Gabb eh? Ano pa ba yun? Faster? Gabb faster? " ngising sabi ni brei, puta.

.

Agad ko namang sinipa yung paa ng ungoy na to, na imbis na magisip ng idadahilan, kinikilig pa amp.

"A-ah ano! Gabb pangalan ng bida! Tas hinahabol na siya ng serial killer kaya sabi niya gabb faster! Takbo! oo yun kasi yon, diba coleen?" Mabilis na salita ni gabb.





"Oo, oo." Pagsang ayon ko naman.

Tangina, bat ba kasi ganyan mga tanungan nila? nanginginig na tuloy binti ko dito sa kaba.






Nagpatuloy na kami sa pagkain.
Hindi na ulit sila nagtanong, at mukhang gumana naman yung pagpapalusot namin ng mokong na to.



kinabahan ako dun, muntik na yun. Phew!




"Re-write."  (sequel)Where stories live. Discover now