Chapter 4

609 27 2
                                    


Hi I'm Erin Tan. 17 years old same age as Douglas. True to his words, may dumating ngang lalaki na parang butler ni Sir Max. He's tall, kagaya ni Sir Max at ni Sir Joseph. Naka suit din siya. Nilapag niya sa may table sa may tabi ni Sir Max. Pagkalapag nya sa dala nya ginising nya na si Sir.

        "Sir...Sir...." Pupungas pungas naman na gumising si Sir.

        "Thanks for this Butler John,nagawa mo na ba yung inutos ko?" tumango lang si Butler John, inalok naman kami ni Sir Max ng pagkain kaya kumuha na din kami. Habang kumakain kami umalis na si Butler John para mauna na daw sa venue.    

       "kumain lang kayo,maya maya aalis na din tayo. 11 tayo aalis." Sabi niya. Tumango lang kami.


Max POV


Kakatapos ko lang kumain at hinihintay ko na lang sila matapos." nakuha na ni Butler John yung mga gamit niyo, nadala niya na dinsa event. Sasabay kayo sakin." sabi ko.

       "Pwede po ba kaming magswimming Sir?" tanong ni Blaine.Pagkasabi niya nun nasiko agad siya ni Douglas.

         "Uyy ano ka ba gurl? Trabaho gagawin natin dun hindi bakasyon." gurl? Is he a gay?

         "Okay lang. Pwede kayo magswimming after ng work. Ilang oras lang naman yun." Napangiti naman sila sa sinabi ko. They're cute.


        *AFTER FEW MINUTES*


 Andito na kami sa sasakyan ko. Nasa likod silang tatlo kaya nagmumukha akong driver nila but it's okay.Nagkukwentuhan sila at nagtatawanan ng ilang minuto pero pagkatapos nakatulog na sila. I think they're really tired. Tanghaling tapat pero nakatulog na agad.

After few minutes nakarating na din kami. Gising na din sila kaya no need to wake them up.

        "Room 32 ang room niyo, 3 beds na pinakuha ko para hindi na kayo maghiwa hiwalay. If you all need anything just knock the door of the room next to yours. room ko yun. Pag nagutom naman kayo,here's my VIP Card. Use this." pagkabigay ko sa kanila ng card ko at nasabi na lahat ng dapat nilang malaman, nauna na ako sa room ko dahil maglilibot daw muna sila. 


THIRD PERSON POV

Habang si Max nagpapahinga sa room niya,sila Douglas naman ay papunta sa kung saan para kumain,si Butler John naman na nauna sa kanila ay tinutulungan na ang mga trabahador na iayos ang ibang pang design.

Douglas POV

Sabi ng mga napagtanungan namin,sa may VIP hall na daw kami dumiretso para kumain kasi pinakita namin sa kanila ang VIP card namin na ibinigay ni Sir Max. Nang makita namin ang event hall nakita din namin ang iba naming kasama. Woww!! Ang laki ng lugar. Grabe..ito ba yung aayusin namin? Ang lawak!

         "Uy tara na. Nagugutom na ako." Reklamo ni Blaine sabay hila sakin kaya naiwan si Erin na nakatayo malapit sa may bulaklak. Bahala na nga!

Someone POV

I saw them enter the event hall and how her friends left her. She's busy mesmerizing the hall. Hindi pa man nagsisimula ang pagdesign masasabi mo nang maganda talaga ang hall. I saw her touch the flowers we'll be using for designing. Erin. That's her name. What a lovely name.

       "ERIN!!!"

Nakita kong nagulat siya kaya napaharap siya sa tumawag sa kanya.

      "Tara na. Gutom ka na diba?"

Humarap muna siya sa mga bulaklak bago sumunod sa mga kaibigan niya. She looks sad leaving that bunch of flowers.


                                                                     ***************

Tapos na kami kumain at bundat na kami. Malapit na din kami magsimula sa pagdedesign. Nakita na namin ang venue kanina kaya alam naming matagal tagal din yun bago matapos.


       "Guys andito na daw si Sir Max. Punta na tayong hall" ayaw pa sana namin pero nag aya na si Erin kaya no choice. Baka pagalitan niya pa kami.


                                                                       ***************

                       "Saan ba yan galing?"                   

                      " may nakapasok ba dito?"

                       "Hala may magnanakaw?!"

                      "Check niyo gamit niyo dali!!!"

                      "Wala naman nawawala"

                      " wala din sakin"

                        "Same"

Anong pinagtatalunan namin? Paano kasi pagpasok namin sa room namin may nakita kaming bouquet sa may higaan ni Erin. Eh hindi naman kami nag iwan ng bulaklak dito kanina pagkaalis namin kaya iniisip namin na may pumasok. Pero sino? The who baa???   

                  "Sasabihin ba natin to kay Sir?" Tanong ni Blaine.

                 "Wag na lang. Busy yun ngayon,baka magkagulo pa" sagot naman ni Erin.

                 "Pero Erin." Tutol ni Blaine.

                "Wala namang nawala. May naglagay lang naman ng bulaklak" sagot ni Erin kaya natahimik na kaming tatlo. Nagulat na lang kami ng may biglang kumatok. Si Erin na ang nagbukas kasi siya ang malapit sa pinto.

               "Sir Max?"

Bachelor Series # 1: Hello, Mr. Gayحيث تعيش القصص. اكتشف الآن