5

2.7K 156 57
                                    

May, 04, 2012. Thursday- 2:34am




GABB's POV.

Tatlong oras na akong nakahiga sa kamang ito pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nilingon ko naman si ate sela at mahimbing na itong natutulog.


Bumangon ako sa pagkakahiga at dumeretso sa closet. Kumuha ako ng black na hoodie at sinuot ito.


Dahan dahan kong binuksan ang pinto para hindi magising si ate sela Pero.
"Alas dose na ng madaling araw! san mo nanaman balak pumunta?" Sermon nito habang kukusot pa ng mata.



Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. "A-ah magpapahangin lang." Sagot ko dito.



"Anong oras na? Delikado na." Sabi nito at hinawakan ang braso ko.



Dahan dahan kong inalis ang pagkakahawak niya at binigyan lamang siya ng ngiti. "Goodnight."


Wala na itong nagawa at hinayaan na akong makalabas. "Wag na wag mong susubukan uminom ulit! Hindi kita pagbubuksan ng pinto tamo." Sabi nito at sinarado na ang pinto.



Naalala kong may curfew pala dito kaya hindi natuloy ang plano kong maglakad lakad.


Pumanik na lang ako sa rooftop ng building na to. Pinagbabawal nilang tambayan yung roofdeck kaya dahan dahan at walang ingay akong humakbang pataas doon.

Nagtagumpay naman akong makarating ng hindi nahuhuli kaya Agad kong tinangal ang mask na suot ko at lumanghap na malamig na simoy ng hangin. Saglit kong pinagmasdan ang mga ilaw sa bayan na tanaw mula sa tuktok ng gusali na ito.


Umupo muna ako sa sahig at sinandal ang sarili ko sa pader. Binuksan ko ang phone ko at sinuksok ang earphone sa magkabilang tenga. Muli kong pinikit ang aking mata habang dinadama ang musika.



[Panalangin by daniel padilla.mp3]

Panalangin ko sa habang buhay ~


Bigla akong napatigil ng marinig ko ang napakagandang boses.

Makapiling ka makasama ka~
Yan ang panalangin ko~


Agad kong hinanap kung saan nanggagaling ang boses.

At hindi papayag ang pusong ito~


Nakatungtong ito sa maliit na entablado At damang damang kinakanta ang bawat estansa.


Mawala ka saking piling mahal ko~
Iyong dingin~


At wala ng iba pang mas mahalaga~
Sa tamis na dulot ng pagibig.



Bigla niyang binaling sakin ang tingin.




Nating dalawa~ *sabay kindat*



At sana naman nakikinig ka~



Pagkat aking sasabihin~



Minamahal kitaaaa!




Hindi ko namalayang napakalawak na ng ngiti ko habang pinapanood siyang tapusin ang kanta.

At ng matapos na sa pagkanta buong ngiti itong naglakad papalapit sa akin.


Ngunit sa bawat hakbang niya papalapit, unting unting naglaho ang pigura ng kaniyang mukha.

Sa bawat hakbang niya papalapit kusang humihina ang tugtog at musika.

"Re-write."  (sequel)Where stories live. Discover now