11

2.3K 128 55
                                    

"Wag na ulit kayong magtatangkang mag cutting kung ayaw niyong mas madami pa dito ipagawa ko sainyo."





"Opo, sir." Sabay namin sagot.





Agad rin kaming lumabas sa office na yon pagkatapos ipasa yung mga papel na pinagawa samin.





"Babalik ka ba sa room?" Biglang tanong ni Coleen.



"Bakit?"




"Wala na kasi sila ate sela dun, nasa court stadium sila." Nakayukong sabi niya.




"Anong meron?"



"Finals na kasi ng laban nila ano-" nagaalinlangan nitong sabi.



"Nila?" Tanong ko.



"Nila C-cole."




Nakita kong padaan samin yung mga babaeng naka black na jersey at hindi ako nagkakamaling na yun yung team nila Cole.



"Mauna ka na, hindi ako manonood." Sabi ko.



"Gabo?"  May tumawag sa pangalan ko, usually mga ka close ko lang yung tumawag sakin ng gabo, kaya agad ko itong nilingon.




"What?"kunot noo kong tanong.





"Anong what what ka diyan? Si Dana to!" Salubong nito at inakbayan ako.





"Shaks! Evans!"





"Long time no see! Dito ka na rin pala nag aaral?" Malakas na sabi nito at ginulo pa ang buhok ko.




"Hmm, yeah."




"Capt, una na kami don ah." Pagpapaalam ni Cole at nauna na silang maglakad kasama si Coleen.
Nakahawak siya sa balikat ni Coleen habang naglalakad. Hindi ko maiwasang  tingnan sila habang palayong naglalakad.





"Hoy! Kanina pa ko salita ng salita dito, tulala ka lang diyan."  sabi ni ate dana.




"Uh? Ano ba yun?"





"Ang sabi ko, Sumali ka sa team namin." Excited na sabi niya.




"Pass."



"Dali na Gabb, gusto kitang maging kateam ulit, tulad ng dati." Pamimilit nito.



"Nalimutan mo na ba kung anong ginawa ni Dad nung huling sumali ako sa mga sport na yan?"






Dati na kaming magkateam ni ate dana, nung highschool. Lahat ng pinapasukan naming club laging isa samin ang nag mvp at ace player.  I considered myself as a secret member. Dahil alam kong hindi payag si Dad sa mga athletic doings na yan.

The last time na nanalo yung soccer team namin, ako yung mvp. I received a trophy, medal at iba pang certificate awards. Sa sobrang excited ko agad akong umuwi ng bahay namin para ipagmalaki kayla dad itong nakuha ko.




- Flashback. -


"Dad!" Agad na sigaw ko ng makapasok na sa pintuan.



Agad kong nakuha ang atensiyon niya. Biglang kumunot ang kaniyang noo habang pinagmamasdan ako mula ulo hangang  paa.



"Anong ginawa mo? Bakit ganyan itsura mo?"



Pinagmasdan ko ang sarili ko, may mga putik sa damit ko at gasgas sa braso dahil nga sa soccer. Muli kong binalik ang tingin sa kaniya. Pinilit kong ngumiti at pinakita itong trophy at medals ko.




"Re-write."  (sequel)Where stories live. Discover now