CHAPTER 21

153 10 1
                                    


                    "Maupo ka na din hijo ng makakain na tayo." aya ni mudra kay Sir. Hijo? Anak niya na si Sir?! Hindi ako nainform! Nakita kong tinanggal muna ni Sir ang apron at itinabi yun sa may gilid saka siya umupo sa tabi ko. Tuminginsiya sakin na para bang nagtatanong. Wag kang ganyan Sir! Mukha kang tarsier!


                       "Mudra, bakit andito na naman siya? Wala ba silang pagkain sa kanila? Ang yaman yaman kaya niya!" pabulong kong sigaw kay mudra.


                       "Tumahimik ka dyan bakla. Kumain ka muna dyan at sa kanya ka humingi ng paliwanag." masungit na sagot sakin ni mudra. Ang sungit! Nagtatanong lang naman ako ah. Kahit gustong gusto kong magtanong hindi ako nakakapagtanong. Ikaw ba naman pagdilatan ng mata kapag magtatangka kang magsalita. Baka mamaya pa nito makurot lang ako o kaya masipa. Nang matapos kami kumain, si Sir pa rin ang naglinis at naghugas. Hiyang hiya na ako! Siya 'tong bisita pero siya pa ang gumagawa niya. 'Di ko kasalanan ah! Inalok ko siya ng tulong pero ayaw niya.

Siya na daw. Edi siya na. Masipag naman siya, kaya niya na yan.


                           "You okay there blonde?" tapos na pala siya. Umupo siya sa tabi ko. Nakaayos na ulit sa dati ang long sleeve niya. Sayang. Ang ganda pa naman ng braso niya. (Maganda?)


                          "Oo naman po. Dapat kayo po ang tinatanong ko nyan." ngumiti lang siya at isinandal ang likod sa may sofa.


                             "I'm fine." mahina niyang sagot sakin. Nakita kong pumikit siya. Wag niyang sabihin na dito siya matutulog? Grabe na yan ah! Ginagawa niya na 'tong sarili niyang bahay.


                              "Nga po pala Sir, bakit po andito kayo ulit? Akala ko po nakuwi na kayo kanina?" tanong ko sa kanya. Pinihit niya paharap sakin ang katawan niya. Tinitigan niya ako. Auh nakakailang ang tingin niya.


                                "Uh...bakit po?" umiwas naman ako ng tingin ng ngumiti siya. Naramdaman ko siyang umusog papalapit sakin kaya napatingin ako sa kanya na nanlalaki ang mga mata. Anong ginagawa niya?! Lumapit pa siya ng lumapit sakin hanggang parang nakahiga na ako sa may sandalan ng sofa, tas siya parang dinadaganan na ako. Oh my gosh!



A/N: And tada! After few weeks nakapag update din dito sa wakas. Please continue supporting me :) 

Bachelor Series # 1: Hello, Mr. GayWhere stories live. Discover now