"Under."

2.8K 107 60
                                    

"So kamusta na kayo ni Gabb?" Tanong ni Cole sa kasama niyang si Coleen.







"Nakakapagduda siya.." sagot nito at ininom na tong machiatto.







"Bakit? Niloloko ka ba niya? May babae ba siya?" Sunod sunod na tanong ni Cole.






"No, mag 2 years na kami hindi pa rin siya nang bababae." Seryosong sambit nito.

Napahampas na lang si Cole sa noo niya dahil sa sagot ni Coleen.




......






"Ikaw ang tapang tapang mo! Liit liit mo naman." Asar ni Gia kay Brei.






"WUAHAHAHAH." Hagalpak na tawa ni Daryll.






"Ikaw, wag kang tumatawa diyan!   wala kang jowa." Asar naman ni Gia kay daryll.


"At ikaw." Turo ni Gia kay Gabb.








"Ano?" Mapanghamon na tanong ni Gabb.







"Under ka." Sagot ni Gia sabay tumawa ng malakas.








Sabay sabay na napailing silang tatlo.
Nandito sila sa restaurant ni Gia, kaya wala silang kapalag palag dito.


"Ang yabang mo giaa.." bulong ni brei habang nginunguya yung pizza.





"Pagtripan natin, Gabb tara dito." Tawag ni brei at inakbayan papalapit si Gabb.





"Bakit?" Takang tanong nito.









"May bagong post si Ella sa IG, Magcomment ka Gabb dalii." Utos ni daryll.








"Sige sige." Agad naman kinuha ni Gabb ang cellphone sa bulsa niya at ini-stalk na ang account ni Ella.






Agad niyang nakita ang recent post nito, walanv atubili itong nagtype sa comment section.

"Bakit pa kita aangkinin, kung simula pa lang akin ka na." Comment niya sa picture nito.







"Ang corny pero pwede na..." sabi ni brei.







"Oo, oo  pwede na yan." Pagsang ayon naman ni daryll.




.....





"Coleen, look! Nagcomment si Gabb sa post ni Ella 5mins ago." Sumbong ni Cole.







Agad naman inagaw ni Coleen kay Cole ang cellphone at binasa ito.

"Bakit pa kita aangkinin, kung simula pa lang akin kana- wow! Grabee! Ang galing naman talaga oo." Nangigigil na sabi nito.







"Oh teka! Yung phone ko baka ibato mo!" Agad inagaw ni Cole ang phone nito.






"Nasan? na ba yung phone ko." Sambit ni Coleen habang hinahanap sa bag yung phone niya.







"Kalmahan mo lang Coco." Natatawang sabi ni cole, bakas sa mukha ni Coleen ang galit.







"Kalmado ako, cole." Sagot nito, pero halos umusok na ang ilong nito sa galit.








"Re-write."  (sequel)Where stories live. Discover now