CHAPTER 20

172 12 3
                                    


                    "He's my boyfriend." matigas na boses na sagot ni Sir Max. A-ano daw? A-ako? Boyfriend niya? Ang alam ko crush ko pa lang siya. Ba't boyfriend na agad?


                     "You're his what?" imbes na sagutin pa ang tanong ni Sir Josh, hinila na ako ni Sir Max palapit sa sasakyan niya. Pinapasok niya na agad ako pagkabukas niya at isinara yun. Umikot siya sa kabila at pumasok din.


                      "Who is he? Your boyfriend?" tanong niya agad ng makapasok siya.


                      "Po? Hindi po, teacher ko po yun." sagot ko sa kanya, pero hindi na siya sumagot, kinabit niya na lang ang seatbelt niya kaya kinabit ko na din ang akin.

Sa buong byahe tahimik lang siya kaya tumahik lang din ako. Hello?? Bakit ako magdadaldal kung di naman siya nagsasalita? Baka pag nainis siya ihulog niya pa ako. Hanggang makarating kami sa bahay hindi siya nagsalita. Bumaba na lang ako sa kanya at dire diretsong pumasok sa bahay. Ewan ko ba. Parang nasasaktan ako sa hindi pag pansin niya sakin.


Max's POV

When I saw his bedroom light turned off, bumaba agad ako sa sasakyan at pumasok sa bahay nila. Hindi nagsasara ng pinto. What if someone else saw their door open and do something bad? Careless. I locked their door first before going upstairs, to his room. Nang buksan ko ang kwarto niya, nakita ko siyang nakasubsob ang mukha sa kama, ni hindi pa nagpapalit ng uniform.

Nilapitan ko siya at tinapik ang paa. I heard him groan but he didn't move a bit. I taps him again but still no response. Lumapit ako sa kanya at inayos ang higa niya. Tulog mantika. Tinanggal ko muna ang sapatos at medyas niya at inayos ang pagkakahiga niya. Maybe that's enough. I won't remove his clothes, baka ano pa isipin niya. When I was about to put a blanket on him, I heard someone knocking on the door. I put the blanket on him him first before going down. I opened the door and I'm right.


                   "Max? Bakit ka andito? At bakit nakalock ang pinto?" I let her in first and closed the door. 

                  "Well, hinatid ko lang po si Douglas,nasa labas po ako ng ilang minuto, pero pumasok dinpo ako after that para icheck si Douglas. Hindi niya din po nailock ang pinto kaya nakapasok agad ako." I explained her.


                  "Ganun ba? Pauwi ka na ba? Gabi na din naman, dito ka na kumain. Pero magluluto muna ako." I looked at her clothes and noticed that it's an office suit.


                 "Can I be the one to cook our dinner, tita? It looks like your tired. I can do it." I asked her.

Based on her expression and looks, she's really exhausted. So I can just cook, I know how to cook.

  

                   "Sure ka ba ijo? Hindi ba nakakahiya yun sayo?" I smiled at her.


                   "It's okay tita. You can just go upstairs and change your clothes po." she just smiled at me and went upstairs. After she left, kinuha ko muna ang apron at inilagay yun sakin. Itinupi ko din muna ang long sleeve ko para di madumihan. I took all the needed ingredients from the fridge and started cooking.



Douglas' POV

Naalimpungatan ako dahil sa mahinang katok sa may pinto ng kwarto ko, kaya kahit ayaw ko bumangon, pinilit ko pa rin. Pagkabukas ko ng pinto, bumungad agad si mudra.


               "Buti naman gising ka na, bumaba ka na, kakain na tayo." pagkasabi niya nun agad naamoy ng ilong ko ang bango ng ulam. Wow! Parang masarap ang ulam ha.


                 "Sige po mudra. Magpapalit lang ako ng damit." tumango lang siya sakin atsaka tumalikod pababa. Sinara ko muna ang pinto saka isa isang tinanggal ang mga damit ko. Ang init!!!

Nang makapagpalit ako ng damit bumaba na ako. Hmmm ang bango talaga... ano kayang ulam yun?


                "Mudra andito na ang---SIR?!" nakaturo pa ang daliri ko sa kanya. Napatigil pa siya sa tangkang paglagay ng plato sa lamesa. Naka apron siya at nakatupi ang long sleeve niya.


                 "Andyan ka na pala anak. Umupo ka na ng makakain na tayo." aya sakin ni mudra.

Nakaupo na ako pero gulat pa din akong nakatingin kay Sir. Bakit andito 'to? Akala ko ba umuwi na 'to?

Bachelor Series # 1: Hello, Mr. GayМесто, где живут истории. Откройте их для себя