22

2.4K 125 42
                                    

GABB's POV.

Isang malakas na sampal ang biglang tumama sa aking pisngi. Sa sobrang lakas hindi ko na maramdaman ang buong mukha ko.










Dahandahn kong nilingon at inalam kung saan nanggaling yung sampal na yun.

Unti-unting gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita ko kung sino ito.











"Baby!!" Sabik na sabik na tawag ko. Agad akong tumayo at mabilis siyang niyakap.

Hindi man lang siya nagsalita, hinayaan niya lang akong yakapin siya. Maya-maya narinig ko na lang ang mahinang paghikbi nito.








"C-coco?" Alalang tanong ko, dahan-dahan kong inangat ang mukha niya. Punong-puno na ng luha ang mga mata nito ngayon.









"Putangina, Gabb." Biglang salita nito.





Sunod-sunod na hampas ang inabot ko.

"Saan ka na naman pupunta? Ha? Bakit ka ganyan? Bakit hindi mo ko tinawagan? Bakit hindi ka man lang nagpaalam?" Sunod sunod na tanong niya.









Agad niyang tinanggal ang bag niya at mabilis na ibinato sa akin, agad ko naman itong sinalo.

"Iiwan mo na naman ako. Aalis ka na naman nang walang pasabi! Bakit ba ganyan ka?! Hayop ka!"








Hindi man lang ako makapagsalita, hindi ko man lang maibuka ang bibig ko. Ayaw na ayaw kong makita siyang umiiyak pero gumagawa pa rin ako ng dahilan para umiyak siya. Napakagago.



Mahigpit ko siyang niyakap pero mabilis niya akong tinulak papalayo. Kahit ako naririnding marinig ang sarili ko na humihingi ng tawad pero wala namang pagbabago.



Ngayon lang nagsi-sink in sa utak ko ang lahat ng kagaguhang ginawa ko.
Kaya siya nagkakaganito.










"Ba’t hindi ka nagpaalam? Ba’t hindi mo sinabi sa’kin? Gabb tangina! Hindi naman kita pagbabawalan."






Lumapit ako para punasan ang mga luha sa mata niya pero mabilis niyang tinabig ang kamay ko.




"Tatlong araw na tayong hindi nag-uusap dahil hindi mo sinasagot yung tawag ko!"

"Ano bang problema? Sana alam mong nag-aalala ako! Bakit mo ako ginaganito?" Namamalat na ang boses niya sa pag-iyak, pero pilit pa rin siyang nagsasalita.










Huminga muna ako ng malalim bago simulan magsalita.

"Your dad said, kung totoo man na may relasyon ka sa’kin o kung sinong estudyante dito, ipapadala ka niya sa U.S. Natakot lang ako dahil muntik nang mangyari yung mga ‘yon. Dahil masyado akong naging kampante, muntik ka na niyang ilayo sakin." Pagpapaliwanag ko pero mas lumalala ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.









"Ayaw mo akong lumayo, pero ikaw yung pilit na lumalayo. Ayaw mong maiwan pero ikaw yung nang-iiwan."


"Gumagawa rin naman ako ng paraan para hindi mangyari yun. Kahit ikaw!balak kang ilayo ng magulang mo, pinipilit kong magtago, magpanggap na walang tayo. Ginagawa ko lahat para manatili pa rin tayong ganito." Pagpapatuloy niya.



"Ang gusto ko lang naman, manatili ka sa tabi ko, ganun ba kahirap yun?"







Pwersahan ko nang hinila ang braso niya at mabilis siyang niyakap. Pilit siyang nagpupumiglas sa yakap ko, pero tumigil rin ito at yumakap na rin sa akin pabalik.







"Re-write."  (sequel)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum