31

1.4K 114 43
                                    

COLEEN's POV.

Agad akong tumakbo papaalis ng stage.

"Coleen! Wait!" Rinig kong habol sa akin ni Josh.





Huminto ako sa pagtakbo at sinalubong ito, sinalubong ko ito ng malakas na sampal sa kanyang pisngi.

"Bakit mo ginawa ‘yon!" Naluluhang sambit ko.





"I'm sorry Coleen." Yukong sambit nito.





Hindi ko na napigilan tumulo ang luha sa mata ko dahil sa sobrang galit.

"Hindi pa ba malinaw sayo? Josh? Hindi kita gusto! Bakit ba hirap na hirap kang intindihin 'yon? Lalo ka lang masasaktan kapag pinagpatuloy mo pa 'to." Pilit kong pinunasan ang mga luha sa mga mata ko.







Muli kong naalala si Gabb, yung reaksyon niya, at kung paano siya hilahin ng mga guard palabas. Wala man lang akong nagawa.




Napahawak na lang ako sa aking bibig habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa aking pisngi.




GABB's POV.

They just threw me out here, balak pa nila akong bugbugin kung hindi dumating si Bruno.



Agad niya akong hinila sa madilim na gilid, walang gana kong isinandal ang aking likod sa pader.

Napapikit na lang ako dahil biglang kumirot ang sugat sa gilid ng labi ko, na gawa nung isang guard.


Nagdudugo rin ito, dahil hindi normal ang pagkakasuntok dito.


I'm so messed up.




"Gabb... Okay ka lang?" Tanong ni Bruno, nanginginig pa ang boses nito dahil sa kaba sa mga nangyayari.





"Mukha ba?" Taas kilay na tanong ko dito.






"Sorry, isinama ko pa kayo dito. Hindi ko talaga alam na—"





"I don’t accept apologies. Bring me a wine." Sambit ko.




"Pero Gabb! ang mahal non—eto na! Eto na! Kukuha na." Sabi nito at tumakbo pabalik sa loob.







Inangat ko ang tingin sa langit, napakadilim, walang liwanag dahil natatakpan ng makapal na ulap ang buwan. Napakalakas rin ng hangin na nagdudulot ng lamig ngayong gabi.



Huminga ako ng malalim at mariing pumikit, iniiwasan kong tumulo ang luha sa mga mata ko pero kusa na itong bumagsak kasabay ng unti-unting pagbuhos ng ulan.

"Re-write."  (sequel)Where stories live. Discover now