40

1.3K 111 95
                                    

ABBY's POV.

Nagising ako nang makarinig ako ng sunod sunod na katok sa aking pinto.






Agad akong bumangon para buksan ito.
Sinalubong agad ako ni tito, Coleen's dad.

"Abelaine! Si Coleen! Nasaan si Coleeeen!?" Tarantang tanong nito.









"Nasa kwarto niya po." Sagot ko.











"W-wala... Wala siya doon!" Saad nito kaya agad akong tumakbo papunta sa kwarto ni Coleen.












Unang unang chineck ko ang bathroom, ang ilalim ng kama at dressing room niya... Pero wala akong nadatnan.







"S-si Gabb..." kinakabahang sambit ko.








"Abelaine? Anong kinalaman niya dito! Tell me!?"











"T-tito... Sumama si Coleen kay Gabb." Nanginginig ang boses ko sa kaba dahil bakas sa mukha niya ang labis na galit.











"P-paano nangyari yon!? Matagal ng wala yung babaeng yon!? Paano!?"









Biglang pumasok ang isa sa mga tauhan niya na may dalang balita.

"Sir, may mga pulis po sa labas, gusto daw kayong makausap."












Agad kaming nagtungo sa labas at mayroon ngang mga pulis. "Mr. Trinidad, pwede ba kayong makausap?"










"Tungkol saan!? Wala akong oras ngayon! Nawawala ang anak ko!"










"Mr. Trinidad. Gusto lang po naming magtanong dahil natagpuan ang motor na sinakyan ng anak ni Mr. Skribikin rito sa lugar ninyo."

"Baka sakaling may alam po kayo kung saan nagtungo ang anak nito dahil ilang araw na itong nawawala."












"S-skribikin? Tss! Ipatawag niyo si Mr. Skribikin! Sa presinto tayo mag-usap usap!" Mariing sabi nito.








"T-tito?" Pagtawag ko.











"Abelaine, stay here." Utos nito at agad siyang sumama sa mga pulis.














SELA's POV.

Umaga palang agad kaming nagtipon sa office ni tito Primo dahil nakatanggap siya ng tawag sa mga pulis, tungkol sa pagkawala ni Gabb.










Nadatnan daw ang motor na ginamit ni Gabb nung tumakas siya. Sa property ng mga Trinidad.

"That damn Trinidad! Siya lang ang may kayang gumawa non sa anak ko!" Galit na galit na sigaw ni tito Primo.










Agad namang lumapit si tita George.
"Please, calm yourself."





"George, sa paanong paraan ako kakalma? nagawa niya nang ipadakip ang anak natin three years ago at hindi imposibleng magawa niya ulit yon!"












Agad niyang sinuot ang suit niya.
"Pupunta tayong presinto." Diing sambit nito.













ABBY's POV.

"Re-write."  (sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon