33

1.3K 108 98
                                    

JUSTIN POV.

"So Coleen is the girl he was talking about."

I took a glimpse on her while holding my umbrella. "She's really pretty."




Muntik nang madulas si Coleen pero agad itong nasalo ni Josh.

"Am I watching a kdrama?" Tanong ko dito habang pinapanood sila.











Napatingin ako sa likod ko nang mapansin kong may nakatayong babae, maikli ang buhok at may suot na salamin. Basang-basa ito ng ulan, nakatitig rin siya kila Josh.







Muli kong ibinalik ang tingin dun sa pwesto nila Josh, biglang hinawakan ni Coleen ang pisngi ni Josh.


Napatakip naman ako sa mata ko.

"My god? Are they gonna kiss?" Tanong ko ulit dito.








Bigla akong nakarinig ng tunog nang paghampas ng baseball bat sa likuran ko kaya agad ko itong nilingon.


Nanlaki ang mata ko nang makita ko na lang 'tong nakasalamin na babae na nakahandusay at duguan na sa sahig.










Nakita ko yung dalawang lalaki na mabilis at paika ikang tumakbo habang ang isa ay hawak ang baseball bat.


Agad 'kong hinabol yung dalawang lalaki, alam kong sila ang may gawa nito. Hinabol ko nang hinabol hanggang sa macorner ko na sila.





Pero tangina? Anong ginagawa ko sa buhay ko? Dalawa silang malaki ang katawan na may hawak pang armas, habang heto ako pogi lang may hika pa.







"Hoy! Bata? Bakit mo kami hinahabol?" Tanong ng isa.








"E-eh bakit kasi kayo tumatakbo? At saka bat niyo hinampas yung babae ng baseball bat sa ulo." Kinakabahang sambit ko.








"Wag kang mangialam dito, kung ayaw mong itulad ka namin doon. Kung alam mo lang na yung tatay nung babaeng yon. Muntik na kaming ipapatay."









"Eh di dapat yung tatay ang binawian niyo!"








"Ang daming sabi, patikumin mo na nga ang bibig niyan." Sabi ng lalaking may balot na benda sa mukha.







Agad akong humakbang paatras ng paikutin ng isang lalaki yung baseball bat sa kamay niya. Pero maya maya Bigla na lang itong napatigil sa paghakbang.


"H-hoy! Bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko?!" Tanong ng lalaki.

"Re-write."  (sequel)Where stories live. Discover now