Chapter 12

225 17 0
                                    

        "So far so good po Sir. Maayos na pong nailagay ang mga bulaklak, mga gamit naman po maayos na din. Finalization na lang po. Check kung andun lahat or kung tama ba ang mga gamit na nadala." pagod naman siyang tumingin sakin. I know it's hard for him to be my temporary assistant.

        "Thanks Mark. Don't worry may papalit sayo mamaya at kung papayag siya. He'll be my permanent assistant." I assured him while smiling.

        "Sige po. Asahan ko po yan Sir. Check ko lang po kung ready na mamaya ang ibang employee." paalam niya sabay talikod sakin. This is gonna be exciting.


Douglas' POV

Nang matapos ang paguusap namin ni Sir Max pumasok ulit ako sa room. Actually wala naman talaga kaming klase. Mahina lang ang boses ko kanina kasi ayokong malaman nila na may tumatawag sakin maliban kila Erin. Lam niyo naman na maissue sa Pinas. Nang makapasok ako nilapitan agad ako nila Blaine.

             "Sino yung tumawag sayo? Bakit kailangan mo pang lumabas?" hindi na ako umupo, inayos ko na agad ang gamit ko para umalis. Hinehenep eke ne cresh eh.

           "Ah si Sir Max. May papagawa daw saking trabaho. Okay lang ba na hindi kayo sumama? Ako lang daw kasi?" tanong ko sa kanila matapos mailagay sa bag lahat ng gamit ko. May ginagawa kasi ako kanina kaya nakalabas karamihan sa gamit ko.

         "Oo naman. Okay lang. Sige go lang. Balitaan mo kami sa mga gagawin niyo ah? Shoo! Bilisan mo na baka nagaantay na yun." taboy sakin ni Blaine. Makataboy 'to kala mo naman kala mo hindi ako kaibigan. Ngumiti lang ako sa kanila, syempre kasama na dun si Erin na nakatingin na naman sa cp niya pero nakabusangot. Mamaya na lang siguro ako magtatanong o kaya naman bukas. Tumakbo na ako palabas ng room kasi 7:30 na. Naalala ko na sinabi pala kanina ni Sir na kailangan ko pang icheck ang mga gagamitin kung kumpleto na ba, kung maayos ba ang mga gamit, kung sakto ba ang supply. Goodness! Ang hirap nun.

Nang makalabas ako ng gate. Bakit agad ako nakalabas? Syempre nagpaalam ako kay kuyang guard at pinayagan naman ako. Papunta na sana ako sa may sakayan ng may bumusina saking kotse kaya napalingon agad ako dun. Akala ko ba pupunta na lang ako dun sa shop niya? Tumigil siya sa harap ko.

       "Get in" bungad niya sakin na para bang nagmamadali kaya sumakay agad ako. Nang makapasok na ako ikinabit ko muna ang seatbelt sakin. Safety first bago landi HAHAHA.

       "Akala ko po pupunta na lang ako dun?" tanong ko sa kanya habang may kausap siya sa cellphone niya at parang aligaga siya. Anyare sa kanya?

        "Shit." malutong na mura niya. Hala? Ako ba minumura niya?

         "Okay lang po kayo Sir?" nakakunot noo kong tanong sa kanya pero binigay niya lang sakin ang cellphone niya. Anong gagawin ko dito? Ang ganda pa naman. Samsung. Hihihi

         "Tawagan mo yung contact dyan sa list na ang pangalan David Flower Shop. Tell them I need some flowers for a garden wedding. Also send them the address saved in my notes there." utos niya sakin habang nakatingin sa daanan. Kahit naguguluhan ako pinili ko na munang gawin ang pinaguutos niya. Siguro eto yung trabaho na ipapagawa niya sakin kaya niya ako pinasama.

         "Hello is this the David Flower Shop?" naks English yun ah! Hiyang hiya naman kasi ako kay Sir Max.

           "Yes this is. And who is this? Personal number ni Mr. Whittskar ang gamit mo." tanong sa kabila. Sinasabi ko na nga ba. Englishero din.

         "This is Douglas Dixon. He's assistant. He's asking for some flowers needed for the garden wedding. We need it before 10:00 A.M" "sagot ko sa kanya. Natahimik muna siya ng ilang segundo bago sumagot ulit.

         "okay. We'll send it immediately." napangiti naman ako sa sagot niya.

        "Thank you. I'll just send the address using this number. Bye." pagkasabi ko nun binaba ko na ang tawag at nakangiting hinarap si Sir Max na nakangiti na din pala. Anong nginingiti niya dyan? Kanina nakabusangot siya. Ngayon nakangit na?

        "okay na po Sir." nakangiti ko pang sabi sa kanya sabay lagay ng cellphone niya sa may harapan. Humarap naman siya sakin saglit pero nakangiti pa din ng konti.

        "That's a pretty good talking there. You can be my assistant. Permanently. What do you think?" ha? Wait? Nabingi ata ako dun ah.

       "Po? Inaalok niyo po ba ako ng trabaho?" tanong ko sa kanya. Tumango lang naman siya. Assistant niya? Hindi naman masama yun. Pero kasi.

       "Pero po sila Erin? Kasama ko din po ba sila?" tanong ko sa kanya.

       "It's up to them. Kung ayaw nila dun pa din sila kay Joseph ganun din sayo. Pero kung pumayag kayo or ikaw lang, dun lang kayo sakin na magtatrabaho." napatango tango naman ako sa sinabi niya. Actually maganda yun kasi unang una makakasama ko siya. Jokee. Kasi gusto ko ang shop niya. Next is baka madali lang ang trabaho namin. 'baka'. hindi pa sure.

        "Pwede ko po ba muna silang tanungin?" tanong ko sa kanya.

        "Of course take your time. Madali lang naman trabaho mo pag naging assistant kita or any of you three." tukoy niya sa magiging trabaho ko or namin.

       "Nga po pala. Kala ko po ba may shop na kayo? Bakit kailangan niyo pa pong tumawag sa ibang shop? At saka kanino po yung shop? Kaibigan niyo po?" narinig ko naman na mahina siyang natawa pagkatapos kong magtanong. Napasobra ata ang pagdadaldal ko.

       "My delivery van got in an accident. The flowers are ruined so we can't use them anymore, so I asked for some backup. And that David Flower shop is mine. Not my friend's" sagot niya. Whattt?? sa kanya pa pala yun? Ilan pa ba ang shop niya?

Bachelor Series # 1: Hello, Mr. GayWhere stories live. Discover now