CHAPTER 16

182 10 3
                                    


              "Ikaw pala ang boss nitong anak ko."tanong ni mudra kay Sir nang kumain na ulit siya. Ako naman hinayaan ko lang sila mag-usap. Wala naman kasi akong gana makipagsabayan sa kanila atsaka sumasakit na naman ang ulo ko kaya gusto ko na ulit matulog.


              "Yes I am ma'am"ma' am? HAHAHAHAHA


              "Tita na lang. Parang nakakahiya naman kung maam pa ang tawag mo sakin."may pahampas hampas pa si mudra sa braso ni Sir. Aba! Uunahan pa ako ng nanay ko kay Sir ha? Humahagikhik pa siya. Ay ang landi mudra?


            "Oh sorry po Tita." kamot batok na hinging pasensya ni Sir. Infairness, cute niya pag nahihiya.


           "Nga pala, bakit nilagnat 'tong anak ko? Pinabayaan mo ba siya? Alam mo bang mahina ang baga ng isang 'to?" tanong ni mudra kay Sir, dinuro duro niya pa si Sir ng tinidor. Tumingin naman sakin si Sir na parang nagtatanong, tas biglang dumilim ang awra. Luhh? Ginawa ko sayo?


             "Sorry Tita, I didn't know that. I was drunk that night and he just grab a very cold drink. Sorry po hindi ko siya nabantayan."sagot niya kay mudra pero nakatingin pa din sakin ng masama.

             "Aray..." mahina kong daing sabay tingin kay mudra. Masakit yun ah! Pinong pino ba naman ang kurot niya sakin.


              "Ikaw naman pala ang may kasalanan. Alam mo namang bawal ka ng masyadong malamig pero uminom ka pa rin."kunot noo niyang sermon sakin.


             "Natakam ako mudra eh." sagot ko sa kanya. Nang kukurutin niya sana ako ulit, tumayo agad ako sabay takbo sa taas. Bahala sila dyan, nao op ako sa kanila.


Kakalabas ko lang sa banyo. Kahit nilalamig pa din at masakit ang ulo, pinili ko pa ding maghilamos kahit mabilisan lang. Nanlalagkit na kasin ang katawan ko at para na rin lumabas ang init ng katawan ko (parang ibang init yun ah? HAHAHA). Nagsusuot pa lang ako ng pangibaba kong pajama ng may biglang kumatok. Baka si mudra dala ang gamot ko. Hindi ko na muna isinuot ang pang itaas ko at binuksan muna ang pinto.


              "Sir? Bakit po kayo andito? Akala ko po nakauwi na kayo?" tanong ko sa kanya, pero nakatulala lang siya sakin. Pinitik ko naman sa harap niya ang daliri ko.


            "Sir? Okay lang po kayo?" tanong ko sa kanya. Iniling iling niya muna bago ngumiti sakin.


            "Your mother said, I will say goodbye to you before leaving." sagot niya sakin habang kamot kamot ang likod ng ulo. May kuto ba siya? Ilang beses na siyang nakamot ng ulo.


             "Sige po. Ingat po kayo." hinintay ko muna siya umalis pero ilang segundo na ang nakakalipas hindi pa din siya umaalis.


              "May kailangan pa po ba kayo Sir?" tanong ko sa kanya. Parang nagdadalawang isip pa siya bago sumagot.


            "I just want to ask what time you go home tomorrow." tanong niya sakin.


            "Mga 4 po. Bakit po Sir?" nagtataka ko sa kanyang tanong.


          "Ah sige. Alis na 'ko." kahit hindi pa ako sumasagot, tumalikod na agad siya para bumaba. Bastos yun. Pagkatapos makikain hindi man lang ako hinintay sumagot o magpaalam ulit sa kanya.. Sinara ko na lang ang kwarto ko at humiga na. Pero di ako makatulog! Tumihaya ako ng higa. Bakit kasi siya pumunta dito? Nakokonsensya ba siya kasi nagkasakit ako? Hindi niya naman kasalanan yun kasi ako naman ang may gustong uminomng makamig. May gusto ba siya sakin? Saka ko naalala ang inamin niya sakin kagabi. Posible kaya yun? O baka dahil lasing lang siya? Pero diba kasi paglasing daw, tatlo lang naman kadalasan ginagawa niyan, ang magsabi ng totoo, maging baliw, o kaya naman makatulog. Hindi naman siya naging baliw. Hindi din agad siya nakatulog. So, totoo nga yun? Kyaaaahhhh. Gusto niya nga ako?????


          *Ting!*

Kinuha ko agad sa may tabi ko ang cellphone ko ng marinig kong may nagtext.


           [:Crush kong pogi: Good night blonde. Mataashiata. Watashi wa anata o, aishitemasu.

Ano daw? Alien ba yun na word? Ang alam ko lang English, Korean tas tagalog eh. Bahala na nga.


        [: Good night din po Sir.

Reply ko sa kanya. Kala ko hindi na siya magrereply pero......


        [: Just call me Max, drop the 'Sir'

Bakit ayaw niya?


       [:Sige Max :) matutulog na ako

Para tuloy hindi ko siya ginagalang. Bahala siya. Siyaa naman may gusto na ganun na lang itawag ko sa kanya. Sumusunod lang ako.

Bachelor Series # 1: Hello, Mr. GayWhere stories live. Discover now