51

1.1K 80 56
                                    

GABB'S POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


GABB'S POV.

Mag aalas dos pa lang ng tanghali at wala nanaman akong magawa dito sa bahay kundi mag overthink, k
aya naisipan ko na lang magdilig sa garden.






Maya maya bigla ko na lang narinig ang boses ng tao na kanina ko pa hinihintay.

"I'm here na!" Pagsigaw nito.





Hindi ko ito binalingan nang tingin at mas tumutok na lang sa pagdidilig ng halaman.

"Ang bilis ah? Hindi ka sinipot ng ka blindate mo no?" Mapangasar na sabi ko nang hindi siya tinitignan.









"No, sa enchanted kingdom niya kase ako dinala e alam mo naman, I hate heights diba? Tsaka never akong pupunta dun kahit patayin nila ako, So ayun, umuwi na lang ako.." paliwanag nito.








Agad ko namang tinago ang ngiti ko dito dahil aasarin nanaman ako ng kingkong na 'to.

"Dapat nga dadalhin niya ko sa condo niya e kaso.." dagdag niya na para bang nangiingit ang tono, automatikong nabawi ang ngiti ko dito.





Kunot noo akong tumingin kay Coleen. Chill Gabb, you need to chill.







"Oh? Bakit? Bakit hindi ka na lang sumama?" Tanong ko.









Bigla naman tumaas ang kilay nitong tumingin sakin.

"Oonga e no? Kung tawagan ko kaya siya para sunduin ako dito? Mukhang maganda dun sa condo niya ah." Sagot nito.











"Edi tawagan mo.." ngiting sagot ko. Actually wag kase.., iiyak ako.









Kukunin na sana ni Coleen ang phone niya upang tawagan si Akira.

Mabilis ko ring kinuha ang phone ko at akmang tatawagan ang tatay niya.

"Hello tito Win?" Kunwaring pagtawag ko.








"Hoy! Ano sa tingin mo ginagawa mo!?" Sigaw ni Coleen sabay takbo papalapit sa akin.







Sinubukan nitong agawin ang phone ko pero mabilis kong naitaas ang kamay ko.

"Isusumbong kita." Sabi ko.











"Ba't ka manunumbong!?" Tanong nito habang pilit na tinatalon yung phone ko.









"Sasabihin ko na balak mong pumunta sa condo ng lalakeng kakakilala mo pa lang." Sabi ko.





"Bakit? Pupunta lang naman ah sa condo niya?" Tanong nito.








"Re-write."  (sequel)Where stories live. Discover now