Chapter 10

233 13 2
                                    

Erin's POV

Nang makapasok ako sa kotse ni Sir Max may kinuha agad siya sa likod ng kotse niya.

            "Ikaw na bahala" sabi niya. Tumango lang ako at lumabas na, bago ko pa maisara ang pinto nagsalita pa siya.

            "Sorry hindi ko na kayo maihahatid may mga gagawin pa ako sa opisina." paghingi niya ng pasensya.

            "Okay lang po Sir. Naiintindihan ko naman po. Ingat po kayo sa pagmamaneho." sagot ko sa kanya sabay ngiti.

            "Kayo din. Magingat kayo pauwi." tumango na lang ako at sinara na ang pinto. Pagkasara ko umandar na din siya. Pinuntahan ko na sina Blaine na nasa may gilid ng gate,pansin kong nagdadaldal si Blaine pero si Douglas naman tahimik lang. Nilapitan ko sila.

            "Tara na." aya ko sa kanila. Pumara na kami ng jeep. Nang makasakay kami sa may malapit sa pinto naupo si Douglas at tumingin sa may labas lang. Anong nangyari sa kanya? May problema ba siya? Oo nga pala. May kinuha ako sa bag ko at nilagay sa bag ni Douglas. Ang laki nga ata ng problema nentong bakla na 'to. Hindi man lang naramdaman na binuksan ko ang bag niya.

           "Para po!" paalam ni Douglas ng hindi man lang tumingin samin. Okay....may problema nga siya.


Douglas' POV

Nang makababa ako sa jeep madami pa din akong iniisip tungkol kila Sir Max at Erin. Nang makapasok ako sa bahay, naamoy ko agad ang adobo na niluluto ni mama.

           "Mudra!!! Where are you?? Andito na ang pinakamaganda mong anak." sigaw ko agad na pambungad. Nakita ko naman siyang lumabas galing sa kusina na may hawak pang sandok at naka apron pa.

          "Oh anak. Nga pala may dumating na padala para sayo. Walang sinabi kung kanino galing pero may pangalan na para sayo. Inakyat ko na sa kwarto mo." sabi niya. Padala para sakin? Sino naman kaya yun? Wala naman akong ine expect na padala sakin ngayon ah?

          "Ha? Ganun po ba? Sige po pakitawag na lang po ako 'pag kakain na." tumango lang siya sabay talikod pabalik sa may kusina. Luh? Taray naman ni mudra parang si Erin lang?

Nang makapasok ako sa kwarto nakita ko agad ang color blue na kahon na medyo malaki sa may ibabaw ng kama ko.

Hindi muna yun pinansin at nagpalit na muna.

Nakaharap ako ngayon sa kahon. Nakapagpalit na din ako ng damit. Nakatitig ako sa kahon. Pinag iisipan ko kung bubuksan ko ba ang kahon. Malay mo ko kasi kung may laman yang bomba. O kaya naman patay na daga. O kaya naman..... oh nooo!!! baka naman picture ko na may dugo?!

Eh? San galing ang ideyang yun? Oh well mabuksan na nga lang.

              "AAAAHHHHHHHH"

Bachelor Series # 1: Hello, Mr. GayDonde viven las historias. Descúbrelo ahora