44

765 86 20
                                    


Ilang oras ang nakalipas, na walang imik ang ama ni Gabb, tulala at balisa.

Pilit niyang pinapaniwala ang sarili na mahimbing na natutulog lang ang walang buhay niyang anak.







Namamaga na ang mata sa walang tigil na pagluha. Basang basa ng pawis dahil at hindi matigil ang pagnginig ng mga tuhod dahil sa kaba at ngawit habang hinihintay magising ang anak.

Sa bawat galaw ng oras, unti unti na itong sinasampal ng katotohanan, na wala na ang kaniyang anak.







May lumapit sa kaniyang nurse para bigyan ito ng gamot pampakalma, nakita niya ang isang bote ng antibiotic at patago niya itong kinuha.







Agad itong nagtungo sa pinakamalapit na banyo ng hospital, mabilis niyang nilock ang pinto.







Humarap siya salamin at nakita niya ang taong pinakaunang dahilan sa paghihirap ng ni Gabb.  Sunod sunod ang pagtulo ng luha habang nakatitig sa sarili niyang repleksyon,  halos magdugo na ang kamao nito nang paulit ulit niyang suntukin ang salamin.



Nagsimula nang  manginig ang kamay nito dahil sa labis na pagdugo, kahit nahihirapan pinilit niyang buksan ang isang bote ng antibiotic.

Agad niyang sinalin at tinaktak sa kamay ang lahat ng laman nito. Ito lang ang tanging naisip niyang paraan para tapusin ang sarili niyang buhay.






"I'm sorry, Gabb.." paghagulgol nito, dahan dahan niyang binuksan ang sariling bibig para lunukin ang pagkarami raming gamot.





Napahinto na lang ito nang may maaninag siyang tao na nakasandal sa pader. Agad niyang pinunasan ang luha upang makita ng mas malinaw.

"P-pano ka nakapasok?" Tanong nito at agad na sinulyapan ang lock ng pinto.








"Hindi na mahalaga kung paano.." sagot ng dalaga habang humahakbang papalapit sa kaniya.




"Primo Daniel Skribikin, 43 years old, the president/ceo of skribikin winery."

"Sabihin na lang natin, na ikaw si Primo na isang pabayang asawa at pabayang ama."







"S-sino ka ba?"







"Hindi na mahalaga kung sino ako, at hindi ba? allergic ka sa gamot na 'to?" Tanong nito habang binabasa ang detalye ng bote

Nagulat na lang si Primo nang makita niya sa kamay ng dalaga ang bote ng gamot na kanina lang hawak niya.







"Akin na yan.. ibigay mo sakin yan! Hayaan mo na akong mamatay!"








"Hindi kita hahayaang mamatay, kaylangan mong magsisi. kaylangan mong bumawi sa lahat ng pagkukulang mo bilang asawa at bilang ama."








Agad siyang tumayo at mahigpit na humawak sa magkabilang balikat ngdalaga 

"Paano!? Sabihin mo sakin!? Gagawin ko ang lahat para  bumawi! Ibibigay ko ang lahat ng kayamanan ko para maibalik lang sila!"





Biglang bumagsak ang tuhod nito sa sahig.

"Wala na sila. pano pa ako makakabawi sa anak ko, kung wala na siyaa." Garalgal na saad nito.






"I-I'm sorry.. I'm so sorry Gabb.." paulit ulit nitong paghingi ng tawad,  habang walang tigil sa paghagulgol.




Naupo na lang sa tabi niya si Daryll, para hintayin siyang kumalma.
Isa't kalahating minuto ang nagdaan tumigil na ito sa pagluha at tahimik na nakatulala sa kawalan.





"Re-write."  (sequel)Where stories live. Discover now