Chapter 9

271 14 0
                                    

Douglas' POV


Andito na kami sa room pero si Blaine tuloy  pa rin sa pangaasar sakin tungkol sa isyu kanina sa cafeteria.


                    "Oyy ano nga? Crush mo na?"

                     "Totoo no?"

                     "dali na"


Hindi ko na pinakinggan ang iba niyang sasabihin ng mapatingin ako kung nasaan si Erin. Nasa may bandang unahan kasi siya. Nakita kong kinuha niya sa bulsa niya ang cp niya at  bigla na lang ngumiti bago ibinalik yun. Ano yun? Bakit siya ngumiti? May bf na ba siya? Bf niya ba yun? Aba ang loka hindi nagsasabi?!

                                                ****************************

3:00 P.M at kakatapos lang ng klase namin at eto...hila hila na naman kami ni Blaine na kala mo naman bagay kami na pwede lang hila hilahin. 

          "Oyyy!! Dahan dahan naman Blaine!" sigaw ko sa kanya pero siya tuloy pa rin hanggang makarating kami sa may gate saka niya lang kami binitawan. Napahawak na lang ako sa tuhod ko at kumuha ng hangin. Langya! Feeling ko sumali kami sa marathon!


            "Bakit ka ba nagmamadali  ha? Pwede namang maglakad na lang eh" inis ko sa kanyang tanong kaya napakamot na lang siya sa batok niya.


            "Sorry na baks. Baka kasi maubusan tayo ng sasakyan. Inaantok na din kasi ako." palusot niya sabay peace sign sakin. Tsk!


              "Oo na. Nangyari na eh. Mabuti pa tumawag ka na ng sasakyan natin tutal ikaw naman ang may malakas na boses sating tatlo."  nakita ko pa siyang nagpout peroo nagsimula na din tumawag pero ng sasakay na kami, may narinig na lang kaming bumusinang sasakyan. Tumingin kami sa bumusina at nakita namin na may Audi A8 na tumigil sa harap namin. Dahil sa pagtigil nun sa harap namin walang nagawa ang jeep na tinawag namin kaya umalis na lang yun. Galing sa sasakyan, lumabas dun ang hindi ko inaasahang tao. Nakasuot siya ngayong ng  black slacks at white long sleeve pero nakatupi yun hanggang siko niya, meron din siyang suot ngayong salamin kagaya ng kay Harry Potter. Bakit ba siya andito? At bakit ang pogi niya?


              "Sir Max? Bakit po kayo andito?" tanong ni Blaine pero ako nakatitig pa rin kay Sir Max. Wala lang ang pogi niya kasi ehh!! 


                "I just wanna talk to Erin. Can I borrow her for a moment?" napatingin kami ni Blaine kay Erin ng sinabi niya yun. Bakit si Erin? Hindi sa umaasang ako, pero bakit siya? Siya ba ang nagtext kanina kay Erin kaya siya nangiti?  Bf ba siya ni Erin?


                "Sige po Sir. Antayin ka na lang namin dun sa may  gilid Erin." pagkasabi nun ni Blaine inaya niya na ako sa may bench sa gilid. Dada siya ng dada pero ako lutang. Ang dami kong tanong. Kung bakit andito si Sir. Kung anong pinag uusapan nila. Kung magano sila. AAAAAGGGHHH! ANO BA TALAGA?!


                    

Bachelor Series # 1: Hello, Mr. GayDove le storie prendono vita. Scoprilo ora