32

1.4K 106 72
                                    


   "A week after."

JOSH P.O.V.

"Gusto kong bantayan mo ang anak ko, ngayong may sakit siya. Ito na rin ang chance mo to win her heart, As you can see, she's still  brainwashed by that woman. Magiging komplikado, pero sa tingin ko, magagawa mo naman." Bilin sa akin ni Mr. Trinidad.






Agad naman akong tumango, at sinalinan ang baso niya ng wine. Nang ilapag ko na ang bote sa mesa, napansin ko yung kwintas na nakalapag dito.

"Kanino ho ito?"  Tanong ko.







"Ah yan ba? Ipapatapon ko na yan sa mga tauhan ko, gusto mo ba?" Alok niya sa kwintas.






"Ah hindi na ho, aalis na po ako at pupuntahan ko na po yung anak niyo." Sambit ko.







Agad akong lumabas ng office niya at pumunta sa parking lot para kunin ang kotse ko. Agad akong nagtungo sa hospital.

Nilipat na sa private hospital si Coleen even though hindi naman ganoon kalala ang sakit niya.








Nang makarating ako sa hospital sumalubong agad sa akin ang mga bodyguards. Pinapasok na nila ako agad sa loob.

I saw ate Abby leaning on the wall, she seems so sleepy, kakabantay niya kay Coleen.





And I saw Coleen...

She's sitting on the wheelchair while emotionlessly staring at the garden.






Nakita ko sa mesa ang mga pagkain na inihinanda sa kanya, pero hindi man lang niya ito ginagalaw. Apat na araw na siyang ganyan, laging matamlay, walang ganang kumain at walang ibang bukambibig kundi ang pangalan ni Gabb.

"Kanina pa siya hindi kumakain, simula ng gumising siya." Papalapit na sambit ni ate Abby.







Agad kong kinuha ang tray na may pagkain para dalhin sa kanya.

"Coleen nandito na ang pagkain mo. You need to eat para mabilis bumalik ang lakas mo."





"Stop acting like that, it’s disgusting." Diing sambit nito.




I guessed she’s still mad after I kissed her last night at the event.







"I'm sorry for kissing you without your permission, I'm really sorry." Yukong sambit ko.

As usual wala siyang reaksiyon, at mukhang wala rin siyang balak galawin ang pagkain niya.








Bigla na lang nanlaki ang mga mata nito habang tarantang kinakapa ang leeg niya, agad siyang tumayo at pinagpag ang damit at loob ng bulsa ng pants niya.

"Re-write."  (sequel)Where stories live. Discover now