CHAPTER 17

190 6 4
                                    

                    "Anak!! Gising na!! anong oras na oh!"


Nagising agad ako ng marinig ko na kinakalabog na naman ni mudra ang pinto ng kwarto ko. Grabe naman! Pwede namang simpleng katok lang eh. Kailangan talagang kalabugin?


                  "Opo mudra. Maliligo lang ho ako!"sigaw kong sagot. Tumayo na lang ako sa pagkakahiga at dumiretso na sa banyo. Bakit ba kasi ang aga ng pasok namin? Pwede naman magsimula ng 8 AM o kaya 8:30 AM, bakit kasi 7:00 AM pa?

Kesa pagantayin pa si mudra at mabadtrip lang sakin yun, naligo na lang ako. Nang matapos ako maligo, nagpatuyo lang ako ng katawan at sinuot na ang uniform ko. Simple lang naman ang uniform namin. Long sleeve na white, at fitted na maroon slacks,may vest din kaming maroon at may logo ng St. Benedict Academy pero ayoko na isuot, mainit kasi. Ginulo ko lang ang may kakapalan kong buhok at bumaba na. Nasa hagdan pa lang ako ako, rinig ko nang may kausap si mudra. Take note, nagtatawanan pa sila. Ang pagkakaalam ko kami lang naman dalawa ni mudra dito sa bahay.


                   "Oh anak, andyan ka na pala. Kanina ka pa hinihintay ng boss mo." nakangiti pang sabi sakin ni mudra saka naman humarap sakin ang bisita.


                  "Good morning blonde" bati niya sakin. Bakit andito siya? Bakit andito si crush??


                  "Sir?! bakit po kayo andito? May trabaho po ba ulit? Hay naku Sir wag po muna ngayon, absent na ako kahapon baka----"naputol bigla ang sinasabi ko ng sapakan ako ni mudra ng pandesal sa bibig kaya muntik pa akong mabilaukan.


                 "Yan kasi ang daldal mo. Ikaw talagang bata ka. Alamin mo muna kasi ang dahilan bago dumada. Nakakahiya sa boss mo." naupo muna ako sa tabi ni mudra bago tinanggal ang tinapay sa bibig ko at kinain yun ng paunti unti.


                  "Bakit po ba kayo andito Sir?" tanong ko sa kanya.


                   "Yan. Ganyan wag inuunahan mo ng dada."masungit na sabi sakin ni mudra habang nagsasandok siya ng kanin.


                "Oo na nga mudra. Kumain ka na lang dyan." sagot ko naman sa kanya at humarap na kay Max (wala na nga daw kasing Sir) na tahimik na nanunuod samin.


               "Bakit nga po Sir?"


              "Gusto lang sunduin para maihatid sa school mo. Wala naman sigurong masama dun."kamot batok niyang sabi sakin. Susunduin niya 'ko? At ihahatid? Sa school? Is dis a dream? Please wag niyo na akong gisingin. Puh-leaseee?


           "Pwede po ba akong humindi Sir? Charoot po. Okay lang po yun. Para makalibre po ako ng pamasahe."ngiting ngiti ko sa kanyang asar sabay kain na ng pagkain ko. Kumain na din naman si Max. Pangalawang beses niya na ditong kain ha? Baka naman mamihasa na siya ah. Aba, ala kaming supply para sa pagkain niya.

Nang matapos naming kumain, nagpaalam na kami kaya mudra at lumabas na ng bahay.


             "Kotse niyo po?" tanong ko sa kanya. Kaya natawa naman siya ng mahina.


             "Of course. Ihahatid ba kita gamit ang hiram lang na kotse? No way." binuksan niya naman ang pinto sa upuan sa tabi niya. Nang makapasok ako, sinara niya na yun at pumasok din sa kabila. Nang maikabit na namin ang mga seatbelt namin umandar na siya. Tahimik lang ang byahe. Ayoko naman makipagkwentuhan sa kanya kasi nahihiya ako. Malakas lang naman ang loob ko kaninang charot charotin siya kanina kasi kasama namin si mudra. Atleast may kasama ako, hindi kagaya ngayon na kami lang.


               "We're here blonde."hindi ko man lang napansin na andito na pala kami. Tinanggal ko na sa pagkakakabit ang seatbelt. Bubuksan ko na sana ang pinto pero pinigilan ako ni Max. Kaya napatingin ako sa kanya.


             "May sabihin pa po kayo Sir?"tanong ko sa kanya. Binitawan niya muna ang braso ko at may kinuha sa may likod. Inabot niya sakin yun. Isa yung lunch box. Transparent kasi ang bag na nilagyan kaya nakita kong blue ang container na lalagyan na pa-box.


             "Akin po ito Sir?" nahihiya kong tanong.


             "I told you to drop the Sir, Max. Call me Max. And yeah. That's yours."nakangiti niyang sagot sakin. Napatingin ulit ako sa binigay niya. Pero may naalala ako.


            "Kayo din po ba ang nagpapadala sakin ng mga pagkain? Yung may sticky notes?"napakamot naman siya sa batok na at namula pa ang tenga.


            "Yeah it was me. Sorry. I just wanna cook some food for you."nakayuko niyang sagot sakin kaya napangiti ako. Kala ko pa naman kungsino. Si crush lang pele hihihi.


             "Sige po salamat dito tsaka po sa mga nauna. Mauuuna na po ako, may klase pa po ako." paalam ko sa kanya. Tumango na lang siya kaya bumaba na ako sa kotse niya. Pagkababa ko, napangiti agad ako, kung wala lang akong mga kasabay siguro tumili na ako dito. Hayy naku late na ako! 

Bachelor Series # 1: Hello, Mr. GayWhere stories live. Discover now