CHAPTER 13

234 10 0
                                    

         "Po? Sa inyo po yun? Eh yung shop po na pinuntahan namin dati diba sainyo din po yun diba? Ilan po ba talaga shops niyo?" lito kong tanong sa kanya

          "I guess more than 5?" more than 5? ang yaman niya ngaaaa

          "ang dami naman po. Sino po ang naghahandle?" nakaharap na ako sa kanya para mas marinig ko siya.

          "I handle my brain branch, and some of my share holders handle the others." sagot niya sakin.

           "We're here." napatingin ako sa labas pagkatapos kong marinig yun. Di ko man lang napansin na nakarating na pala kami dito. Lumabas na ako ng kotse.

         "WOWW. Asan po tayo Sir?"tanong ko pero nalibot pa din ang paningin ko. Andito kami ngayon sa para siyang villa. Pagka baba namin sa sasakyan bumungad samin ang maliit na bahay naparang kubo siya pero sementado sa may bandang gilid, may daanan din papasok kaya naglakad na kami papunta dun ni Sir Max.

          "This is the villa of Villanueva. Their daughter wants to get married here." sagot niya sa tanong ko. Habang naglalakad kami pansin ko na may mga tanim na pinya sa gilid ng nilalakaran namin. Pero paglampas sa may mga pinya may mga puno pang namumunga katulad ng santol at mga bayabas. Nang medyo malayo layo na kami sa entrada, sa right side ng daanan meron dung malaking puno ng acacia at sa ilalim nun may bench na hugis pabilog. Siguro maganda tumambay dun kapag gusto mo magsolo? Sa kakalibot ng paningin ko hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa dulo kung saan sa tingin ko dito gaganapin ang kasal.

         "And now we're here. See that side?" turo ni Sir sa may bandang gilid kung saan may paarko dun na puno ng gumagapang na tanim at may mga bulaklak na. Sa may gilid din may mga bulaklak dun na nakatanim.

         "Dyan tayo magdedesign at dyan gagawin ang kasal." tukoy niya sa side. Medyo simple pa lang yun, ang mga nakalagay naman na upuan wala pang pampaganda.

        "Lahat po ba 'to dedesignan o doon lang po sa side na yun?" tanong ko sa kanya pagkatapos magsawa ang mata ko kakatingin sa paligid.

       "Sa side lang na yun. Natapos na sa reception area. Sabi ko ichecheck mo pa ang mga materials but I guess Mark already checked 'em" ganun? Eh ano nang gagawin ko dito? Ginawa naman na pala ng employee niya.

       "Eh ano na pong gagawin ko?" tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sakin.

       "Let's just meet the groom and the families, come on." hinila niya naman ako sa bahay na open lang. Yung tipong bukas lang yun harapan. Walang wall ang harap. Doon ata ang reception kasi nakita ko na may mga table dun na may mga tela nang puti at designs na nang bulaklak. Nang makapasok kami sa reception are sinalubong kami ng groom.

       "There you are Max. Buti naman nakahanap kayo ng ipapalit dun sa mga bulaklak na nawala." bati nito kay Sir at nakipagyakapan pa. Brotherly hug lang syempre.

       "Yeah. Buti nga." sagot sa kanya ni Sir ng nakangiti ng biglang nabaling sakin ang paningin ng groom.

       "Who's this kid? Your boyfriend?" tanong niya ng nasa akin na talaga ang atensyon. Boyfriend? Okay parang medyo mataas na pangarap yun.

        "Oh him...He's Douglas. My assistant for today but I already asked him to become my permanent assistant." pakilala niya sakin sa kausap.

      "Hi. I'm Flare, the groom." pakilala niya sabay lahad ng kamay kaya kinuha ko yun at nakipagkamay.

         "Douglas Dixon po." ngumiti lang siya at binitawan na ang kamay ko.

         "We'll go now, tutulong pa ako sa employees ko. See you later." paalam ni Sir sa kanya pero ngumiti lang si Flare kaya hinila na ako ni Sir pabalik sa may part kung saan gaganapin ang kasal.

        "All we have to do now is to design the chairs, kumpleto na ang mga gagamitin kaya designing na lang. Ayun ang mga bulaklak. I know you can design them. Good luck." utos niya sakin ng mga gagawin ko. Tiningnan ko namang kumuha na siya ng mga bulaklak at nag design na sa kabilang hilera ng mga upuan kaya kumuha na rin ako ng mga bulaklak.

Ilang oras na din ang nakakalipas at eto nagdedesign pa din ako pero huli na 'tong upuan sa may parte ko. Tumingin naman ako sa side ni Sir at nakita kong seryosong seryoso siya sa ginagawa niya. Nakakunot din ang mga kilay niya kapag hindi natatali ng ayos ang mga bulaklak, kapag naayos na din medyo lumalabas ang dulo ng dila niya at napapangiti bigla.

        "Sir! Magsisimula na daw po in 30 mins ang kasal.!" napatingin ako sa sumigaw nun at parang isa siya sa mga organizer kasi may hawak siyang clipboard at may lapel siya.

         "Sige, malapit na kami dito." sagot ni Sir, nakatayo na din siya kaya alam kong tapos na siya, lumapit siya sakin.

           "Tara na blonde, magpapalit pa tayo ng damit." ha?

          "Po? Pero wala po akong pamalit." wala talaga, ikaw ba naman sunduin sa school, naka school uniform pa nga ako ng dinala niya ako dito.

         "May mga damit dun para sa mga bisita sa kasal. Kasya na siguro sayo yun. So, come on" pagkasabi niya nun hinila niya na ako papasok dun sa may reception area. Dinala niya ako sa isang kwarto.

        "Here's your clothes. There's the bathroom. You change first, may tatawagan lang ako." pagkabigay niya sakin ng damit naglakad na agad siya papunta sa may bintana at may tinawagan. Pumasok na din ako sa may CR para magpalit. Pagkahubad ko ng mga damit ko, itinupi ko muna yun at inilagay sa may tabi, siguro naman walang makikialam nito dito.wala naman sigurong gumagamit nito maliban kay Sir. Kinuha ko na ang mga pamalit ko. Nang masuot ko yun napansin ko na simple lang pala 'to. Long sleeve na puti na medyo maluwag, at brown pants na hanggang tuhod lang. Nang okay na lahat, lumabas na ako. Nakita kong nakaupo na lang si Sir sa may higaan at nakapagpalit na rin ng damit, same kami ng damit. Pareho naman siguro kaming mga lalaki ng suot diba? Kung hindi magmumukha kaming couple nito. Tumingin siya sakin at ngumiti.

             "You look good." nakangiti niyang sabi sakin. Uminit naman agad ang pisngi ko kaya napayuko ako.

           "Here. Wear this for your feet." nakalapit na pala siya sakin, naka luhod ang isa niyang tuhod sa may harap ko. Yung porma ng lalaki kapag tinatanong ang babae ng 'will you marry me?' basta ganun. Bahala na kayo magisip. Sinuot ko naman ang binigay niya. Isa yung leather sandal na kapares ata ng damit, pansin ko din na magkapareho kami ng suot. Lahat na lang?

           "tara na magsisimula na ang kasal." lumabas na kami sa kwarto at nagpunta na sa venue

Bachelor Series # 1: Hello, Mr. GayWhere stories live. Discover now