Chapter 5

488 27 7
                                    


Erin POV


Naglalakad na kami ngayon papunta sa may kakainan namin. Private cottage yun. Medyo malaki. Kasya kaming lahat na kasama ni Sir Max. Naguusap silang apat pero ako tahimik lang sa tabi. Iniisip ko pa rin yung nangyari habang nagdedesign kami.

FLASHBACK

Nagdedesign kami ngayon sa may bandang stage. Si Sir Max kasama ng ibang employee niya, kami naman ang kasama naming tatlo si Butler John. Sila Blaine sa may bandang gilid pero ako sa may bandang taas ako. Medyo mataas kaya gumamit ako ng ladder. Nang matapos ko nang lagyan ng design bumaba na ako sa ladder. Pero nang nasa kalagitnaan na ako, nadulas ako bigla. Napapikit ako. Shit! Napakamalas ko naman!

           "ERINNN!!!" Narinig ko pa ang sigaw nila pero nakapikit lang ako. Pero.... hindi ako bumagsak?

           "Open your eyes" binuksan ko dahan dahan ang mata ko at nakita ko dun ang mukha ni Butler John na puno ng paga alala. Medyo mabilis din ang paghinga niya na alam kong dahil sa pagtakbo niya papunta sakin.

END OF FLASHBACK

And that's what happened. Nakakahiya.

        "Aray!" Napaupo ako sa buhangin ng biglang sumakit ang tuhod ko. Shit naman talaga! Nang tiningnan ko yun nakita kong may pasa pala.

        "Hey. You okay?" Tanong ni Sir Max sakin. Nang tiningnan nila ang tuhod ko bigla silang nataranta.

        "Oh geez! May pasa ka! Baka dahil yan sa pagkahulog mo kanina. Butler John pakidala siya sa room nila." What?? Hindi ako sasama sa kanila?

         "Okay naman na po ako" sagot ko na lang sa kanila. Nang tatayo na ako, napaupo ulit ako sa buhangin. Traydor na katawan!

         "You're not fine Erin. Butler John" dahan dahan naman akong binuhat ni Butler John kaya hindi na ako nakapalag. Bwisit.

         "Susunod ako Sir para kumuha ng pagkain" pagkasabi nun ni Butler John naglakad na siya pabalik sa room......kasama ako.Kakabalik lang Butler John galing sa pagkuha ng pagkain ko. Inaaya ko siyang kumain pero ayaw naman. Edi wag. Hindi naman ako ang magugutom.

        "Butler John bakit andito ka pa? Hindi ka ba pupunta dun? Tanong ko sa kanya habang kumakain pa din.

          "Just eat. After you ate saka ako lalabas." Sagot niya lang at bumalik sa pagce cellphone. Psh! Sungit.

          "Salamat po pala sa pagkain. Tsaka sa pagtulong sakin."

           " stop saying 'po'. I know Im older that you, but Im not that old yet." Ang sungit niya talaga! Grrr

           "Okay" sagot ko na lang. Baka masungitan niya lang ako ulit.

               

                                  *************

Hindi din tumagal nakabalik na din sila Douglas. Lahat kami pagod kaya naintindihan ko naman kung bakit dumiretso na sila ng tulog pagkatapos maghilamos. Nang nakahiga na sila, saka naman na ako pumikit. 

DouglasPOV

Kanina pa ako paikot ikot sa higaan pero hindi talaga ako makatulog. Kanina inaantok ako pero ngayon hindi na!! Buset naman. Tumayo ako at tiningnan sila Erin. Buti tulog na. Kinuha ko ang hoodie ko at lumabas. Maglalakad lakad muna ako, baka antukin ulit ako. May nakita akong duyan sa may parteng gilid kaya naisipan kong umupo muna dun. Medyo malamig din kasi ang hangin kaya dun muna ako.

          "It's late already. Why are you still here?" Napatingin ako sa nagsalita.

          "Sir Max kayo po pala" naupo siya sa may tabi ko. Dahil sa may kataasan ang duyan muntik pa sana akong mahulog buti na lang nasalo agad niya ako.

          "Still not sleepy?" he asked me. Ginalaw niya ng onti ang duyan. Oh nice! abot niya ang baba. Di niyo ako masisisi. Maliit lang kasi ako.

          "Hindi pa po Sir. Napadami po ata kain ko kaya ganito." I heard him chuckled. It's a sexy chuckle.

         "nga po pala, bakit po pala kailangan niyo ng assistant? wala po ba kayo nun?" pagtatanong ko.

          "meron. But I fired her after I got back from the cafe" sagot niya na parang wala lang sa kanya. Meron naman pala eh.

          "eh? bakit niyo po tinanggal? edi sana hindi na kayo naghanap ng bago" He laughed at me as if it's the most hilarious thingg he ever heard.

            "she kept on nagging me like my girlfriend and like my mum" yun lang reason niya? nagsayang siya ng pera dahil dun?

           "bakit hindi niyo po ba siya gusto? he looked at as I said those words.

          "I don't like women. I like guys" "Bakla po kayo Sir??" a well known man is a gay.?!

         "Yeah" sagot niya na akala mo napaka simpleng bagay lang nun. Well para sakin hindi yun simpleng bagay. Baka sa kanya oo.

         "P-pero po---" pinutol niya agad ang sasabihin ko. Tumingin siya sakin ng diretso.

        "What? Hindi ako nagsusuot ng pangbabae? Nagmimake up? Okay. I'm a gay but I don't use stuffs like that. Now come on, matulog na tayo." Hindi niya na ako pinagsalita ulit. Instead, tumayo na siya ng dahan dahan sa duyan. Bababa na din sana ako pero hindi ko abot, pag pinilit ko bumaba baka masubsob ako. Kabanas naman eh!

           "So small" nang marinig ko yun naramdaman ko na lang bigla na may mga kamay na humawak sakinmula sa ilalim ng kili kili ko. Inangat ako nun sa duyan att dahan dahang ibinaba sa buhangin. Tumingin ako kay Sir Max. Nakita ko sa mukha niya ang saya. Saya? Yung parang Nakita niya na ang pinaka cute na bagay sa buong buhay niya. Pinagkakatuwaan niya ba ang height ko?! Porke matangkad siya eh!

            "Tara na" pagkasabi niya nun, hinawakan niya agad ko sa kamay at hinila na pabalik sa room naming.

*dug!*dug!*dug!*dug!

Shheett! Yung puso ko parang gusto na lumabas sa ribcage ko!!! Crush ko na ata siya... Okay crush ko na talaga siya. Crush lang naman.

             "We're here. Get inside." Napatingin agad ko ng magsalita siya. Andito na agad kami? Ang bilis naman. Binitawan ko agad kamay niya. Shocks! Nageenjoy pa ako eh.

           "Sige po Sir. Good night po at Salamat din." Paalam ko sa kanya sabay talikod. Bubuksan ko na sana ang pinto pero hinila niya ako sa braso paharap. Nagulat ako sa ginawa niya 

Bachelor Series # 1: Hello, Mr. GayWhere stories live. Discover now