49

871 72 24
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




THIRD POV.

Nagising na lang si Coleen, dahil sa narinig niyang nagkakalampagang kawali sa kusina. Bahagya nitong inangat ang ulo upang silipin at nakita niya si Cole at laney na nagluluto ng umagahan at naghaharutan pa ang dalawang ito.

"Tss! Ang aga aga, ang lalandi." Bulong ni Coleen at napairap na lang.








Naisipan niya na lang bumalik sa pagtulog ngunit napansin niya ang mabangong amoy ng katabi.










Muli niyang dinilat ang kaniyang mga mata. Hindi namalayan ni Coleen na napakalapit na ng labi niya sa pisngi ni Gabb kaya't mabilis siyang umatras.










"Shocks! Muntik na." Bulong nito, at napahawak na lang sa dibdib.












Bumungad sa kaniya ang napakagandang mukha ni Gabb.

Para bang saglit na tumigil sa pagtibok ang puso nito kasabay nang pagkatulala niya sa mapula at malambot na labi ni Gabb.










"If I marry her this is gonna be my view every morning.." saad ni Coleen sa kaniyang isipan, at napalunok na lamang.


"Not bad huh." Bulong nito habang patuloy sa pagtitig sa mukha ni Gabb.











Nagulat na lang ito nang biglang dumilat si Gabb.

Saglit itong tumitig kay Coleen at unti unting kumunot ang noo.
"Hoy, kingkong. bumangon ka na. Ang bigat ng ulo mo, Hindi ko na maramdaman yung braso ko." Bulong nito.










Nagulat na lang si Coleen kaya't mabilis niyang natulak si Gabb.

"Hoy! Hoy! Hoy!" Sigaw ni Gabb bago pa ito tuluyang sumalampak sa sahig. Ang lakas nang pagkakabagsak at nadaganan pa nito ang sarili niyang kamay.











"AAAAAHHHH!! MAMAAA!!!" Sigaw ni Gabb habang namamalipit sa sakit.










Tarantang bumangon sa sofa si Coleen.
"S-sorry! Sorry! Di ko naman sinadya e! Ang oa mo naman?"











"Oa!??? Nababaliw ka na ba!! Yung likod koo! Yung likod kooo!! Tinulak mo koo!!!" Naiiyak na sigaw ni Gabb.











Natawa na lang si Cole at Laney na kanina pa nanonood sa kanila.

"Ang sweet nila no?" Sabi ni Laney at marahang siniko si Cole.







"Oonga e, ganyan pala maglambingan pag magiging magasawa na." Tugon naman ni Cole.






Sa sobrang sweet ni Coleen, hindi maiwasan maiyak ni Gabb.

"Re-write."  (sequel)Where stories live. Discover now