45

1.2K 98 39
                                    


Naiwang tulala sa banyo si Primo. Tulala rin sa kaniyang upuan si Win.

"Tik.. tak.. tik.. tak.." tanging tunog lamang ng  orasan ang maririnig sa buong lugar.






Hangang sa tumutok na ang espada nito sa numerong alas dose ng gabi.
Sabay sabay nagising ang lahat na parang walang nangyari.











Mabilis na tumakbo palabas ng banyo si Primo para puntahan ang emergency room ganoon rin si Win para puntahan si Coleen.










Para bang naguunahan silang makapunta doon at nang makarating.
Tumambad sa kanila ang doctor at mga nurse na nakapalibot kay Coleen at Gabb na mahimbing na natutulog.









Agad na lumapit si Primo kay Gabb, at chineck ang katawan nito. Walang galos, walang sugat, Ganoon rin kay Coleen.

"Kayo po ba ang parents? Ni miss Coleen trinidad?"







"O-opo! Ako po si Win Trinidad, anak ko po siya." Maluha luhang sabi nito.










"Wala naman pong malubhang sugat o sakit ang anak niyo? Ganoon rin po kay Miss Skribikin, so bakit niyo sila dinala dito sa E.R?" Naguguluhang tanong ng doctor.









Walang maisagot ang dalawa kundi pagluha, luha ng kasiyahan.

"B-buhay ang anak ko.. buhay siya." Paulit ulit na bigkas ni Win.










"Buhay rin yung anak ko.. buhay sila." Naiiyak na sabi ni Primo.









Para silang mga baliw na umiiyak habang magkayakap.

Nakita naman sila ni Sela at Abby na kakapasok lang sa kwarto.


"T-tito primo?" - Sela.




"Tito Win?" - Abby.







Agad na naghiwalay ang dalawa mula sa pagkakayakap, at nagpunas ng luha.

"Tito? Ba't nandito tayo? Anong nangyari kay Coleen?" Tanong ni Abby.








"Tito Primo? Napano po si Gabb?" Tanong naman ni Sela.





Mahigpit na niyakap ni Win ang pamangkin. "Okay na siya, Abby. Maiuuwi na natin siya." Maiyak iyak na sabi nito.

Tumango na lang si Abby habang naguguluhan pa rin sa nangyari.









Mariin naman hinawakan ni Primo ang bolang pisngi ni Sela. "Ligtas siya, sela. Ligtas siya!" Naiiyak na sobrang saya na sigaw nito.








"Huy, Abby? Ba't ka umiyak?" Tanong ni Sela dahil nakita niyang namamaga ang mata nito.









"Ewan, para kasing may nawala saking napakahalagang bagay na muling nabalik ngayon." Sagot nito habang nakatingin kay Coleen, agad naman lumapit si Sela para yakapin ito dahil ganon rin ang naramdaman niya kay Gabb.









Agad nilapitan ni Primo si George, na kakagising lang dahil sa pagkahimatay.

"George! George!" Sigaw nito.









"Hmm? Anong ginagawa ko dito?" Wala sa sariling tanong nito.









Bigla naman itong nagpanic nang makita ang anak sa kama ng pasyente.

"Re-write."  (sequel)Where stories live. Discover now