28

1.9K 116 37
                                    

GABB's POV.

Martes ng umaga, naalimpungatan na lang ako dahil sa ringtone ng cellphone ko, agad akong bumangon para sagutin ito.

"A-ate sela?"








"Gabb! Wag kang pupunta ng school, drinopout ka ng daddy mo,  once na mahanap ka nila iuuwi ka na nila at ipapadala sa vietnam." Tarantang sambit nito.






Nanatili akong tahimik, at sunod sunod ang paglunok dahil sa kaba.

"Nalaman niya na yung tungkol sa inyo, nakausap niya yung daddy ni Coleen." Dagdag pa ni ate sela.








These is getting messier than I thought.







"Salamat ate, sinabihan mo agad ako. Susundin ko lahat ng sinabi mo." Sambit ko.







"Gabo, sorry wala na akong ibang magawa, natatakot ako kay tito." Rinig ko ang paghikbi nito sa kabilang linya, alam kong sobra siyang nag aalala.








Sure akong namumula na ang malabola nitong pisngi dahil sa pagiyak.

"Don't worry ate, simula pa lang, napakalaking tulong na ang ginawa mo sakin, Thank you..."








Binaba ko na ang phone at huminga ng malalim, pag gising na paggising ko pa lang, yun na ang binungad saking balita, sira na talaga ang buong araw ko.






Muli akong humiga sa tabi ni Coleen at mahigpit na niyakap ito. She's still sleeping, I kissed her forehead.

"Coco, hindi muna ako papasok ngayon. Masama pa pakiramdam ko." Bulong ko dito.








Dahan dahan dumilat ang singkit na mata nito, at mahigpit na yumakap sa akin.

"Okay, magpaexcuse na lang tayo kay ate Sela." Sabi niya malababy pa ang boses nito.






"Tayo?" Takang tanong ko.







"Oo, tayo. Hindi ako papasok. Aalagaan kita." Aniya.







Napakamot na lang ako sa ulo ko at nagaalinlangan siyang tinignan.
"Aish! Kaya ko na to, pumasok ka na."







"Ihh! Ayoko nga.." aniya at sumiksik sa leeg ko.

"Walang maghahatid sakin." Dugtong niya pa.







"Marunong ka naman mag drive ah." Sabi ko.






"Oh no, I suddenly forgot how to drive. Ehe." Sabi nito.





Agad akong naupo sa kama at hinawakan ang magkabilang pisngi nito.  "Listen baby."








"Tumawag si ate sela, nagbigay daw ng dropout letter  sila dad sa admin ng school." Panimula ko.








Agad rin siyang napabangon sa kama.
"What!? Bakit?"







"Ang alam nila, nandito lang ako para mag aral. Then nalaman na nila yung tungkol satin dalawa. Ngayon  pinadrop out nila ako so they can easily bring me back to their house." Explain ko.





Here we go again, nagtantrums nanaman siya. Dapat pala mamaya ko na lang sinabi sa kaniya, nasira pa tuloy ang araw niya.








Agad kong pinunasan ang luha sa  mata at pisngi nito.

"Wag ka nang umiyak, may klase ka pa." Sambit ko at hinalikan ito sa kaniyang ilong.








"Re-write."  (sequel)Where stories live. Discover now