CHAPTER 18

188 9 1
                                    

Nang makapasok ako sa room, andun na din ang tatlo kaya ngiting ngiti ako sa kanilang lumapit.

                      "Good morning mga magaganda kong kaibigan."bati ko agad sa kanila ng makaupo ako.


                        "Good morning din gurl. Anong ngiti yan ah? Bakit parang tuwang tuwa ka?" bati din sakin ni Javier sabay usog ng upuan niya palapit sakin.


                     "May ikukwento ako sainyo mamaya. Sa cafeteria na lang."nakangiti ko sa kanyang sabi at umupo na ako sa kung saan talaga ako nakaupo, sumunod din si Blaine at Javier. Si Erin lang naman nakahiwalay kasi maingay daw kasi kami kaya hindi siya tumabi samin.

Nang makaupo na kami sa mga upuan namin saka naman pumasok si Ma'am na ngiting ngiti pa. Ano na naman kayang ngini ngiti nitong masungit na 'to? Sorry pero masungit talaga siya na akala mo laging may regla.


                     "Good morning class. Hindi naman ako magtatagal kasi may sasabihin lang ako."nakangiti niyang sabi. Buti naman. Halata sa mukha namin na gusto naming magsisisigaw sa tuwa pero nanahimik kami kasi baka magstay pa siya.


                   "Come in hijo,."tawag ni Maam sa labas. Lahat naman kami tutok na tutok sa kung sino ang papasok hanggang......


         "AAAAHHHHHHHH"

       

       "KYAAAAAHHHHH"


          "ANG POGIIIIIIIIII"


      "ANO PO NAMEE MOOO???"


......sa napuno ng tilian ang room kaya napatakip ang iba ng tenga. Iba, I mean kaming apat kasi letse! Halos magtakbuhan na sila sa harap!


        "SILENCE!!!"


Natigil silang lahat ng sumigaw na si Erin. Pfftt hahahaha yan kasi. Nagbabasa pa naman siya.


          "Thank you Ms. Tan. And all of you! Bakit kung makatili kayo para kayong mga nakawala sa hawla? Ganyan ba ang gusto niyong makita ng bago niyong adviser? Ha?!" napayuko naman sila samantala kami namang tatlo tahimik na naghahagighikan.


                                                                       ****

                     "Gurl ang cute naman ng bago nating teacher no?" puna ni Javier.

    

                     "Hindi yan papatol sayo bakla, wag ka nang umasa." asik ni Blaine kaya napatahimik si Javier. Mahina pala eh.


                     "Now meet your new adviser. He's Josh Buenaventura. Sayo ko na sila ijo iiwan ha? May mga gagawin pa ako sa office ko. Magsabi ka lang kung may problema."paalala niya kay Sir. Ngumiti lang naman si Sir kaya umalis na si Maam. Pagkaalis ni maam saka na umupo si Sir sa upuan na para sa kanya.


                  "Good morning ulit class. Papakilala ko lang ulit pangalan ko ha? I'm Josh Buenaventura. You can call me by my surname or name na lang. O kaya naman kuya lang pag wala sa school, I don't mind. Basta kung saan kayo komportable. Okay ba yun?" nakangiti niyang tanong samin. Ang cute niya naman. Akala ko masungit siya.

Bachelor Series # 1: Hello, Mr. GayWhere stories live. Discover now