CHAPTER 30

167 5 0
                                    


Hindi masyadong mabilis, hindi din mabagal ang pagpapatakbo ni Max ng sasakyan kaya mas naaliw ako sa paligid. Punong puno ng naglalakihang puno ang loob ng villa ni Max. Sabi ni Max nasa loob pa kami ng villa at wala pa sa pinaka farm niya. May isang puno lang akong kilala sa lahat ng puno n andito, yung pine tree lang. Sa gilid ng daanan, may mga nakatanim na pine tree tas sa likod nila may mga malalagong puno na dun na sa may bandang baba nila may mga nakapalibot na namumulaklak na mga tanim. Siguro ang ganda ditong tumira? Yung tipong wala kang gagawin kundi mag alaga lang ng mga tanim. Ang sarap ng buhay na ganun.


                         "We're here blonde." napatingin agad ako sa unahan ng sasakyan at nakita doon ang pinaka cute na entrance ng farm na nakita ko. Parang nag heart heart ang mga mata ko. May maliliit na kawayang bakod ang hunahan ng farm ni Max. Siguro hanggang tyan ko lang ata ang tangkad nila. Color green sila at sa may tapat ng kotse kung nasaan kami, may paarko dun na sinasabing dun ang papasok sa farm niya. May nakasulat dun na "Maximo Farm"Tiningan ko kung hanggang saan ang mga kawayan. I think mula yun sa pinakagilid ng lupa niya hanggang sa kabilang gilid. Wow! Ang daming kawayan nun.


                             "You like it?" tumingin ako kay Max at tumango.


                               "I'm the one who designed this villa. Except of the house. John is the one who designed that." napalaki naman agad ang mga mata ko. Seryoso??? itinabi niya muna ang sasakyan sa may gilid malapit sa gate at bumaba siya. Tinanggal ko naman ang seatbelt ko, nang matanggal ko yun nasa may gilid ko na si Max kaya tinulungan niya ako.


                                 "Hijo? Max? Aba! Ikaw nga!" may lumapit samin na matandang lalaki. Nakasumbrero siya na gawa sa abaniko. Ay ang taray. Bukid na bukid. Matry nga yan mamaya.


                                    "Tay Nestor! Kamusta po kayo dito?" nagyakapan muna sila.


                                   "Aba'y mabuti naman ako at ang iba dito. Hindi ka nagsabi na uuwi ka pala. Edi sana naghanda kami ng konting salo salo." lumapit muna sakin si Max at hinila ako palapit kay Tay Nestor.


                                  "Pasensya na po Tay Nestor. Biglaan po kasi. Si Douglas nga po pala." pakilala sakin ni Max sa matanda kaya ngumiti ako.


                                  "Aba'y kaganda mo namang binata hijo. Ikaw ba ay nobyo nitong si Max?" tanong niya kaya nagulat ako. Hindi dun sa jowa jowa ah. Aware sila na hindi straight si Max? At tanggap nila siya?


                                   "haha. Kayo naman Tay Nestor. Hindi pa po kami, pero malapit na po." sagot sa kanya ni Max sabay ngiti sakin. Ohhkay...OP na ako dito.


                                  "Ay ganun ba? Aba'y kung ganun,magsimula ka na manligaw dyan baka maagaw pa." Tumawa pa sila matapos sabihin yun ni Tay Nestor. Psg! Nakakatawa yun? Andito lang ho ako sa harap niyo.




Someone's POV

"

                                "We should have told him tita. Mas nauna pang nawala siya kesa malaman kung sino talaga siya. Now we don't know where he is." Napahilamos na lang ako ng mukha dahil sa inis. There's a possibility that it's his so-called-boyfriend who abduct him. What is wrong with him?!


                                 "Alam ko naman yun hijo,pero pano ko din sasabihin sa kanya na kabit lang ako ng papa mo at patay na ang papa niyo? At hijo, alam ko na kung sino kasama niya,pero ibabalik naman niya daw ang anak ko" yeah. Wala kaming kaalam alam na patay na si dad sa ibang bansa. Inatake siya ng sakit niya sa puso habang umiinom sa bar. Kaka inom niya kasi. Hayyss.


                               "I've told you many times now tita,tanggap kayo ni mommy. Matagal niya na kayong pinapahanap. Bago pa siya mamatay. Nasaan po siya? Dun sa Max na bf niya kuno" sila na lang ang natitira kong pamilya. So sana naman mabuo kami. Kahit hindi niya ako anak.


Napahilamos na lang ako ng mukha ng tumango si tita. Damn you Max. Bakit kailangang kunin ang kapatid ko?



Douglas' POV

Nagising ako bigla dahil sa paggalaw ng katabi ko. Pagtingin ko sa gilid,nakita ko siya na mahimbing pa rin ang tulog. Dahan dahan akong bumangon para di siya magising. And tada! Nakawala din. Whoo! Ang higpit ng hawak niya. Nagsuot ako ng tsinels at dahan dahang lumabas ng kwarto at bumaba para magluto ng agahan. Marunong ako magluto no. Kahit ano kaya ko. Basta wag yung mga pangsosyal na pagkain. Binuksan ko ang ref at...wow!! Daminamang gulay. Psh! Kinalkal ko ang mga gulay at may nakita akong carrot at peas. Kinuha ko yun at hinugasan. Tiningnan ko ang rice cooker kung may kanin pa. Mabuti naman at meron pa. dinurog ko ang kanin at itinabi muna. Binalatan ko din at hiniwa sa maliliit na cubes ang carrot. Pinainit ko na din ang kawali ng mainit na. Naglagay ako ng bawang na hiniwa ko ng pino,hinalo ko din ang carrot at ang mga peas. Ng medyo malambot na, hinalo ko na ang kanin at hinaluan ng pampalasa. Tadaa! Oh diba.


                     "Where'd you learn how to cook?" Muntik ko pang mabitawan ang pack ng bacon na hawak ko ng biglang may magsalita sa likod ko. Humarap agad ako.


                      "Shit naman. Pwede ka naman M-max magparamdam muna bago magsalita. Muntik pa akong atakihin sa puso." reklamo ko pero tumawa lang siya. Umupo siya sa upuan sa tapat ng mesa at hinarap ako.


                      "Sorry. Go on. Continue what you are doing." Tinuro niya pa ang niluluto ko. Istorbo. Pinagpatuloy ko na lang ang pagluluto. Naramdaman ko din na kumuha na siya ng mga plato at nilipat na sa mangkok ang sinangag. Huli kong niluto ang itlog. Ng matapos, humarap na akosa kanya at nilagay na sa mesa ang pagkain bago umupo.


                      "Kanina ka pa ba gising?"tanong ko sa kanya. Nilagyan niya muna ng pagkain ang plato ko bago sa kanya.


                       "Maybe few minutes before you sliced the carrots? Yeah. Maybe." Sagot niya. Imbes na magsalita pa,kumain na lang ako. Tahimik kaming kumain hanggang matapos.



Halos dalawang buwan na din ako dito sa villa ni Max at nasasanay na din ako sa ugali niya. Lagi siyang nakadikit sakin at nasasanay na ako dun. Lagi kaming nasa farm niya at tumutulong sa mga trabahador niya doon.


                       "Blonde! Look!" napatingin ako kay Max ng tinawag niya ako. Nasa maliit kami ngayong sapa na parte pa din ng pagmamay ari niya. 

Bachelor Series # 1: Hello, Mr. GayWhere stories live. Discover now