41

978 106 63
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




"Gabb? Saan tayo pupunta?" Tanong ni Coleen habang nakahawak ng mahigpit sa kanang kamay ni Gabb.










"Aalis na tayo. Lalayo na tayo sa lugar na 'to." Ngiting sambit ni Gabb, May tama pa ng alak ang mga diwa nila.








Napangiti na lang si Coleen, hindi na siya nag atubiling alamin ang plano ni Gabb dahil kahit ano pa ito, mananatili pa rin siya sa tabi nito.

"Maya maya parating na sila..." Bulong ni Gabb. Kumuha siya ng dalawang malamig na beer sa refrigerator at mabilis na nilagay sa maluwag niyang bulsa.








Agad na hinaluglog ng pulisya ang bawat kwarto ng abandonadong building mula sa pinakaunang palapag hanggang sa pinakataas nito.









Umabot ng kalahating minuto bago sila makarating sa isang kwarto na tanging may sindi ng ilaw dahil masyadong marami ang kwarto sa building na 'to,.

"Sir... Sa tingin ko po nandito po sila sa loob." Sabi ng isang pulis.









"Buksan niyo!" Utos naman ng hepe.










Pwersahan nilang binuksan ang pinto. Nahirapan pa sila dahil gawa sa bakal ang pintuan.











Habang ang iba namang pulis ay gumawa ng paraan para makapasok sa bintana nito.








Binasag nila ang bintana, at isa isa silang nagmadaling pumasok sa loob ng kwarto.









Ngunit wala silang natagpuan na kahit anino sa apat na sulok ng kwartong ito.









Dumating na rin sila Sela, at ang buong pamilya ni Gabb. Hindi sila pinayagang pumasok sa building kaya naghintay lang sila sa labas ng building. Ganoon rin sila Abby at si Mr. Trinidad.




May mga dumating rin na mga grupo ng misteryosong lalaki na may suot suot na itim na suit at may kasama silang isang babae na labis ang dalang galit. Habang hinahalughog ng pulisya ang bawat kwarto, nagtungo naman sila sa pinakamataas na palapag...









...Ang rooftop.











Sa kabilang banda, huminto muna si Daryll sa isang lumang bar na walang sino mang customer. Naupo siya sa tapat ng barista at umorder ng pinakamatapang na alak na paborito niya.









Ngayon lang niya naranasan na mawalan ng kakayahang mabasa ang mga susunod na mangyayari ngunit malakas ang kaniyang pakiramdam na hindi magiging maganda ang kalalabasan nito.











"Re-write."  (sequel)Where stories live. Discover now