CHAPTER 14

206 12 1
                                    

Pagkakita ko pa lang ng natapos naming design napangiti agad ako. May mga nakasabit nang lantern at yun ang nagsisilbing ilaw dahil malapit na ding dumilim. Maayos din ang pagkakayos namin ng mga bulaklak, yung kaninang paarko, nadagdagan yun ng bulaklak at puting tela na mas bumagay sa kanya. Ang mga upuan naman, nababalot na ng mga puting tela, sa kada dulo ng hilera ng mga upuan, may pumpon doon ng bulaklak na ako at si Sir ang nagdisenyo. May red carpet din sa gitna na may mga puting petals ng rose. In short, ang ganda ng pagkakadesign namin. Naupo kami sa may bandang unahan ng marinig naming nagsisimula na ang kanta.

Sir, I'm bit nervous 'bout being here today

Still not real sure what I'm going to say

So bear with me please

If I take up too much of your time

Nakita naming naglakad na ang bride kasama ang papa niya. Sobrang ganda niya. Nagiging straight na ata ako. Naka cocktail gown siya na greenish, may suot din siyang flower crown sa ilalim ng belo niya.Hindi din makapal ang make up niya pero lumilitaw pa rin ang ganda niya. Nagiging straight na ata talaga ako.

But you see in this box is a ring for your oldest

She's my everything, and all that I know is

It would be such a relief

If I knew that we were on the same side

'cause very soon I'm hoping that I

Could marry your daughter

Lahat nakatingin sa kanya at hinihintay siyang makarating sa altar. Sa paglalakad niya, sinasakop na din ng dilim ang kadiliman at nakita kong mas gumanda ang gown niya. Para siyang may maliliit na paruparo sa may bandang baba na lumiliwanag kapag natatamaan ng ilaw mula sa mga lanterns.

And make her my wife

I want her to be the only girl

That I love for the rest of my life

And give her the best of me 'til the day I die, yeah

Nang marating niya ang unahan, ibinigay na siya kay Flare, ang groom niya. Napansin ko ding may konting luha sa mata ng groom. Tears of joy. Kasi finally makakasama niya na ang pinakamamahal niyang babae. Ang swerte naman nilang dalawa. Magkahawak kamay silang humarap sa pari na andun. Ilang minuto din ang lumipas bago sila nagtapos sa...

"You may now kiss the bride"

Anunsyo ng pari na sinundan naman ng malakas na palakpakan. Napapalakpak na din ako sa saya kasi imagine ha? Ang dami na pala nilang pinagdaanang dalawa pero eto sila oh. Kasal na. Ang sweet naman nila. Naol no? Humarap naman sila samin ng nakangiti, saka naman dun pinakawalan mula sa taas ang mga puti at pulang petals ng rose.

I'm ready to start

I swear to you with all my heart

I'm gonna marry your daughter

And make her my wife

I want her to be the only girl

That I love for the rest of my life

I can't wait to smile

As she walks down on aisle

On the arm of her father

On the day that I marry your daughter

Nang matapos ang kasalan, nandito na kami sa may reception area. Hiwalay ang table naming dalawa ni Sir Max dahil na din sa kagustuhan niya. Kanina kinunan na niya ako ng pagkain, at guess what. Dalawang plato lang naman ang kinuha niya. Ang isa kanin at may ulam, ang isa naman puro matatamis. Nagpahatid na din siya ng drinks na may kasamang alak. Hindi akin ang alak ah! Sa kanya yun. Wala daw siyang gana kumain kaya umiinom lang siya. Kaya ako lang pinakain niya, okay lang, tutal kanina pa ako gutom. Yum yum yum.

           "Blonde?" tawag niya sakin. Kanina pa siya tahimik at ngayon lang siya ulit nagsalita.

          "Po?" tanong ko sa kanya. Medyo namumula na din siya, siguro tinatamaan na ng alak.

          "Do you perhaps....likes me?" napatigil ako sa tanong niya. Lasing na nga siya. Kung ano ano na ang tinatanong. Pero totoo naman yun. Crush ko nga siya diba? Pero crush lang naman.

        "Bakit niyo naman po naitanong?" tanong ko sa kanya habang paonti onting kinakain yung marshmallows na may chocolate. Sa mga bata 'to actually. Kaso si Sir ang kumuha eh, tsaka gusto ko din naman.

         "Because..." pabitin niyang sagot.

        "Because I like you." pagpatuloy niya sa sinasabi na ikinasamid ko naman. Like niya ako? Ha? Parang nabingi ako dun. Pakiulit nga!

         "P-po?" tanong ko sa kanya pero tumawa lang siya ng mahina at uminom ulit ng alak. Hindi ba siya dyan nasasawa? Malapit nang magkalahati yung alak bote.

        "Never mind. Do you want to go home now? Or you wanna sleep here?" tanong niya sabay tabi ng alak. Natauhan na siguro.

         "Lasing po ata kayo. Baka madisgrasya po tayo sa daan." sagot ko naman. Ayoko pa mamatay NO.

           "I can still manage to drive us home. So come on, I know you're tired." pagkasabi niya nun tumayo na siya kaya tumayo na din ako.

          "Pero po Sir, lasing na po kayo." pansin ko kasing medyo nahihilo na siya. Wala na nga sa tama ang paglalakad niya.

         "I..I can still manage blonde." nakangiti niyang sagot sakin. Pero muntik pa siyang matumba, buti na lang nahawakan ko siya sa braso.

          "Hindi niyo na nga po kaya Sir." pilit ko sa kanya. Pero hinila niya ang braso niya sakin.

           "I can still drive blonde. Come on let's go home." ang kulit naman eh! Babatukan ko na talaga to.

          "Max!!" napalingon agad ako sa sumigaw ng pangalan ni Sir at nakita kong papalapit si Sir Flare.

          "Oh,anong nangyari dyan?" tanong niya ng makalapit.


        "Nalasing po Sir. Nakalahati po yung bote ng alak." sagot ko sa kanya.

        "Is that so. I guess you can't go home tonight then? I'll just bring him in the room where you changed your cloth. Doon na muna kayo matulog."

Dahil nalasing na nga ang kasama ko, eto kami ngayon, nasa kwarto ulit kung saan kami nagpalit kanina. Nakalabas na si Sir Flare kaya kami na lang ang andito. Saan naman ako matutulog nito? Sinakop niya na ang higaan. Ang daya niya naman. Tsaka ang baho niya! Oh my goshh! Asan ba mga damit nito?

Inilibot ko ang tingin sa kwarto at napansin sa may upuan ang kulay itim na bag. Nilapitan ko iyon. Nang buksan ko ang bag, may mga damit nga, puro naman itim. San ba punta niya? Lamay? Ang alam ko kasal. Bahala na nga. Kinuha ko na lang ang tshirt na kulay itim at naglakad na pabalik kay Sir Max. Pero.... huhubaran ko siya?! 

Bachelor Series # 1: Hello, Mr. GayWhere stories live. Discover now