Chapter 3

627 33 1
                                    


Nandito ako ngayon sa opisina ko at hinihintay na sumagot sa tawag ko si Joseph.

      "Hello?" tanong sa kabilang linya. Rinig kong maingay ang background kaya alam kong busy siya kaya sa tingin ko diretsuhin ko na lang ang kailanggan ko.

       " I need a new assistant. Tinanggal ko na si Cheska." Sagot ko sa kanya. Narinig ko siyang humalakhak pa sa kabilang linya..Yes humalakhak. Sa tingin ko nga pinagtitinginan na siya.

       "Napagod ka na no? Sinabihan na kasi kitang tanggalin mo na pero hindi mo na ko sinunod. Yan tuloy." Nagulo ko ang buhok ko dahil sa sinabi niya.

       "I need him or her now. Padala mo na lang dito sa shop. Mamayang 12 ang alis naming papuntang venue." Pagkasabi ko nun binaba ko na agad ang tawag. Nakakapagod. Ang aga aga pa lang sumasakit na ulo ko. Binuksan ko ang tatlong butones ng polo ko at sumandal sa swivel chairko. Maybe a few minutes of sleep can help.

Nagising ako sa mahihinang katok sa may opisina ko. Tiningnan ko ang orasan sa may tabi ko at napansing 9:30 na pala. Almost 1 and a half hour ako nakatulog. Okay na din yun kesa wala.

         "Come in" bumukas agad ang pinto at pumasok ang isa kong employee.

         "Sir,nasa labas na po ang mga assistants na ipinadala ni Sir Joseph." Assistants? I thought isa lang? Madami ba?

        "susunod ako." Lumabas na din naman agad siya kaya inayos ko na ang damit ko at isinuot ang salamin na tinanggal ko kanina.


DOUGLAS POV

Hi everyone! I'm Douglas Dixon nga pala. The blonde guy? Remember? Kanina busy kami sa may café pero pinatawag kami ni Sir Joseph tas pinadala kami sa driver niya dito. Yes, kami. Kasama ko sina Blaine at Erin. Kaya ngayon ay andito kami sa may flower shop ni Sir Max na kaibigan ni Sir Joseph.

Akala ko joke lang yung flower shop na sinasabi nila kanina pero ngayong Nakita ko na, totoo nga pala talaga at sobrang ganda. Iniwan kami ng mga employee ni Sir Max ang sabi daw antayin na lang namin siya.

Napalingon kami ng magbukas sara ang isang pinto sa may ilalim ng maliit na hagdan.

      "Kayo pala ang pinadala ni Joseph. Sorry sa abala, kailangan ko lang talaga ngayon ng assistant, uh...assistants pala kasi tatlo kayo" sabi niya pagkaupo pa lang sa may tapat namin. Assistant? Bakit? Wala ba siyang assistant dito? Ang dami niya ngang trabahador dito eh.

       "Ano po bang gagawin naming Sir?" tanong ni Erin na diretsong nakatingin kay Sir Max. May kinuha muna si Sir na clipboard sa may maliit na table na nasa tabi niya.  

       "Well...all you need to do is come with us later in the venue which is sa Boracay. Tutulong kayo sa pagdesign sa venue." Sagot niya. Mamaya?

      "and hanggang bukas tayo dun." Dugtong niya pa. WHAATT??

       "Pero Sir may pasok po kami bukas. Kailangan po naming ng excuse letter." Sagot naming. Kinuha niya ang cellphone niya at may tinawagan.

       "Butler John. Pakiaayos naman ng excuse nila Blaine, Douglas at Erin sa school nila...wait" tumingin muna siya samin.

       "san ang school niyo?" tanong niya.

       "Sa St. Benedict Academy po." Sagot namin. 

       "St. Benedict Academy. Pakidalhan na din kami ng pagkain dito sa shop. Thanks. Bye." Pagkababa niya ng tawag tumingin siya samin.

"30 -35 mins. Antayin muna natin ang inutusan ko. Pipikit lang muna ako ulit." Pumikit na siya pagkatapos niya sabihin yun. Natahimik na din muna kami kasi nasa tapat lang naming siya, baka magalit pag naistorbo naming siya.

Bachelor Series # 1: Hello, Mr. GayWhere stories live. Discover now